Chapter 6: Training Challenge

130 116 10
                                    

CHAPTER 6: TRAINING CHALLENGE (PART 3.)

MOONSTAR'S POV

NaNGANGAPANG naglalakad pa rin kami sa paliko-likong daan na ito. Jusko nahihilo na ako sa maraming liko-liko na ito. Kanina lang puro mahahabang daan ngayon naman ay puro liko.

Liko sa kanan-->
<--Liko sa kaliwa

Wala pang labing isang hakbang liko na naman. Alangan ideretso mo iyon edi bumangga ka sa pader. Nakailan din akong bumangga sa pader noh tss.

Liko ule sa kanan-->
<--Liko ule sa kaliwa

Straight again and just a few step..

1🚶

2🚶

3🚶

4🚶

5🚶

6🚶

7🚶

8🚶

9🚶---

Wala pang sampong hakbang nauntog ule ako sa pader. Pero nagulat ako ng magmura ito ng pabulong. Dahil madilim hindi ko siya makita pero nasisiguro kong tao ito at hindi pader.

"The hell---" he said in a whispered. Alam kong hindi din siya isa sa mga kasamahan ko dahil iba ang boses niya.

"S-sino ka?" tanong ko pero walang sumagot. Kinapa ko ang harapan pero wala na akong mahawakan.

"Moonstar ano ba nasaan kaba? lagi kang nahuhuli eh!" ani ni Keisline.

"Nasaan ba kayo?" Balik na tanong ko sa kaniya.

"Lumiko ka sa kaliwa." sagot niya.

I did what she said. When I got closed them, Ayen asked me.

"Sino kausap mo dun?"

"Hindi ko kilala eh, akala ko bumangga na naman ako sa pader yun pala katawan ng tao." paliwanag ko.

"Baka isa sa kasamahan natin yon?" singit ni Keisline.

"Hindi eh iba boses." sagot ko.

"Bakit familiar kana ba sa mga boses namin?" tanong ulit niya.

"Ou naman." mayabang kong sagot.

"Tsk.. Oh e nasaan na siya?"

"Ewan ko biglang nawala eh, nung kapain ko ule yung nabangga ko wala na kong makapa."

"Tch! Let's go na nga! Baka kung ano pa makapa mo diyan." sabi ni Ayen at diniinan ang salitang 'makapa'. I nodded even though they could not see me and continued walking again.

We walked for a few more minutes and reached the place where there were lights on the side of the walls. We took a deep breath and rested in a corner first.

"Whoo! Kapagod mangapa ah!" biglang sambit ni Ayen habang pinapagpag 'yung uupuan sa lupa.

Oo! mukha tayong bulag na nangangapa.

THE MAXMOON SPY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon