Chapter 10

563 22 11
                                    

Maxie's P.O.V

"What are you doing?"

Napalingon ako kay Duke Zachary na kapapasok lang sa kusina. I grimaced at him and look at the crumpled papers that are laying on the table. I was trying to make an origami since one hour ago because I have nothing to do and Duke Zachary left me alone inside his house. Hindi ko rin naman gustong lumabas dito sa bahay niya dahil hindi ako pamilyar sa lugar. Kaya nang makakita ako ng gunting at mga papel sa sala niya kanina ay napagdesisyunan kong maggupit-gupit ng papel.

But I've been trying for almost an hour already and I still can't make a decent origami. I'd immediately crumple the failed products because I can't stand looking at them. That's why Duke's kitchen is really messy messy right now.

"Magkakalat ka na nga lang, dito pa talaga sa kusina ko? Seriously, Aoki?" halata ang inis sa boses niya.

He stride his feet towards my direction and eyed all the crumpled papers that are scattered on the table, the floor and some are even in the sink. Hindi ko napansin ang mga 'yon ah. Nasobrahan ko yata sa pagtapon kaya umabot sa lababo.

Nag-angat ako ng tingin at pilit na ngmiti sa kanya. Magkasalubong ang kanyang kilay habang naiinis niya akong tiningnan. Yumuko siya at inabot ang trash bin sa gilid. Isa-isa niyang pinulot ang mga papel na nagkalat sa sahig at padaskol na nilagay sa basurahan. Parang nabaliktad na naman ang role naming dalawa. Siya ang assistant samantalang ako ang amo. Gusto kong matawa sa kaloob-looban ko.

Dahil mayroon din naman akong kaunting hiya sa katawan ay yumuko ako at pinulot ang gusot na papel na nasa ilalim ng lamesa. Nagkatinginan kaming dalawa ni Duke at mas lalo lang sumama ang kanyang mukha. Akmang lalapit ako sa kanya upang ipasok sa loob ng basurahan ang mga napulot kong papel nang may maliit na boses ang sumigaw. Napatayo ako sa gulat pero ang tanga ko lang din dahil nakaharang nga pala ang lamesa kaya ngayon ay namimilipit ako sa sakit dahil sa pagkauntog.

Tuluyan na akong nakasalampak sa sahig habang nakasapo sa aking ulo ang dalawa kong kamay. Hindi ko maidilat ang aking mga mata dahil sa sakit at pakiramdam ko ay lumipad yata ang utak ko mula sa pagkauntog. Para rin akong nakarinig ng malakas na tunog ng kampana. Narinig kong binitawan ni Duke ang hawak na basurahan at ilang segundo lang ang nakalipas ay nandito na siya sa tabi ko.

Inalis niya ang mga kamay ko at hinawakan ang aking baba. Sinipat niya ang parte kung saan ako nauntog at narinig ang kanyang pagsinghap. Pilit akong dumilat upang tingnan ang kanyang reaksyon.

"Is it that bad?" kinakabahan kong tanong. Sana naman hindi nagsugat dahil ayaw kong magsuot ng benda sa ulo sa pupuntahan naming bertdey. Nakakahiya 'yon.

Nagpakawala ng malalim na hininga si Duke bago sumagot, "Napakalaki ng bukol mo, Aoki." Inalalayan niya akong tumayo at inupo sa upuan.

Nagmamadaling umalis si Duke sa harap ko ay binuksan ang cupboard at mayroong kinuha. Napagawi ang tingin ko sa may salarin kung bakit ako mayroong bukol ngayon. Nagtatago ito sa likod ng medyo may kalakihang vase. Sumilip ang akala ko kanina'y tsanak na bigla na lang sumulpot at nagtama an aming mga mata. I can see the guilt in his eyes. Sa wari ko'y tatlong taong gulang pa lamang ang batang lalaki. Muli itong nagtago sa likod ng vase na siyang ikinangiwi ko.

Bumalik si Duke sa tabi ko na mayroon ng hawak na ice pack. Hinila niya ang isa pang upuan at umupo rito. Hinawakan niya ng mahigpit ang aking baba at inilapat ang ice pack sa aking bukol. Muntik na akong napasigaw sa sakit dahil hindi man lang siya nagdahan-dahan.

"Sir idahan-dahan mo naman! May galit ka ba sa akin? Plano mo yata akong patayin." Inagaw ko sa kanya ang ice pack at ako na mismo ang naglapat nito sa aking malaking bukol. Kung hahayaan ko siyang siya ang gagawa nu'n sa akin, imbes na gagaling ang bukol ko ay baka mas lumala pa ito.

Duke Zachary (Mission Series #1)Where stories live. Discover now