Chapter 16: We are THE MAXMOON SPY!

29 10 1
                                    

MOONSTAR'S POV

NAKITA KONG may apat na kalaban ang papalapit sa kinaroroonan ko kaya dali-dali akong nagtago. Hinanda ko ang patibong na ginawa ko kanina at inaantay na lang silang kumagat bago ako makapasok sa loob.

Pinanood ko kung paano nila nasangga ang lubid sa paanan at wala pang isang segundo ay nakaangat na sila sa ere habang nakabitay ang mga leeg.

Walang reaksyon kong ibinaling ang daan papasok habang hinahanda ang susunod kong hakbang. Humugot ako ng tatlong poisonous smoke bomb at facemask Shield saka walang gana lang iyon itinapon sa mga taong makakasalubong ko.

Hindi ako pwedeng maging masyadong maaksyon dahil wala naman akong sapat na lakas at baka mauwi na naman akong biguan, kaya't idinadaan ko na lang sa patibong o armas.

Nang makadaan ay agad ko ring itinanggal ang facemask shield. May narinig akong maraming yabag sa likuran at halatang ako ang sinusundan. Well sa halip na harapin sila, naglagay na lang ako ng oil sa dadaanan nila at nagkalat ng mga natutulis na bagay.

Napangisi ako ng marinig ang mga ungol nila habang patuloy lang ako sa paglalakad. Pero napahinto ako ng makita ang 'di mabilang sa daliri ang mga taong nakahanda na sa harap ko.

'Mukhang kinakailangan ko ng kumilos..'

Hinugot ko ang umiilaw na latigo sa bag at binitak iyon para kumpirmahing matibay. Bago ko munang simulan ang laban, nag-iwan pa muna ako ng isang ngisi na nagpapahiwatig na Rest In Peace na sa kanilang lahat saka ko tinurn-off ang ilaw.

"Wahhh!!!"

"Arayyy!"

"Wala akong makita maliban sa-arghh!!"

"Anu ba 'yun!?-Ahhh!!"

"G*go ka!!!"

'Back to you men! Tss..'

Pinatumba ko sila sa gitna ng dilim. Ito ang isa sa pinagpraktisan ko, ang kumilos kahit na walang nakikita. Tanging ang latigo ko lang ang makikitang umiilaw ngunit hindi sapat para makita ang kaharap mo.

May ilang nagpapaputok ng baril at damang-dama ko kung saan-saan na 'yun tumatama kaya inuuna ko na silang patumbahin bago pa nila ko tamaan. May naramdaman akong isang tao na para bang tatangkain niyang tumakbo paalis pero dahil malupit ako, Inihampas ko ang latigo sa harap upang hatakin siya pabalik sa pwestong kinatatayuan ko.

Kita ko ang umiilaw kong latigo na nakapulupot sa leeg ng taong ito at marahan siyang hinatak saka walang awang nilatigo ng husto. May iilang likwido akong nararamdaman na tumatalsik na alam ko namang dugo iyon.

Tila naubos na ang lahat gayong wala na 'kong naririnig pa. Lumapit ako sa buksanan ng switch at in-on yon. Bumungad sakin ang mga duguang katawan na wala ng buhay. Gaya noon, ang malinis na hallway ay napahiran na naman ng malalansang dugo.

'Urghh kairita! Nasa'n na ba ang gurang?'

Inikot ko ang pareho kong braso ng mangalay iyon dahil sa paglalatigo ko sa karamihan saka ibinalik ang latigo sa bag at nagpatuloy na sa paglalakad.

Nakarating ako sa harap ng elevator. Mapapagod at magsasayang lang ako ng oras kung maghahagdan ako. Kaya sa'n ka pa? mag-elevator ka na lang!

Pumasok ako sa elevator at pinindot ang numero kung saan nais kong akyatan. Sumandal pa ako sandali sa likod habang pinapadyak ang paa ko sa baba. Nakatingin ako sa itaas habang sinasabayan ang pagbibilang sa numerong umaandar.

THE MAXMOON SPY (Completed)Where stories live. Discover now