Chapter 10: Training Challenge

109 88 1
                                    

(A/N: Sorry for long update, Moontries. Hope you'll understand that I'm kinda busy person. But don't cha worry hahabaan ko nalang ang kada chapters ko:) nasa 4.6k words na po ito so need kona syang putulin dahil nagloloko si watty pag ganun. Asahan niyong sa susunod na chapter ganito nadin kahaba.💜)

CHAPTER 10: TRAINING CHALLENGE (PART 7.)

~Huling pagsubok...~

KEISLINE'S POV

MULI KAMING MASAYANG nagkwekwentuhan habang patuloy pa n sa paglalakad at sa paghahanap ng daang palabas.

"Teka, Moonstar paano mo pala nasagot lahat ng riddles kanina?" biglang tanong ni Ayen.

"Edi nagsalita at sinabi ang sagot." sagot niya nang hindi lumilingon at patuloy pa rin sa paglalakad.

"H-hindi ka 'man lang ba nagdalawang-isip na baka magkamali ka ng sagot?" tanong 'ko sa kaniya. Huminto naman ang lahat sa paglalakad at nilingon si Moonstar.

Huminto din si Moonstar upang sulyapin kami isa-isa atsaka siya muling naglakad at nagsalita.

"Hindi, dahil alam ko naman talaga ang tamang sagot atsaka.. buti nga kapag nagkamali ng sagot putik lang ang parusa. Mas malala nga sa akin noon eh, patalim ang kapalit.." saad niya habang nakatalikod samin.

Nagkatinginan naman kaming apat at sabay-sabay na napalingon kay Moonstar sa harapan.

"Bakit mahigpit ba sa inyo? Ang harsh uhh!" sambit ni Lexing palaka.

"Hmm, oo pero sa training lang naman istrikto si lolo at si lola kasi kailangan." aniya at humarap samin na malawak na ang ngiti. "Ngunit kapag natapos na ang pag-eensayo, nag kukulitan na kami tapos gagamutin nila 'yung natamo kong sugat." parang bata niyang sambit, ngunit nawala rin ang ngiting 'yun ng may pahabol pa siyang sinabi at yumuko.

"Ang kaso w-wala na sila. H-hindi na nila magagamot ang mga natamo 'kong sugat ngayon. Hindi ko inaasahan na sa araw-araw na masasayang kulitan namin ay may pait na palang kapalit. Sa sandaling 'yon, ang lahat ay naging masayang alaala nalang at hindi na kailanman mauulit muli." malungkot na sambit niya at hindi namin napansin na may isang luhang gumuhit sa pisngi niya.

Sandaling katahimikan ang bumalot saaming lahat. Malungkot na pinagmasdan ko ang mukha ni Moonstar.

Alam ko ng namatayan ng lolo't lola si Moonstar. Noong unang araw ko palang kasi sa MAX⚡SHIELD, hinahanap ko nun si Commander at napadaan ako sa isang kwarto. Agad akong napahinto sa tapat ng pinto ng marinig 'ko ang boses ni Commander sa loob at lumapit doon.

'hindi sa chismosa ako, pero parang ganon na nga.'

Narinig ko ang lahat ng usapan nila at maging ang kwintas na may 'gem' sa loob na ngayon ay suot ni Moonstar ay alam ko din at nakita ko pang nagliwanag sa loob ng kwarto niya dahil sa butas ng ibabang pinto.

THE MAXMOON SPY (Completed)Where stories live. Discover now