Chapter 6

11.8K 178 9
                                    

Nicolae's POV

Pagkagising ko tumayo agad ako. Tingnan mo 'tong lalakeng 'to. Bakit kaya raw dito natulog sa lapag? Nababaliw na siguro talaga siya. May saltik ata siya eh.

Lumapit ako sa kanya. Hindi man lang nag-abalang mahiga sa kama niya, yung totoo. Siguro nga may mental disorder siya.

T-teka.

A-ano yung nasa tabi niya? Kinuha ko yung bote ng gamot. Iilang piraso na lang yung laman. Binasa ko agad kung anong gamot yung hawak ko.

Anti-depressant.

Meron pang isa.

Sleeping pills.

Teka...No! Nagpakamatay na ba siya?!

Lumapit ako sa kanya at tinapik yung mukha niya.

"Hey, Macario!"

"MACARIO!"

Hindi siya gumigising kaya mas nilakasan ko yung tapik sa mukha niya, sinasampal ko na siya ngayo at the same time sinisigawan.

"MACARIO! Wake up!"

Naku, ano nang gagawin ko? Kahit naman arogante at baliw siya, bakit niya kailangang gawin 'to?

Sasampalin ko sana uli siya ng hawakan niya ang kamay ko.

"Idiot."

Saka siya umupo at humarap sa akin. He caressed his cheeks and stood up. Halos mabaliw na ako sa pag-aalala sa kanya, tapos sasabihan lang ako ng idiot?!

Inagaw niya sa akin yung mga gamot niya at inilagay doon sa drawer.

"Louis! Call me Louis! Not that name..."

Saka parang humina yung boses niya, totoo ba 'to? He closed his eyes too many times, kaya alam kong pinipigilan niya yung luha niya. Nacu-curious tuloy ako.

Bigla siyang pumasok sa CR at nadinig ko na lang ang pag-agos ng tubig sa katawan niya. He is different, ano bang itinatago niya? Hmm. Kagabi, ambait-bait niya sa akin.

Sinunod ko yung sinabi niya. Baka kasi tama siya, mamaya kailanganin ko siya eh.

Hinintay ko lang siyang lumabas ng CR at ako naman ang pumasok at naligo.

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

Badtrip, andami-daming pinapagawang plate ng professor ko, ansarap hambalusin ng t-square. Yung ibang Architecture students dala lagi sa likod nila yung t-square nila, kaya para silang may mga espada. Buti na lang ako nasa dorm.

May benefits din pala kapag dito ako nagdo-dorm sa loob ng school.

Absent si Dianne at si Ceara. Paano kasi may concert daw yung exo, eh fan sila nun. Sobra! Hindi naman kasi ako fan, hindi rin ako hater. Okay lang magaganda naman yung kanta nila eh, lalo na yung don't cry.

Lumakad ako papunta sa gym ng school, tambayan kasi namin nung mga friends ko sa dati kong school ang gym. Nami-miss ko sila, yung mga trip, yung mga kwentuhan at yung mga asaran.

Pagdating ko sa gym, wala namang mga tao. Hays, siguro walang practice ang mga varsity players.

Biglang may humila sa akin kaya nagulat ako.

"SINO KAAAA?! F*CK YOU! BITAWAN MO AKO!"

Bigla kaming napunta sa isang room, stock room ata 'to. Ngumisi siya sa akin. T*ng *n*, naaalala ko na.

"Jeremiah."

Ngumiti siya sa akin, at unti-unting lumapit. Hanggang sa sobrang lapit na niya sa akin.

I got my phone and dialed no. 3, nasa speed dial yung number ni Louis. Ewan ko kung bakit ko ginawa 'yon.

Bigla niyang inagaw sa akin yung phone ko.

"F*ck you! Ibalik mo nga sa akin yang phone ko!"

Bigla niya akong tinulak kaya napaupo ako sa lapag, at inilagay niya sa bulsa niya yung phone ko.

Lumapit siya ng lumapit sa akin.

"Alam mo ba kung anong ginawa mo sa'kin? You've hurt my ego. So that, I will hurt yours too."

Saka niya ako biglang sinunggaban ng halik. I keep on pushing him, pero malakas siya. Sinira niya yung uniform ko, napunit na. Kaya medyo kita na yung bra ko.

"Stop it! Please..."

Pero hindi niya ako pinakinggan at hinalikan na ngayon ang leeg ko, wala na akong nagawa kundi ang umiyak na lang. Sino bang pupunta at tutulong dito para sa'kin? As if I was important to someone.

Biglang may humila kay Jeremiah, at sinuntok ito. Kaya natulog siya agad sa floor. Napatingin lang ako kay Jeremiah, na ngayon ay nakahiga na at walang malay sa sahig.

Inangat ko ang ulo ko, at tumingin sa taong nagligtas sa akin.

"L-Louis..."

Nanginginig pa rin ang buong katawan ko. Jeremiah almost raped me, at ngayon mukha na akong babastusing babae. My uniform was ripped, my lipstick was scattered and my hair was messy.

He offered his hands, kaya tinanggap ko naman 'yon at tumayo.

"Umalis na tayo dito."

Saka niya ako hinila papunta sa kanya and covered me. Napatingin lang ako sa kanya, he is not that bad.

Naglakad lang kami papunta sa dorm, na halos lahat ng makasalubong naming tao nakatingin lang sa aming dalawa. I have forgotten he is popular, bakit ko ba nakalimutan 'yon. Malamang nasa newspaper na ako ng university this month.

"Nico is her name, right?"

"Akala ko nung namatay yung ex niya mapapansin na ako ni Louis."

"He is so hot grabe."

"So sila na?"

Mga bulungan nila, pumasok na kami sa dorm at pumunta na sa room namin. Dahan-dahan akong umupo sa kama ko at di pa rin makapaniwala sa nangyari sa akin.

"N-Nico, change your uniform."

Saka ko naalalang sira nga pala yung damit ko, para akong nanghihina. Di ko ata kakayaning pumasok bukas. Bakit naman kasi? Natatakot ako. Natatakot akong gawin niya uli sa akin 'yon. Sabihin ko kaya kila mommy?

I changed my clothes, yung pangdorm lang. Shorts and t-shirt. Ayoko munang pumasok. I feel weak.

Bigla na lang lumabas si Louis, ano pa bang aasahan ko? Sasamahan niya ako dito? Asa naman ako.

Huminga ako ng malalim, at ipinikit na lang ang mga mata ko. Baka sakaling matulog ako eh.


The Unwanted Roommate (Completed)Where stories live. Discover now