Chapter 1

914 32 18
                                    

Maxie's P.O.V

I made a deep sigh as I wrap the last layer of bandage around my chest. Sa tulong nito ay naitago ko ang medyo may kalakihan kong dalawang dibdib. Nahihirapan akong huminga kasabay ng dalawa kong dibdib. Sa ganitong sitwasyon mas hihilingin ko pang sana maliit ang mga dibdib ko at nang sa ganoon ay hindi ko na kailangan ang mga ito itago.

Isang buwan ako magpapanggap ayon kay sir Luke na siyang nagbigay nitong misyon na'to sa akin. Dahil sisiguraduhin nilang makakahanap sila ng paraan para hindi na makalapit ang illegitimate son ni don Miguel sa pamilya nito bago matapos ang isang buwan. Pero parang isang taon ang isang buwan. Ngayon pa lang ang magiging unang araw ko pero parang gusto ko nang hindi tumuloy.

My breasts are begging me to let them out and breathe again. Pero 'di ko sila maaaring pagbigyan dahil kailangan kong maayos na magawa ang misyon na 'to.

"Huwag kayong mag-alala mga babies. After one month naman makakahinga na ulit kayo forever. Promise one month lang kayong magdurusa. Kumapit lang kayo diyan, okay? 'Wag kayong magpabisto."

Isinuot ko na ang black t-shirt na pinatungan ko ng grey na blazer. Ito lang ang susuotin ko dahil personal assistant lang naman ang pag-aaplyan ko and there's no way that I am going to wear a suit.

Humarap ako sa salamin na nasa loob ng banyo at sinuklay gamit ang aking buhok gamit ang aking kamay. Puno ng paghihinayang ang aking naramdaman nang padausdusin ko ang aking kamay sa ngayon ay maikli kong buhok.

Inignora ko nalang ang maikli kong buhok at tiningnan ang kabuoan ko sa salamin. I can't help but smirk at my appearance. I must say, I am quite handsome myself. Hindi 'yon pagmamayabang at ngayon ko lang rin nalaman na gwapo pala ako. Kung tunay siguro akong lalaki ay marami na akong najowa at jinowa.

"Hey, babe." I winked at the mirror and bit my lower lip like some experienced fuck boy trying to seduce someone and get laid.

Everything's perfect and I totally look like a man now except for my voice. I can't help but roll but eyes because of my voice. The remaining trace that's telling the world that I am no man but a woman who should be wearing and doing girly stuff.

"Maxie, lumabas ka na nga. Bakit napakatagal mo diyan? Nalunod ka ba sa inidoro?" Napalingon ako sa pinto nang marinig ang naiinis na boses ni Candy.

"Lalabas na po."

Binuksan ko na ang pinto dahil mayroong nilalang na hindi makapaghintay na kusa akong lalabas. Atat na atat na siyang makita ang gwapo kong mukha. Nang makalabas na ako sa cr ay tumayo ako sa harapan niya.

She stood there with her mouth wide open. She's gawking at me as if she can't believe her eyes. Lumapit ako sa kanya at sinara ang nakanganga niyang bibig gamit ang aking hintuturo.

"Baka mapasukan langaw." I tried mimicking Ace's husky voice but I failed.

Tila ay natauhan siya nang magsalita ako. She gasped and circled me. Nagniningning ang kaniyang mga mata at napapalakpak pa siya habang iniikotan ako. I grimace when she circled me five times before finally settling down.

"Alam mo, hindi ka maganda pero hindi ko aakalain na gwapo ka pala kapag naging lalaki. You're totally my type! Hell, you can swoon ladies just by looking at them. Dear, you are definitely a boy next door with that getup."

Akmang lalapit siya sa akin but I put my forefinger on her forehead to keep her from me. Nakatulong rin na mataas ang height ko kumpara sa kaniya. I am 5'8 by height, luckily.
Sumimangot siya sa akin dahil sa pagpigil ko sa kan'ya.

"What are we going to do with my voice?"

Inirapan niya ako bago inabot ang kanyang bag tsaka mayroong kinuha roon. Bumalik siya sa harap ko habang nakasimangot pa rin. She handed a necklace with a star pendant on it. The pendant is color black but it's surrounded by gems which made it really stunning.

Duke Zachary (Mission Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon