Chapter 25: The Gift

684 15 0
                                    

After ng maeskandalong tagpo sa court, nag decide na kaming umakyat sa room.

Mainit pa rin ang ulot ni DL at gusto niya pa ring mag-higanti sa kupal na bangus na yun.

Pero pinigilan ko na lang siya. Wala namang magandang maidudulot yun eh. At isa pa, nakaka-stress lang.

Naniniwala rin ako sa Karma.

Masyadong matabil ang bibig ng babaeng yun.

I mean to think na nasa ibang school siya, di ko maintindihan kung anong pinaglalaban niya at bakit ang tapang tapang niya.

Ganun ba talaga pag chaka? Nagbe blend nalang yung ugali sa fez?

-
Sobrang sarap sa room namin.

Malamig. Malinis at Madilim.

CHAROT!

Siyempre maliwanag. Haha! Kayo ah!

Tahimik lang ako at pumwesto sa may bintana. Kapag mga ganitong oras talaga, ang sarap mag-muni muni. </3

Pero napansin kong nagkakagulo ang mga hampas lupa.

Nagbebenta pala si Mae ng mga jewelry.

Vic: Ano yan be?

Mae: Tse! Tigilan mo kong bakla ka! Kausapin mo ko kung may wawarts ka!

Vic: Di ka ba aware na maharlika ko?

Sir Gelo: Parang di naman!

Nagulat ako at napatingin sa may likod ko.

Shet! Andon pala si Sir Gelo at sitting pretty (handsome) sa monoblock chair, naka dekwatro, chill na chill at ang gwapo lang.

.... Grabe! Ganun pala kalalim ang pagmumuni muni ko at di ko napansin na pumasok na pala siya.

Sir Gelo: Si Vic aliping sagigilid lang.

Vic: Knock before you enter! Malaking sabatero kayo sir ahh!

Pero nagkunwari ako na di nakikinig sa childish convo nilang dalawa.

At dahil sobrang in-denial at di nagpapahalata na na-shock ang lowla niyo sa presence ni Sir Gelo, tinuon ko nalang kunwari ang atensyon ko sa mga paninda ni Mae.

Oh di ba? Kumpleto sa school namin!

May mga echusero, feeling magaling, komedyante, warfreak na all-talk lang naman, may mga pa-fall, jejemon at syempre may mga business minded people din. Haha!

Wag ka! Hahaha! :))

Pero nainlove talaga ako sa isang necklace na sine sell ni Mae.

Heart ang pendant niya. Ang ganda! <3

GRABE KASING GANDA KO! :))

Me: Be! Ang ganda naman neto.

Mae: Bilhin mo na.... Sige na!

Me: Wala naman akong pera. (I sadly said.)

Vic: Di ka nag iisa te! Ako nga hanggang ngayon 70 parin baon ko eh. Wow! As in wow! Thank you kay Papa. Ramdam na ramdam ko ang asenso.

Walang nag react. Walang may pake. :)

Habang busy ang lahat sa pagsusukat at pagtatanong ng mga presyo, yung tipong akala mo naman eh mga bibili talaga, biglang lumapit si Sir Gelo.

Di ko agad napansin na lumapit pala siya. Pano, isa rin kasi akong echusera at hindi ko napigilang sukatin yung necklace.

Sir Gelo: Bagay sayo, Karen. Bilhin mo na.

Me: Sir, para namang may pera ako, di ba?

Mae: Sige, Sir! Bayaran mo nalang para kay Karen. Maharlika ka naman di ba?

Natawa si Sir.

Sir Gelo: Ayoko nga!

Tapos biglang tumawa ng pa-cute si Sir nung umirap ako. Haha! 😂

Sir Gelo: Pero kung magpi-please si Karen, why not?

Dine-dare ako ng walanghiya!!!!!

Buti nalang talaga GWAPO.

Nakatingin lahat ng mga tao sa loob samin at sa eksena.

Nakangiti siya. Lecheng ngiti yan! Fuck! I must admit na ang cute. Pero leche pa rin talaga! Haha.

At dahil okay naman ang mood at biruan naman at pinipilit na ko nila Vic. Sinakyan ko nalang at nagsabi ako ng magic word na "Please."

PLEASE with matching arte, finesse, at kembot.

Pak! Yun na!

Akala ko talaga nagbibiro lang si Sir Gelo that time. Pero laking gulat naming lahat ng kunin niya ang wallet niya sa back pocket ng pants niya.

Nakatitig lang ako sakanya habang tinatanong niya si Mae kung magkano yun.

Mamahalin yung necklace. No wonder it caught my attention.

(Tiffany and Company pala yung brand para lang sa mga curious.)

Nung marinig ko yung price ulit at nafeel ko na hindi makatarungan para ibili sakin ni Sir Gelo dahil lang sa isang nonsense na biruan.... Pinigilan ko siya.

Paulit ulit ko siyang pinigilan.

Unang una sa lahat, dyahe kasi. Nakakahiya naman yun. Parang pakiramdam ko eh napasubo lang siya sa biruan.

Siguro di niya ine expect na pricey yung item, tapos napasubo nalang siya para di mapahiya sa mga tao dun.... Siyempre nga naman teacher siya di ba?

"Sir Gelo, seryoso ka? Ibibili mo talaga to kay Karen?" Ulit na tanong ni Mae bago niya tanggapin yung pera.

"Why not? Bagay naman sakanya."

Can we talk about how kilig na kilig ako nun that time?

Nagpipigil ako guys. As in, wala kayong idea sa kilig na nafi feel ko that time.

Eto ang mga reason bakit.

1. Unexpected - Self explanatory.
2. Bet na bet ko yung item.
3. Kusang loob niyang sinabi yun na bibilhin niya talaga for me.
4. SI SIR GELO sya. Nakaka kilig siya! Alam niyo naman yan! :))
5. Ginawa niya yun sa harapan ng maraming tao. So siyempre ang haba ng hair ko. From Taft to North Edsa lang!

Grabe talaga yung araw na yun. Buong araw akong naka-ngiti at parang gago.

Buong gabi akong dilat at di ako makatulog sa kilig.

Parang nagkaron na nga ako ng mannerism na lagi ako napapahawak sa necklace na yun.

Hay. Sir Gelo!

Haynako talaga! Lintik na pag ibig. <3

I'm inlove with my teacher (True to Life Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon