Chapter 8

11.2K 157 7
                                    

Louis' POV

Pagkapasok na pagkapasok ko sa room namin, kinuwelyuhan agad ako ni Jerem. P*t* naman eh. Galit na galit siya ngayon, wala siyang pakialam sa mga kaklase namin.

"G*g* ka! Anong ginawa mo sa'kin kahapon ha?! Louis, diba magkaibigan tayo?! Dapat hinawakan mo na lang siya at pinabayaan na sa akin! P*t*ng *n*!"

Hindi ako sumasagot, ayokong makipag-away and in fact magkaibigan kami kaya hindi ko siya lalabanan.

Nakatingin na yung buong klase sa amin, walang may balak umawat. Pero may mga nagta-take ng video at ng pictures. I know them, tapos ipakakalat nila. Then, bibilhin yun sa kanila ng media para sila ang maglalabas sa publiko.

Ganyan ang buhay ko, and I am sick of it! Ayoko na. She died because of me! Because of this f*ck*ng popularity!

"Ano?! Natatakot ka na naman?! Ayaw mo na namang mabahiran ng dumi 'yang apelyido mo?! Baka nakakalimutan mo, namatay siya dahil sa'yo!"

Hindi pa rin ako sumasagot at nakatingin lang sa ibang direksyon, I just can't.

*BOOOOGSH!*

Sinuntok niya ako ng isa, habang hawak ang colar ng polo ko. Nakita ko yung phone ni Nico sa bulsa niya. Kaya kinuha ko yun habang pinagsususuntok niya yung mukha ko.

Sige lang, sirain mo na.

Sira na naman talaga ang buhay ko eh. Ahahaha! Simula nung mawala ang mga magulang ko, hanggang mawala siya. Feeling ko namatay na rin ako.

"T*ng *n*! Lumaban ka Louis!"

Pinagsusuntok niya ulit ako, habang yung mga g*g* kong kaklase nagvi-video, ako dumudugo na yung ilong at kilay ko.

Para tuloy akong lumuluha ng dugo. Hays, I just wish ako na lang yung namatay doon sa cruise. Sana ako na lang yung itinulak at nalunod, hindi dapat siya.

"If you will kill me. Do it now."

Pagkasabi ko nun, tumingin sa akin si Jerem at para siyang natauhan sa kung sinong dinudurog niya ang mukha.

Bigla siyang tumigil at binitawan ako, lumabas siya ng room at naiwan akong andito. Napahawak ako sa ilong ko, it's bleeding.

"Louis! Okay ka lang?"

"Dapat kasi sinuntok mo siya, kahit isa lang!"

"Naku, your face..."

Sabi nung mga babae na nagvi-video kanina, sinamaan ko sila ng tingin at nagsalita.

"To whomever will upload the video, I will break your face. At sisiguraduhin kong hindi ka na makikilala."

Lumabas ako ng room at pumunta sa clinic.

"You are here, again? I thought you stopped making troubles?"

Sabi ni Sophia. She is a doctor, at gusto ko siya. She is kind and beautiful. Yung mga oras na araw-araw akong napapasabak sa away siya yung tinatakbuhan ko, kasi isa siya sa University doctor. Kaya responsibilidad niyang alagaan ako.

"I didn't fight back."

Umupo ako sa kama, at lumapit na siya sa akin. She is just 25 years old, nag-aaral pa siya dito for internship.

"Then you are not the Louis I knew. Kasi si Louis, hindi siya nagpapatalo. I know that he is a troublemaker, but he is kind."

Ngumiti lang ako, sinimulan na niyang gamutin yung sugat ko. Masakit siya sa totoo lang. Ansakit grabe, p*t*.

"Pero, bakit ka ba nagpabugbog at bakit ka binugbog?"

Ngumiti ako.

"I saved someone. He almost raped her, and so I saved her."

Napataas ang kilay niya saka natawa. I know this is not me, yung papakialaman yung kaibigan ko sa mga ginagawa nila. Dati naman, wala akong pakialam eh.

"So, may nagugustuhan ka na bang iba beside me?"

And she smirked, nakalimutan ko bang sabihin sa inyo na she is a bit naughty? We used to make out before. And I love that.

"Nagugustuhan? Na-ah. That woman, I woul never like her."

Nilagyan niya ng bandaid yung sugat sa kilay ko. She was about to walk when I pulled her. Napabuntong-hininga na lang ako, kasi ginagamit ko lang siya. Alam ko yun sa sarili ko.

Magkaharap na kami ngayon.

"Hey, Louis. Don't think too much."

Saka niya ako hinalikan sa mga labi ko, she is hot. F*ck, ang ganda-ganda pati niya. She touched my chest, papunta sa mukha ko. Inilapit ko siya sa akin at diniinan ang paghalik sa kanya.

Pumunta na sa leeg niya yung halik ko, at bumalik ulit sa mga labi niya. I touched her curves at pumunta yung kamay ko sa butt niya. Ngumiti siya sa pagitan ng paghahalikan namin.

"Excuse me."

Saka biglang may nagsalita kaya napatingin doon si Sophia. Nakatingin siya kay Sophia, pagkatapos ay sa akin naman siya tumingin.

"Ahm. My friend is feeling dizzy now, so may I have some medicine?"

Saka naman kumuha ng gamot si Sophia, at ibinigay sa kanya. Tumingin lang ako ng diretso at hinintay si Sophia.

Maya-maya, umalis na siya.

"Wrong move, someone caught us. I hope she would not tell it to anyone, instead lagot tayong dalawa."

"Don't worry, she's my roommate."

Tumayo na ako at lumapit na sa pinto. Nakatingin lang siya sa akin kaya nagsalita ako.

"Got to go."

Malamig kong sabi sa kanya, saka ako lumabas ng clinic. At pumasok na sa klase ko.

*

Nicolae's POV

Ay sh*t talaga, grabe. Louis is making out with the doctor. Actually nadinig ko pa yung conversation nila bago sila magkiss. Hindi ko naman kasi alam kung kailan ba ako papasok.

Sh*t talaga, di ako makapaniwala. Akala ko kasi, he can't do such things like that. Akala ko broken siya? Diba?! Tapos ganoon? Edi ginagamit niya lang yung maganda at sexy na doctor.

"Akin na nga yang gamot! Ansakit na nga ng ulo ko eh. Tumulala ka pa diyan. Nakakabadtrip ka naman oh."

Sabi ni Ceara, kanina pa 'yan ganyan.

"Tungunu, baka buntis ka Ceara. Magpregnancy test ka nga!"

Sigaw ni Dianne. Ahahaha!

"Ano bibili na ba ako ng pregnancy test? Dapat kasi gumamit kayo ng condom! Mura lang naman yun ah?"

Dagdag ko. We are naughty.

"Mga baliw, wala akong boyfriend. Sana nga may kaganun ako, eh wala! Kaya tumahimik kayo!"

Tawa kami ng tawa ni Dianne.

"Eh sino si Reudji?"

Bulong ko sa kanya, kahit bulong lang nadinig pa rin ni Dianne kaya lalo kaming tumawa.

Inirapan kami ni Ceara at sinigawan kami.

"PWEDE BA?! NAHIHILO AKO, KASI NANOOD AKO NG SERIES NG ONCE UPON A TIME! KAYA PWEDE BA? WAG KUNG ANU-ANONG SINASABI NIYO. NAKAKABADTRIP!"

Kaya tumahimik na kami ni Dianne, I understand her. Yung hindi ka matutulog para lang mapanood yung gusto mong TV series.

"Ikaw nga puro The Vampire Diaries eh!"

Sigaw niya sa akin.

Natawa na lang ako, kwento kasi ako ng kwento tungkol sa Vampire Diaries. Hahaha! Eh bakit gusto ko yun eh.

"Okay! Oo na tatahimik na po. Oh tubig? Inumin mo na yang gamot."

Sabi ko, saka niya kinuha yung tubig na ibinigay ko.

The Unwanted Roommate (Completed)Where stories live. Discover now