Chapter 10

10.7K 163 2
                                    

Nicolae's POV

Kumakain kami ng dinner ngayon. Ako, si mommy, at si daddy. Nakangiti silang dalawa sa akin, parang mga baliw.

"Spill it, mommy and daddy! Alam ko yang mga tingin niyong ganyan, para kayong mga baliw."

Ganyan ako makipag-usap sa kanila. Simula nung mamatay siya, ipinangako namin na hindi na kami iiyak. Sobrang sakit ng nangyaring 'yon, pero hindi ko na inaalala, kasi alam kong ayaw niyang nahihirapan kami nila mommy and daddy.

"Ehem. May boyfriend ka na pala ha?"

Sabi ni daddy. T*ng *n*, natawa naman ako sa sinabi niya. Ahahaha! Boyfriend? -_-

"Sino namang nagsabi sa inyo niyan? I don't have a boyfriend, and I am not planning to!"

"Naku, Nico...okay lang naman sa amin ng daddy mo. Lalo na kapag si Louis Razon."

Ngumiti si mommy sa akin.

"Don't tell me, sinadya niyo talagang siya ang maging roommate ko?!"

Nagkatinginan sila ni daddy.

"Ahh. Ehh. Ano kasi, Nico...ang gwapo naman kasi ni Louis. Saka, ano kasi...sikat siya, kaya gusto namin ng daddy mo siya ang maging boyfriend mo."

Hays. Bahala nga silang dalawa, tumayo na ako. Wala na akong ganang kumain. Hanggang dito ba naman sa bahay si Louis pa rin ang pag-uusapan?!

Umakyat ako sa kwarto ko at binuksan yung TV saka ako nagbasa ng libro. Okay lang yan gumagana yung TV habang nagbabasa ako.

"So, ano yung nasa video? Louis, ikaw ba talaga 'yon?"

Napatingin ako sa TV. Si Louis nasa isang talkshow siya ngayon. Nakasuot siya ng casual lang, pero ngayong nakikita ko siya sa isang show. Parang, kakaiba siya.

May ipinakitang video.

Hindi maintindihan yung sinasabi, pero kitang-kita ko yung pagsuntok sa kanya ni Jeremiah. F*ck, don't tell me! Nabugbog siya ng dahil sa akin?

Kaawa yung itsura niya doon sa video, andaming dugo sa mukha niya. Parang ayokong tingnan.

"Obviously."

Sagot niya dun sa nagtanong sa kanya, nagulat ako sa tinanong nung host.

"Dahil ba sa babae ang pag-aaway niyo? Hindi ba isa rin siyang player ng team niyo?"

Ngumiti si Louis na ngayon ko lang nakita. Ang ganda nung mga ngiti niya, pero alam kong peke 'yon.

"Ahm. Yeah-yeah."

"So, who's the girl? Nagugustuhan mo ba siya?"

Ngumiti ulit siya bago sumagot.

"Actually, I don't know. But I do care for her."

Pashowbiz yung sagot niya. Badtrip 'tong lalakeng 'to. Nakokonsensya tuloy ako. Kinuha ko yung laptop ko, saka pinanood yung viral niyang video sa social networking site.

Kahit ilang beses kong panoorin, naaawa ako sa kanya. Yung mukha niya talaga puro dugo.

Doon sa unang part, may kinuha siya doon sa bulsa ni Jeremiah. Na-zoom ko yun at alam niyo kung ano ang nakita ko?

Yung phone ko.

Nakakaguilty tuloy, nakakainis!

Kinuha ko agad yung phone ko, at tiningnan yun. Tatawagan ko ba siya o hindi?! Arrrrggghhh! Eh bakit ko ba siya tatawagan?! Tanga! Nagi-guilty ka kasi Nico!

So that, I end up on dialling his number.

Sinagot naman niya agad, pero this time hindi siya nagsasalita. Ewan ko ba sa kanya. Kaya nagsalita na ako.

"H-hey? Ahm. I have watched your interview and I just want to say thank you."

"I am here at the mall near your place."

Kakaiba yung boses niya, parang anlungkot.

"T-teka. A-ano?! Bakit ka nandiyan?!"

"Come here."

Tingnan niyo siya! Inuutusan na naman ako. I am about to answer when he ended up the call. P*t*ng *n* naman talaga oh?

Dali-dali akong nagbihis, kahit medyo late na. Ginagawa ko 'to dahil may utang na loob ako sa kanya. Hindi sa dahil nag-aalala ko, diba ayaw niyang may nag-aalala sa kanya? Natatandaan niyo ba?

That guy, bwisit siya.

Mabilis akong nakarating sa mall, hinanap ko agad siya. Hindi naman ako nahirapan hanapin siya, kasi yung mga tao ngayon nagkakagulo at pinalilibutan siya.

Ayokong madamay sa ganyan. Ang hirap-hirap kaya kapag sikat ka, magma-mall ka lang andami na agad nakasunod sa'yo.

Ngiti siya ng ngiti sa mga nagpapapicture sa kanya. Ang gwapo niya lalong tingnan kapag nakangiti, para nga siyang isang lalakeng kahit kailan hindi magiging totoo.

Bigla siyang napatingin sa direksyon ko, ako naman nakacross arm lang. Habang hinihintay siya. Ano ba kasing kailangan niya?

Wala pala siyang kasamang kahit bodyguard man lang? Ang g*g* niya naman. Eh paano siya makakaalis diyan?

Andaming nagpapa-autograph sa kanya. Ngayon ko lang nalaman na sikat pala talaga siya no? Pero bakit di ko siya kilala? Hohoho!

Yung ibang fans niya, sumisiksik sa kanya tapos niyayakap siya. Yung iba nakikita kong humahawak doon sa dibdib niya. Mga obssessed fans. Nakakatawa siyang panoorin.

"I'm sorry, but I got to go."

Sinenyasan niya akong maglakad na raw, kaya naglakad na ako. Ayoko ngang machismis na girlfriend niya, kahihiyaaaaan!

Nagkita kami sa isang restaurant na walang kumakain. Nakatingin lang ako sa kanya, kasama ko ngayon ang isang sikat na Louis Razon. Ahahaha! Insert fake laugh -_-

"I want to sleep in your house."

Nagulat ako sa sinabi niya.

"What?! A-ano?!"

Ang plain lang nung emotion na, parang wala lang. Siya yung taong walang kaemo-emosyon.

"I was kicked out. I need a place to stay at, and I thought of your place because it's your fault. My aunt kicked me out, she is very angry. And I am f*ck*ng annoyed."

"N-no, hindi ka pwede sa bahay namin. But I can help you."

Sinisi pa ako.

The Unwanted Roommate (Completed)Where stories live. Discover now