Chapter 11

1.1K 59 32
                                    


Maxie's P.O.V

"Boss baka naman may tawad," walang hiya-hiya na sabi ko sa trabahador ng farm na nagbenta sa akin ng strawberry. Itinaas ko pa ang hawak ko na supot na naglalaman ng tatlong kilo ng strawberry, "Total boss apat na kilo naman 'tong binili ko, bigyan mo naman ko ng discount."

Napangiwi sa akin ang lalaki at mabilis na umiling. "Pasensya na boss at ito talaga ang price namin dito."

Pati ako ay nakangiwi na rin. "Sige na boss. Marami-'' Bago ko pa man maipagpatuloy ang aking sasabihin ay pinutol agad ako ni Duke na tapos na pa lang makipag-usap sa tumawag sa kanya sa telepono.

"Bakit napakatagal mong magbayad?" humarap siya sa mamang kausap ko at binigyan ito ng isang libo, "Ito na ang bayad. Pasensya ka na rito sa kasama ko and keep the change." Nanlaki ang aking mga mata sa huli niyang sinabi.

Hinawakan niya ang aking damit at hinila ako patungo sa kanyang nakaparadang sasakyan. Narinig ko pa ang tuwang-tuwang pagpasalamat nung mama na pilit ko ring nililingon, ngunit hindi ko magawa dahil mabilis akong naipasok ni Duke sa kanyang sasakyan. Naiinis na tinapunan ko ng tingin si Duke nang makapasok na ito sa sasakyan.

"What?" nagtatakang tanong niya sa akin bago paandarin ang sasakyan.

"What, what ka pa riyan sir. Napakalaki pa ng sukli nun, ta's keep the change?" naiinis na inikotan ko siya ng mata tsaka niyakap ang supot na naglalaman ng mga strawberries. "Saka bakit napakarami mong binili sir? Hindi ko naman mauubos ang lahat ng mga 'to. Masasayang lang."

"Ayan na naman iyang mata mo, Aoki. At sinabi ko bang para sayo lahat ng mga 'yan?"

Nahihiyang napaiwas ako ng tingin nang maintindihan ang ibig niyang sabihin. 'Bakit hindi mo kasi agad sinabi?! Ayan tuloy nag-assume ako.'

Ako rin naman kasi nagsabi sa kanya kaninang umaga na bumili kami ng strawberries dahil nandito na rin naman kami sa Baguio. Malay ko bang hindi pala para sa akin lahat. Tiningnan ko na lang ang laman ng supot na yakap-yakap ko. Marami-rami rin talaga ang nabili naming. Kahit kaming dalawa pa ang kakain nito ay hindi rin kaagad naming mauubos.

Kumuha ako ng isang strawberry at akmang isusubo ito pero mabillis na nahawakan ni Duke ang aking kamay upang pigilan ako. Nakakunot noo ko siyang tiningnan.

"Wash that first before you'll put that in your mouth. Huwag kang masyadong atat," sabi niya habang ang mga mata ay nakatutok pa rin sa daan.

Nagkibit-balikat ako at binalik ang prutas sa supot.



Pagdating namin sa bahay ay dumiretso ako sa kusina at hinugasan ang mga strawberries. Napansin kong hindi pumasok si Duke sa bahay pero ipinagsawalang bahala ko na lang ito. I picked a strawberry and grabbed a whipped cream from the fridge. Pumunta ako sa living room at pabagsak na umupo sa couch.

Nilalagyan ko ng whipped cream ang strawberry nang pumasok si Duke sa bahay na may kargang batang babae at may nakasunod na batang lalaki sa kanya. Napaayos ako ng upo at nagtatakang pinanuod silang maglakad papunta sa direksyon ko. I remember the young boy. He was the reason why I hit my head on the table yesterday. Napahawak tuloy ako sa aking noo nang maalala ang pangyayaring 'yon.

"Sir, ba't 'di mo sinabi na may mga anak ka na pala at ang laki na nila ah," ani ko.

Binaba niya ang batang babae sa tabi ko. Mas bata ito kesa sa batang lalaki na rason kaya ako mayroong bukol hanggang ngayon. Binalingan ko rin ng tingin ang batang lalaki na nagtatago sa likod ni Duke. Mukhang ayaw yata akong makaharap ng batang 'to. Hindi naman ako nangangain ng bata.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Duke Zachary (Mission Series #1)Where stories live. Discover now