Malaya kong nasilayan ang kabuuan ng nagmamaneho at masasabi ko na hindi lang ito unano kundi isang duwende dahil sa suot niyang damit kulay berde na parang pinagtabas lang ito ng tela. May sambalilo din siyang kulay berde na parang sambalilo ito ng mga salamangkero. Nakapaa lang ito dahil may kalakihan din ang mga paa niya.

"Magandang araw sa inyo mga kamahalan ay sa iyo binibining Aubrey" magalang bungad niya samin at yumuko pa ito.

"Maligayang araw din Duweblo" bati naman ni Aubrey. Duweblo pala ang pangalan ng duwendeng ito. Nag-angat naman ito ng mukha at nginitian kami.

"Saan kayo pumunta ng maihatid ko kayo mga kamahalan?" tanong niya samin.

"Sa lugar ng mga taong gustong maaliw Duweblo" magalang tugon ni Aubrey sa kanya.

"Kung gayun ay makakaasa kayo mga kamahalan ngunit ako'y bababa lamang ng maalalayan ko ang kasama niyong napakagandang dilag" mahangin nitong sabi ngunit kalmado lamag. Bumaba ito sa pinag upuan niya at nakikita kong nahihirapan pa ito. Nang nakababa ito ay agad namang siyang lumapit sakin.

"Ano ang iyong pangalan aking binibini?" tanong nito sa akin pero bakit pakiramdam ko'y napakamanyak ng nilalang na ito?

"Tawagin mo lang akong Blaire, Duweblo" tinugunan ko lamang ito dahil ayaw ko namang mabastos ang nilalang na ito. Inabot niya ang aking kamay at hinalikan niya ang likod ng aking palad kaya para naman nanayo ang mga balahibo ko.

"Kay gandang pangalan aking Blaire" puri nito sakin at titig na titig ka ito sa mukha ko kahit nakatingala pa ito. Agad kong inagaw ang aking kamay at tumikhim. Narinig ko naman ang paghagikhik ng kasamahan kong babae.

"Sumakay na kayo mga kamahalan ng maalalayan ko ang aking Blaire" saad nito sa kanila at umiiling-iling naman ang ibang lalaki bago nagsi-akyat ang mga ito sa loob ng kalesa. Sumunod naman ang mga kaibigan kong babae habang humagikhik kaya nakaramdam naman ako ng kunting pagka-asar.

Umurong naman ako nang susunod na sana si Four papasok. Ngunit agad naagaw ang aking atensyon kay Duweblo dahil hinawakan nito ang kamay ko.

"Aking Blaire, kung iyong mamarapatin ay gusto ko sanang ika'y maging ina ng aking mga_" hindi natuloy ang aking pakikinig nang may malalakas na brasong kumarga sakin at ipinasok ako nito sa loob ng kalesa. Hindi ko man lang nagawang magreklamo dahil sa bilis ng pangyayari.

Napatingin naman ako sa mga kaibigan ko na ngayon ay nakaupo narin. May mga ngiti itong panunukso kaya napairap nalang ako. Agad akong napalingon sa gilid at nakasalubong ko naman ang di maipintang mukha ni Four. Agad akong umurong nang umupo ito sa tabi ko.

"Kawawang duwende, pinagseselosan pft" pagpaparinig sabi ni Scarllet bago humagikhik. Napaatras ako ng pagkakaupo nang nagsimulang tumakbo ang sinakyan namin.

"Heeyaaah!" rinig na rinig namin ang sigaw ni Duweblo para patakbuhin ang mga kakaibang kabayo.

"Aubrey saan ba talaga tayo?" kuryusidad tanong ni Lucy.

"Antay lang kayo, paniguradong magugustuhan niyo talaga ang pupuntahan natin" hambog sambit naman ni Aubrey.

"Sabi mo yan ah" wika ni Sophie na parang nagsasabi nadin na 'kung hindi, malilintikan ka talaga samin'.

Tahimik lang akong nakinig sa usapan nila sapagkat para akong hindi makapagsalita dahil nasa tabi ko si Four at ramdam ko ang mabibigat na tensyong nakakubli sa kaloob-looban niya. Alam kong galit ito ngunit bakit?

Lumipas ang ilang minuto ay patuloy parin sa pagtakbo ang sinasakyan namin kaya nakaramdam naman ako ng antok. Ang isa kong katabi ngayon ay si Kade at ang kasunod si Miles. Sa kabilang gilid naman si Sophie, Alexis at Acel. Sa katapat naman si Scarllet, Parker, Lucy at Aubrey. Parisukat kasi ang espasyo ng kalesang ito.

Para namang bumigat ang mga talukap ko at dahan-dahang kong sumandal ang aking ulo sa balikat ni Kade ngunit may agad ding humawak saking pisngi at si Four ito. Pinasandal niya ako sa balikat niya at di ko man lang magawang pumalag dahil sa antok. pinabayaan ko nalang ito hanggang sa tuluyan akong hinala ng dilim.

Nagising ako nang may sumundot sa pisngi ko kaya inangat ko ang aking ulo at nakasalubong ko naman ang mukha ni Four. Para naman akong naparalisa dahil hindi ko man lang maigalaw ang aking sarili.

"We're here" paos niyang sabi at nalanghap ko naman ang mabango niyang hininga at ngayon ko lang napagtantong nahugot ko pala ang aking hininga kaya agad akong lumayo sa kanya at nag-ayos sa pagkakaupo. Laking pasalamat ko'y wala na silang Aubrey dahil paniguradong tutuksuhin na naman ako nila.

"Let's go" saad niya at bumaba na ito kaya sumunod nalang din ako sa kanya. Pababa ako ng kalesa nang may kamay na lumitaw sa harapan ko at alam kong si Four ito. Hindi ako bobo para hindi maintindihan ang gusto niyang gawin. Dahan-dahan kong hinawakan ang kamay niya at para namang bumagal ang takbo ng mundo, bumilis din ang kabog ng aking dibdib. Nang tuluyan kong nahawakan ang kamay niya ay para namang may kuryenteng rumagasa sa kalamnan ko, kanina bumagal ang takbo ng mundo ngayon ay magkasalungat na dahil naging mabilis ito. Inalalayan niya akong bumaba kaya uminit ang pisngi ko. Nang tuluyan na akong nakababa ay agad kong binawi ang aking kamay bago humarap sa harap. Tumambad naman sakin ang may kalakihang bahay at rinig na rinig ko ang mga tugtugan sa loob.

Nilibot ko ang aking paningin at ngayon ko lang napagtantong nasa gitna pala kami ng gubat. Nagiisa lang ang nakatayong bahay dito at siguro'y ito na ang sinasabi ni Aubrey.

"Chadaahh andito na tayo!" masiglang sambit ni Aubrey at para namang nalulugi ang mga mukha ng ibang kasamahan ko.

"Sabi mo maganda, eh bakit nagiisa lang ang bahay dito? Tas parang amboring naman" reklamo naman ni Lucy.

"Wuuyy! Hindi pa nga tayo nakapasok eh" protestang sabi ni Aubrey samin kaya tumango-tango nalang din kami. May punto siya doon, wag lang babase sa panlabas kundi sa panloob. Ang mga magagandang panlabas ay may nakakubling kapangitan sa loob at ang mga hindi maganda sa panlabas may kinukubling kagandahang natatangi sa panloob. Don't judge the book by it's cover.

"Ahmp Duweblo, salamat pala sa paghatid" nakangiting pasasalamat ni Aubrey kay Duweblo sabay baling niya dito kaya napatingin din ako.

"Wala lang iyun binibini ang mga kamahalan. Aalis na ako at sanay maging masaya ang araw niyo!" masiglang saad ni Duweblo at kinindatan pa ako nito sabay pagtakbo ng kanyang mga kabayo.

Napailing-iling nalang sila dahil sa inakto ng duwendeng iyun. Hinarap namin ulit ang bahay at tiningnan namin ito ng maigi.

"Anong tawag sa lugar na ito? Saan tayo?" takang tanong ni Sophie.

"Hmmm sabi ng mga taong nakakaalam ng lugar na ito. Paradise daw ang pangalan ng lugar na ito dahil base iyun sa karanasan nila. Madalas ginagawian ito ng manglalakbay at kunti lang din ang nakakaalam dito" salaysay naman ni Aubrey.

"Isang beses palang akong nakarating sa lugar na ito noon nang naglakbay ako para marating ang Akademya at masasabi kong maganda nga ang lugar na ito at lalong-lalo na sa loob" agad niyang dugtong samin na parang kinumbinsi niya kaming maniwala sa sinabi niya kaya wala kaming nagawa ay tumango-tango nalang.

"Okay, tayo na't para makita natin ang loob" masiglang sambit ni Lucy at nauna na itong naglakad papalapit ng bahay kaya sumunod nalang din kami.

@Missloorh
 

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Where stories live. Discover now