"Ayos lang."

I waited kung may sasabihin pa ba siya pero natakbo ang oras at nanatili lamang siyang tahimik. Iwas ang tingin.. kaya pinisil ko ang kamay niya para tumingin siya sakin.

"Maybe we can meet the day after tomorrow?"

He cleared his throat bago tipid na ngumiti, "Sige. Pasensya na babe, hindi kita mahahatid ngayon."

"Okay lang. You're needed here."

"Salamat."

"You should rest too, okay?"

His face softened before nodding, "Opo." He kissed my forehead before letting go of my hand. "Sige na, gagabihin ka masyado."

I nodded. Nang makauwi ako, nag-message agad ako sa kanya and as expected walang reply. Hindi naman ako nagde demand ngayon ng attention o oras sa kanya, his bestfriend needs him. I can take good care of myself, I just want him to take good care of himself too.

The day after the burial hindi kami nag-kita ni Hurricane. Marami daw siyang aaralin at the same time Barb's crying again. Pumayag lamang ako at sinabing naiintindihan ko siya. Weeks passed and still ganon ang set-up namin.

Nakakapag message naman siya sakin, asking if kumain na ako or nakauwi pero dadaan ang isang araw na wala talaga. Si Cyclone at Janella ang madalas kong nakakasama sa coffee shop. Minsan tinatanong nila ako kung nagkikita pa ba kami ni Cane and because ayokong pahabain ang usapan minsan.. nagsisinungaling na lang ako.

It's been almost three weeks.

Midyear break came and Barb's still not okay. Ansel told me na may mga tao talagang matagal mag grief. Hinayaan ko na lamang muna at tinuon ang atensyon ko kayna Charlie. So far, I passed my second year in medical school.

All grades were good.

I should be happy, right? Magte third year na ako. I survived the first two years and I have more time now with Charlie and Ansel but I still find myself checking my phone, thirsty for his message.

Simula nang gabi before nang burial ng Mom ni Barb, hindi na kami nagkikita ni Cane. Hanggang minsanan na text na lamang. Nagpa plano naman kami pero hindi laging natutuloy. Kung hindi siya busy, ako naman ang may kailangang gawin hanggang sa natapos ang sem.

"Ang lanta mo." Janella said, nag-message siya kanina kung pwede makipag-kita. Normally, tatanggi lamang ako sa offer niya but surprisingly pumayag din ako.

She just wants to talk. Wala daw siyang kasama sa bahay nila.

"Hindi ako halaman."

She rolled her eyes, smirking. "Ano, cold na boyfriend mo no?"

Hindi ko siya pinansin at tinuon lamang ang mata ko sa tea.. Tea, sa wakas hindi namin kailangan munang mag-kape.

"Nakaka-relax ang tyaa. Kaya niyang tagtagin stress mo, hindi lalaki ang totoong nakakapag patanggal satin ng stress sila kasi ang source."

"You're blabbing."

She mimicked me before sipping on her tea. Really, bakit ba ako pumayag makipagkita sa kanya?

Of course, kapag gusto niya makipag-usap tungkol lamang sa buhay ng kasama niya ang gusto niyang pag-usapan. Sobrang dalang lamang naman niya gawing topic ang sarili niya, ayaw din niyang pag-usapan ang ibang tao.

"So ano, break na kayo?"

"You're too bitter, Janella."

She smiled, "Hindi ka naman kasi papayag na kitain ako kung okay kayo ng boyfriend mo."

Winning HurricaneDonde viven las historias. Descúbrelo ahora