Chapter 28: ENGLISH WEEK

734 15 3
                                    

Ng malaman kong may +3 sa card pag nanalo sa mga pa-contest ngayon English week eh taas kili kili akong nag-volunteer sa Declamation speech.

After nga nun, kinausap ko ang sarili ko kung kakayanin ko ba talaga. After 5 seconds, nagsisi ako sa naging desisyon ko.

Dumating pa sa puntong nagmakaawa ako kay Sir Marlo na kalimutan na lang niya ang ginawa kong pagvo volunteer.

Sabi ko dala lang yun ng gutom at di niya dapat sineryoso. Pero sabi niya, di ko na daw pwedeng bawiin dahil nailista at naipasa na niya sa Principal.

Aray ko bh3! Mukang mapapasubo talaga ang bida. 😭

Nung ikwento ko yun sa nanay ko isa lang ang nasabi niya. Tutal daw eh andyan na rin ako, panindigan ko na at i-enjoy ko na lang daw.

Hayyyyys!

Naisip ko na nga lang umabsent eh. Mapapatawad kaya ako ng section ko if ever gawin ko yun? HAHA!

Nagtanong ulit si Sir Marlo kung sino ang gusto sumali sa Spelling Bee. This time hindi na ko nag volunteer pa.

At sa kasamaang palad, miski isa walang nag volunteer.

At sa kasamaang palad ulit, nagpa spelling quiz na lang si Sir Marlo. Yung highest daw ang magiging representative.

At sa isa pang kasamaang palad, ako pa yung highest.

.... Na hindi ko alam panong nangyari dahil hindi ko rin alam yung mga pinagsasabe niyang words.

Is ENGLISH WEEK really my MALAS WEEK? :(

-
Niyaya ako ni Aiza na mag sleepover sa house nila. Si Aiza ang representative namin sa Oration.

Pumayag naman ang mommy ko. Wala naman kasing lalake sa house nila.

Pero ito yung matindi guys:

KAPITBAHAY NILA AIZA SI SIR GELO!

Nung malaman ko yon natae ako sa excitement.

Napasabi pa ako kay Aiza ng "I love you" ng wala sa oras.

Grabe! Ang saya saya ko nung malaman ko yun. :)

-
Mula sa bintana ng kwarto ni Aiza, tinuro niya sakin ang house ni Sir Gelo.

Nasa 2nd floor kami. Magkatapat lang pala mga bahay nila.

For the first time in the Philippine history, na sight seeing ko ang baler ni Sir Gelo.

Nagpaalam si Aiza na papaliguan daw muna niya yung aso nila sa baba.

At ang nakakatawa pa, pag tanaw ko ulit sa bintana, naglalakad si Sir Gelo pauwi sa bahay niya.

Natawa ako ng literal at napasabi ng "Ang cute naman ni Sir!"

Pano, naka backpack siya na parang Elementary tapos ang kengkoy niya maglakad. Para talaga siyang bata.

Nakita ko siyang nag doorbell sa bahay. So, naisip ko, hindi pala siya mag isa dun na nakatira.

Tapos biglang may lumabas na babae at pinagbuksan siya ng gate.

Maputi yung babae at maganda.

Sino kaya yun?

Asawa niya?
Girlfriend niya?
Ka-live in niya?
Pinsan niya?
Kapatid niya?

Nakakabaliw at nakaka-windang. Di ko yun ine expect. Ayoko naman magtanong kay Aiza. Nahihiya ako.

Dahan dahan kong tinakpan ang window ng kurtina.

Ayoko na makita ang next na mangyayari.

Baka mamaya mag kiss pa sila eh. :(

I'm inlove with my teacher (True to Life Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon