Chapter 9

587 34 17
                                    

Maxie's P.O.V

“Aoki, are you up? I'm going inside.”

Napabalikwas ako ng bangon at kinakabahang napatingin sa pinto. Pinihit ni Duke Zachary ang seradura upang buksan. I sighed in relief when I remembered that I locked it last night. Him barging in my room is the last thing I want to happen.

Bumaba ako sa kama bago ako sumagot, “Hintayin mo na lang ako sa labas kasi maliligo pa ako,” pasigaw kong sabi.

“Alright, make it faster. We need to hit the road before ten.”

Narinig ko ang papalayong tunog ng kanyang mga paa. Kinusot ko ang aking mga mata inaantok na humikab. Pilit kong hinila ang aking sarili papunta sa banyo. Sabi niya ay apat hanggang anim na oras ang magiging byahe namin kaya kailangan naming bumyahe ng maaga para hindi kami aabotin ng hapon.

Nang lumabas na ako sa banyo ay nawala na rin ang aking antok. I proceed on packing my clothes and other things that I needed. Tinatamad kasi akong mag-impake kagabi kaya ngayon ko na lang gagawin. One of the reason why Duke Zachary's knocking on my door when noticed I am still not up. I checked twice if I inserted some binding in my clothes. Hindi ko rin nakalimutang magtago ng dalawang baril sa kinailaliman ng aking mga damit.

Nang lumabas ako sa aking kwarto ay bitbit ko na ang aking medyo may kalakihang bag. Duke was on the living room busy with his laptop. Tumikhim ako upang makuha ang kanyang atensyon. Nag-angat siya ng tingin at tumagal ang titig niya sa akin kaya nailang ako. He just stared at me, and I was just standing in front of him.

Hindi ko napigilang kagatin ang ibaba kong labi dahil sa pagkailang. “May dumi ba ang mukha ko, sir?” I asked consciously.

Namula ang kanyang tainga at nag-iwas ng tingin. Hindi ko pinansin ang pamumula ng tainga niya dahil abala ako sa pagkapa sa aking mukha. Baka mayroon pa lang dumi tapos ay hindi ko napansin.

He answered with a low voice, “Mukha kang bakla.” Pagkatapos ay tumayo siya at sinara ang nakabukas na laptop.

Hindi pa man ako nakasalita iniwan na niya akong mag-isa. I hissed and ran after him. Baka iwanan pa niya ako rito ng mag-isa kapag hindi ako magmamadali.

Hindi ko maintindihan kung bakit niya biglang sinabi na mukha akong bakla. Napakalayo naman kasi sa sinabi niya ang dahilan ng biglaang pagtitig niya sa akin. Cause it's clear that I look handsome and not gay. Pwede na bang maiapply dito ang fallacy na 'Non Sequitor' na ang ibig sabihin ay 'It doesn't follow'?

Ano ba 'tong iniisip ko? Pati fallacies pinagdiskitahan ko na. Combing my hair with my hand, I groaned inwardly.

Pagkababa sa parking lot ay naroon pa ang sasakyan niya at nasa loob na siya nito. Mabuti naman at hinintay pa niya ako. Mabilis akong tumakbo at pumasok sa shotgun seat bago pa niya maisipang paandarin ang sasakyan at iwanan ako. Hindi niya ako binalingan at pinaandar lang ang sasakyan pagkatapos kong maikabit ang seatbelt sa akin.

Hindi niya pinasama sa amin papuntang Baguio ang tatlo niyang bodyguards, pati na rin si tatay Juan dahil sa malayo ito at hindi na maaaring masyadong magpagod ang matanda. But it's fine 'cause I am here to protect and watch over him. Para lang akong nagbabantay ng isang batang pasaway.

Tinaponan ko ng tingin si Duke na hindi nagsasalita. Head propped on my arm, I peered at his face. Nakakunot ang kanyang noo habang nakatutok lang ang mga mata niya sa daan, na siyang pinagtaka ko. Ganoon pa man ay hindi nito nabawasan ang kanyang kagwapohan dahil mas lalong nagliliwanag ang kanyang berde na mga mata dahil tinatamaan ito ng sinag ng araw. I can feast at this sight all day.

His ears are still slightly red. I don't even know the reason why his ears are red. Baka makati o di kaya ay dahil sa temperature. He looked really cute with reddish ears.

Duke Zachary (Mission Series #1)Where stories live. Discover now