Chapter 8

545 27 9
                                    

Maxie's P.O.V

“Sir may kailangan pa po kayo?” I stroke Snow's fury back and look at him with questioning eyes.

Umiling siya at inabot ang kape na pinabili niya sa akin ngayon lang.

“Then I'll just see myself out sir.”

“Hmm... Make sure that pet of yours won't make any mess here. Or you'll see it in your plate the next moment.”

Mabilis akong lumingon sa kanya saka sinamaan siya ng tingin. He raised his eyebrows as if he's challenging me. I hugged Snow protectively in my arms and stormed out of the room.

Masaya ako kanina dahil pinayagan niya akong dalhin si Snow pabalik sa condo niya pati na rin dito sa office. Pero paulit-ulit naman niya akong tinatakot na kapag magdudumi o makikita niyang pakalat-kalat si Snow ay ipapaluto niya ito. Nakakainis talaga siya.

Paupo na sana ako sa upuan ko nang bumukas ang elevator at lumabas si Diane. She smiled when she saw me and waved her hand. Napangiti ako at kumaway pabalik.

“Max! Nice seeing you again,” bumaba ang tingin niya sa hawak ko. “Ano 'yan?” nakakunot noong tanong niya.

Nag-angat ng ulo si Snow at tiningnan si Diane. I know Snow will remember Diane when they'll see each other again. Matalas kasi ang memory ng mga kambing.

“She is Snow, a pygmy.” I told her.

Nanlaki ang mga mata ni Diane at mas lalong lumapit sa akin. She touched Snow's head fondly.

“She's cute. I didn't know mahilig ka pala sa mga goats,” tumawa siya. “Well, I love dogs and I also have pets.”

Tumango ako at nginitian siya. Magkakasundo na naman kami sa parteng 'to. Nagkwento siya tungkol sa tatlong alaga niya na aso. Iyong dalawa raw ay galing sa parents niya na niregalo sa kanya noong nakaraang taon. While the other one, nakita lang daw niya ito sa daan at parang walang nagmamay-ari rito. It was still a baby and seems like weeks old pa lang ito. Mahina pa at hindi kayang mag-isa kaya she decided to adopt it.

“Bakit ka nga pala nandito? Are you looking for Duke- I mean mr.-”

Napapitlag ako dahil sa biglang nagsalita sa likuran ko. “What are you doing here, Diane? Bakit hindi ka tumuloy sa office ko if you want to see me?” nakakunot ang noong tanong niya.

Napatingin kami ni Diane rito. Diane smiled at him when she saw him. Lumapit si Diane rito at hinalikan ang pisngi ni Duke Zachary.

“Hello kuya. Bakit nakakunot na naman ang noo mo? Chill kuya,” tumawa ng mahina. “I'm here to tell you that daddy want to invite to his birthday. Actually, he also wants to invite uncle and auntie pero alam naman natin na hindi pwede si uncle kasi kailangan pa niyang magpahinga, and auntie needs to be with him. Kaya gusto niyang kahit ikaw man lang daw ay makakapunta. It'll just be a simple family dinner kuya.”

Mas lalong kumunot ang noo ni Duke dahil sa paliwanag ni Diane. “How about you? Aren't you going there?”

Mabilis na umiling si Diane. “No, nagpaalam na ako kay dad na hindi ako makakapunta. Hindi pwedeng hindi ako sisipot sa pageant na sinalihan ko or I'll be dead. Kaya ikaw na lang please, kuya. Pretty please?”

Zachary looked at her with a grim expression. “You're saying that, that pageant is more important than your own father's birthday.”

Nagusot ang mukha ni Diane. “Daddy already let me and still we're going to celebrate his belated birthday two days after. Don't you want that kuya? Take it as an opportunity to relax dahil palagi ka na lang nakababad sa trabaho,” huminga ng malalim si Diane na para bang napakalaki ng pinoproblema. “I already told your housekeeper there na siguraduhing handa ang lahat doon kasi doon ka magsstay ng isang linggo.”

Duke Zachary (Mission Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon