Chapter 24

7.9K 115 0
                                    

Nicolae's POV

F*ck my head hurts. Umupo ako sa kama ko, at iminulat ang mga mata ko. T-teka?! What the hell? Nasa kama ko ako?! Ang naalala ko lang nasa bar ako kagabi tapos uminom ako.

Err. Iyun lang yung naaalala ko, nakakainis naman oh.

I looked at my phone, napakaraming text nila Ceara at Dianne. Hays, ayoko nga kasing pumasok sa klase eh. Andun lng naman kasi si Ian, kaya para saan pa diba?

I browsed my messages, puro Ceara at Dianne yung nag-appear na names. Hanggang sa may isang naiibang pangalan.

Unwanted Roommate -_-

Hey Nico, attend your class! Your friends were worried about you, ginugulo nila ako. Kaya pwede ba, pumasok ka na. Nakakainis na kasi eh, pati buhay ko nagugulo dahil diyan sa mga kaibigan mo.

Received at 7:15 am

Iyun yung text niya. I do really hate him! Oo na papasol na ako, para hindi na siya maabala ng mga kaibigan ko. Nakakainis naman eh, bakit ba kasi siya yung ginugulo nila.

Tumayo na ako sa kama.

Wala ng mga kalat, maayos na rin ang mga gamit ko. Ultimo mga basura wala na talaga, grabe sino bang pumasok dito sa kwarto ko? At naghatid sa akin?

Siguro si Ceara at Dianne. May naiwan kasi silang panyo, feeling ko panyo ng isa sa kanila 'to eh.

Dali-dali akong pumasok sa CR at naligo na, baka malate pa ako sa klase ko eh.

*

Hindi ako kinakausap nila Dianne, ano bang problema nilang dalawa? Nababaliw na ata sila eh?

Lumapit ako sa kanila, lumayo naman sila. Aish, oo na naku alam ko na kung bakit. Hindi kasi ako nagreply sa mga text nila. Napakamatampuhin naman talaga ng mga kaibigan ko.

"Sorry naaaa!"

Sabi ko sa kanila, hindi pa rin nila ako pinansin.

"Guys, I know I did something wrong. I hope you would forgive me for what I have done, nasaktan lang ako. Tagos sa puso eh, kaya hindi ko na kinaya. Gusto ko munang mag-isip nung mga oras na yun."

Humarap sa akin si Ceara.

"We are worried! Sana man lang sinabi mo sa aming magba-bar ka lang! Sana isinama mo kami. Tapos uminom ka pa ng wala kami? Akala ko ba trio? Nag-alala kami Nico, malay ba namin kung maisipan mo biglang magsuicide!"

Nung una natatawa pa ako sa sinabi ni Ceara, pero nung huli naisip kong nagkamali nga ako. Dapat nga sinabi ko sa kanila kung ano bang gagawin ko para hindi sila nag-alala.

Maswerte ako sa kanilang dalawa, kasi lagi silang nandiyan para sa akin pero ako hindi ko yung napansin dahil nakafocus lang ako kay Ian. Puro Ian lang ang nasa laman ng utak ko.

"I am very sorry. Sa inyong dalawa, I have caused too much worries, sorry talaga. I am not a good friend."

Bigla nilang akong niyakap, kaya nagulat ako. Abg higpit nung yakap nila sa akin, para bang gusto nila akong pipiin.

"Thank you guys, kasi lagi kayong andiyan para sa akin. Maraming salamat sa pagsundo sa akin sa bar, paghahatid sa room, at paglilinis. Salamat talaga, naappreciate ko ang efforts niyo para sa'kin."

Bigla silang humiwalay sa pagkakayakap sa akin, saka nagkatinginan silang dalawa.

"Hindi kami ang gumawa ng lahat ng yun."-Ceara.

Eh sino?

"Louis Macario Razon is back."-Dianne.

At saka biglang ngumiti sa akin si Dianne, what the f*ck? Ano bang sinasabi niya? Anong bumalik na si Louis?

"Yeah. The lost black sheep is now back."-Ceara.

P*t*ng *n* di ko naiintindihan ang pinagsasabi nila. I look puzzled, at sila naman parang natutuwa pa.

"Guys, ano ba yun?"

Tanong ko, hindi lang nila ako pinansin. Badtrip 'tong dalawang 'to. Nakangiti lang sila sa akin, lalo na si Dianne. Parang ansaya-saya niya ngayon.

"He is back. Bumalik na siya sa dati, ibig sabihin he can live his life again now. Without any worries, without any lies, and without any pain. He'd already forgave himself."-Dianne.

"Then good for him. I don't care."

Biglang nagsalita si Ceara.

"Siya ang naghatid sa'yo Nico. Magiging fan niya ata ulit ako. Ahahaha!"

Akala ko ba ayaw niya kay Louis? Sabi ko na eh, gusto niya rin si Louis. Ako lang pala ang may ayaw sa kanya dito. Nakakainis naman oh.

"Naku, ewan ko pa nga sa inyo."

Saka ako lumayo sa kanila at nakinig na lang sa professor ko. Eh ano kung he is back? Anong mangyayari?

The Unwanted Roommate (Completed)Where stories live. Discover now