Chapter 1

8 2 0
                                    

"Okay fine! I'll do it!" sigaw ko sa aking sarili at buti na lang dahil nakakandado itong pintuan ko kung kaya'y walang makapapasok upang umistorbo, "just stop messing in my head!" Bumangon ako mula sa pagkakahiga tsaka tumunganga sa nakasarado kong laptop na maayos kong inilagay kanina sa laptop desk nito.

Oh ano na ngayon? Tutunganga ka lang ba? Punyeta mag-isip ka!

Mag-isip ka Octxie!

Napahilot ako sa aking sentido dahil sa sumasakit na naman itong muli. Katatapos kong umattend ng birthday sa anak ng kaibigan ni dad na nag debut lang last two weeks, hindi naman ito engrande iyong simple lang. Siyempre hindi mawawalan ang mga bisita mula sa iba't ibang panig ng Rocholigh, sa sobrang dami ay di na ako nakapagtiis kaya umuwi akong mag-isa suot-suot ang dress sakay ang bisikleta ko. I left dad a text though.

Oh sige... sige na nga.

Pero dahil malapit nang mag alas siyete ay naghanda na ako papasok sa paaralan. Dahil nga'y nasa senior high ako ay wala pa kaming opisyal na uniform dahil pinalitan raw kaya heto, we're free to wear what we want basta huwag iyong revealing clothes. Siguradong hindi kami papapasukin nang guard na feeling boss, joke lang, ginagawa lang naman nila trabaho nila eh kaya no hard feelings. Simpleng polo na pinailaliman ng gray na t-shirt tsaka loosed jeans at Vans na sapatos suot ko. Hindi na ako kumain at naghanda nalang ng pananghalian para mamaya, ugali ko na ang bumili ng almusal sa cafeteria namin, nakakawalang gana kasi ang kumain sa bahay namin. Ewan ko nga ba kung matatawag ko pa ba iyon bilang pamamahay.

Sakay ko lagi ang aking bisikleta papunta sa kalahating kilometrong layo na pagitan mula sa 'bahay' papuntang paaralan. Nag-eenjoy naman ako sa paligid kahit na minsan ay nagsasawa ako rito, sino ba namang hindi sa sampung taon kong pagbibisikleta araw-araw? I've never been anywhere else outside Rocholigh (pronounced as 'rock-oh-leigh').

But there's always this gang who partly ruin my trip.

"Assie the wimpy! Assie the wimpy!" and there, their annoying laughter would echo through the road. Napairap na lang ako sa mga walang kwentang mga estudyanteng iyon, palibhasa kasi'y malakas ang impluwensiya ng pamilya niya sa eskwelahan at sa simbahang pinagsisilbihan ko. Isa pa... hindi Assie ang pangalan ko, mga obob.

Palibhasa mayaman, may kotse, mapera, sikat, at nag-iisang anak (na tarantado naman). I never wanted to drive a car especially if I'm with a bunch of dumbasses friends. For sure ang mga barkada nun ay kasikatan at pera lang ang habol sa kanya but I'm not someone to interrupt their so-called friendship, bahala na sila.

Well, it's fine with me as long as they don't ruin my bloody high school life and them... staying out of my way.

Umupo akong mag-isa sa cafeteria namin habang nasa mesa ang inorder kong pagkain: rice, bacon, and eggs. Of course, kung ano ang nakikita sa cafeteria ay ang nakikita ko rin dito EXCEPT mas maayos nga lang dito dahil nasa ibang bansa eh. Iilan pa lang kami dito at kadalasang may kasama sila sa pag kain. It was a nice start on Monday morning not until...

"Fucking geek! I never told you I'm gonna pay for my homework that you... obviously did. Thanks babe," then the guy stormed out with his dumb friends. Napailing ako, ang tanga naman ng geek na iyon. Hindi niya alam na ginagamit lang siya ng sigang boyfriend niya.

I glanced towards her direction. Oh, so mag-isa din pala siya? Her boyfriend's popular, yung tipong walang gustong bumangga sa kanya. Nakakapasa lang naman iyon dahil pinipilit niya ang mga nagiging nobyo niyang gumawa ng mga homeworks at requirements na dapat ay gawain niya. Hindi ko nga lang matandaan ang pangalan basta he's a senior and we're going on the same school, iyon ang importante. Sa kasamaang palad, kabilang ang babaeng iyan at ang pangalan ng tangang girlfriend ng lalaking iyon? Aba malay ko ba, hindi ako nakikipaghalubilo sa mga foreigners so that concludes that I am also a loner but I'm great with that.

Lighthouse RocksWhere stories live. Discover now