Chapter 3

594 27 17
                                    

Maxie's P.O.V

Magkatabi kaming nakaupo ni Mr. Allan sa mahabang couch sa loob ng private room dito sa nightclub. Nasa katapat naming couch nakaupo si Duke Zachary na mayroong apat na kasama. Dinala kami dito niya kami dinala pagkatapos ng kaniyang trabaho sa company.

Pinag-uusapan nila ay tungkol sa business at hindi naman ako interesado doon kaya tinuon ko nalang ang aking atensyon sa ibang bagay.
Ayaw ko kasi talaga ang business-business na 'yan. Kaya nga ako naging agent dahil isa 'yan sa mga rason ko. Mas gusto ko 'yong nasa field ako at nakikipagbakbakan kesa sa maging buto kasama ang mga papeles sa loob ng opisina. Tumakas nga ako sa amin doon sa Cebu dahil pinapahawak ng papa ko ang isa naming business doon. Kaya ngayon nandito ako sa Manila dahil ayaw kong mamatay kasama ang nga papel sa loob ng maliit na kwarto. I can't stand being inside a small room along with those papers. Inenglis ko lang. Mabuti na lang din at 'yung dalawa kong kuya na ubod ng gwapo na pinagmanahan ng kagwapohan ko ngayon ay niligtas ako mula sa mga kontrabidang papel.

Pero hindi rin nila alam na naging isa akong agent dahil ang sabi ko lang sa kanila ay mayroon na akong maayos na trabaho. Syempre hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila na isang akong agent at nandadakip ng mga kriminal o tumatanggap ng mga misyong buwis buhay. Bukod sa confidential ang pagiging agent namin at hindi dapat ipagsasabi ay siguradong tsugi ako kapag nalaman nila ang tunay kong hanapbuhay. Baka mastroke pa si papa ko kapag nalaman niya ang kagimbal-gimbal ko na sekreto. Ako lang kasi ang nag-iisang babaeng anak niya. Apat kaming magkakapatid at dalawa ang kuya ko samantalang ang bunso namin ay lalaki rin. Mga pinsan ko sa mother and father side lahat lalaki rin. 

Pinagmasdan ko si Duke na naiiba sa kaniyang mga kasama dahil hindi siya nagpapatabi ng kahit sinong babae. Samantalang ang kaniyang mga kasamahan ay kaliwa't kanan ang mga babae. Napalingon ako kay Mr. Allan nang bigla niya akong abotan ng basong naglalaman ng whisky. He motioned me to get it and I obliged.

I still felt uncomfortable because of what he witnessed inside Duke Zachary's office. Isa pa iyong tinawag ko siyang tarantado kanina. Sino ba naman kasi ang hindi maiinis. Ke bago-bago ko pa sa trabaho pero bigla nalang ganun? First day na first day may nagawang palpak na kaagad. Inisang tunggaan ko ito at nagbabakasakaling maibsan ng alak ang pagkailang ko.

“Pihikan talaga 'yang si sir sa mga babae kaya huwag ka nang magtaka kung bakit ayaw niyang nagpapalapit ng kung sino-sinong mga babae. Sa pagkakaalam ko ay dalawa pa lang mga babaeng nakarelasyon ni sir. Pero...” huminto siya upang tunggain ang natitirang laman ng baso. “Malabong magugustuhan ka ni sir dahil hindi ko pa siya nakitang nagkagusto sa mga lalaki. Kahit ganyan si sir hindi naman siya bakla. Kaya ngayon pa lang, condolence pare.”

Napangiwi ako dahil sa kan'yang sinabi. Halatang may tama na rin siya habang sinasabi ang mga katagang iyon. Namumula rin ang kan'yang mukha. Pinuno niya ulit ng whisky ang aking baso na inubos ko rin kaagad.

“Mr. Allan, you're sa-” he cut me off.

“Allan nalang pare. Masyado ka namang pormal diyan at parang napakatanda ko naman pakinggan.” aniya habang pinuno na naman ang baso ko ng whisky at inakbayan ako.

Muli akong napangiwi at tumango bilang pagsng-ayon. Grabe rin malasing itong si Mr. Allan... I mean, Allan. Parang ang siga niya at isabay mo pa ang malaki niyang katawan. Liban nalang sa malambot niyang boses na parang hindi makapatay ng langaw ang tono.

“I am not gay or what. What you saw back there was-” pinutol na naman niya ang sasabihin ko.

“Huwag mo nang itanggi at hindi naman kita huhusgahan. Marami rin naman akong mga kakilalang kagaya mo. Iyong kapatid ko nga na siga-siga pa doon sa amin bakla pala. Pero tanggap ko na. Huwag lang ako dahil tuwid talaga ang daan ko pare. Pagkakaibigan lang ang maibibigay ko sayo. Ito pa, ubusin mo 'yan.” tukoy niya sa isang baso na puno ng whisky.

Duke Zachary (Mission Series #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن