Chapter 13: Mission

48 16 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

SUMUNOD SI Ainsley na tinapatan si Miss Ki. Naghanda ang dalawa at gaya nung simula, si Miss Ki pa rin ang unang umatake rito. Dalawang espada laban sa isa, sanggaan lamang sila ng sanggaan hanggang sa makahanap ng tyempo si Ainsley at mabilis niyang inatake ang kaniyang isang espada sa leeg ni Miss Ki.

Pero laking gulat niya ng mabilis na sanggain ni Miss Ki ang espadang nakatutok sa leeg niya at ngayon ay magkabaliktad na sila ng sitwasyon. Nasa likod niya na si Miss Ki at siya naman ang tinutukan nito ng espada sa leeg.

Bumalik si Ainsley sa mga kasamahan niya at ang pumalit naman sa kaniya ay si Ayen. Si Ayen na kitang-kita ang panginginig ng kamay habang hinahawakan ng mahigpit ang kaniyang espada. Hindi naman kasi siya gano'n kahusay sa pakikipaglaban.

Sinugod siya ni Miss Ki ngunit panay lamang ang sangga niya rito. Atras lang siya ng atras hanggang sa hindi na nagustuhan ni Miss Ki ang ginagawa niya kaya pinatapos na nito agad. Umikot si Miss Ki at mabilis na itinutok ang patalim sa noo nito.

"Hindi tama 'yang ginagawa mong panay sangga at atras lang ng atras, Izaac Nicolay. Sa kakaganiyan mo, madali ka lang mapapatumba ng kalaban mo.. Magsumikap ka sa susunod na pag-e-ensyo, Maliwanag ba?" anang Miss Ki habang deretsong deretso ang tingin kay Ayen.

"Yes, Miss Ki.." tugon nito at nakayukong bumalik sa mga kasama.

"Sunod.."

Blangkong mukha na sumunod na humarap si Keisline kay Miss Ki. Naghanda ang dalawa at nagsimula ng maglaban. Kay bibilis ng kanilang mga kilos at tila inilabas na nila ang lahat ng sama ng loob sa sobrang gigil na gigil sa isa't-isa.

Umikot si Keisline pababa upang subukang patirin si Miss Ki, ngunit agad itong nakaiwas at inatake ito ng mabilis. Sa sobrang lakas ng pagkakahampas ng kanilang mga espada, nahihirapan silang gumawa ng isang hakbang.

*TIIINNNKKK*

*TIINNKKK*

*TIIIINNNNKKKKKKK*

Tila ba inaabangan kung sino sa kanila ang unang titira. Pareho silang napaatras at sabay na umikot. Yumuko si Keisline ng dumaan ang mahabang espada sa kaniyang ulo. Umangat ito at gumanti rin kay Miss Ki pero yumuko rin ito at pareho nilang itinutok ang espeda sa leeg.

"Magaling.." komento ni Miss Ki nang sandali silang tumigil at nagkatitigan.

Tumambling patalikod si Miss Ki kaya agad siyang sinugod ni Keisline pero hindi niya inaakala na ang pag-atake niyang iyon ang magiging sanhi ng pagkatalo niya sapagkat mabilis na tumambling si Miss Ki at umikot pababa upang makapunta ito sa likod ni Keisline at tutukan muli ito ng espada sa leeg.

Natalo si Keisline at ang huling lalaban ay si Moonstar. Ang kilos nito ay normal pa rin at hindi pakikitaan ng takot, parang wala lang sa kaniya kung makangiti pa siya sa kaharap niya. Ngumisi lamang si Miss Ki sa kaniya at sinugod ito.

Napapaatras siya ng walang tigil ang sunod-sunod na pag-atake ni Miss Ki sa kaniya. Walang kasimbilis ang mga kilos nito kaya hindi niya ito magawang sabayan. Sabay silang umikot ng magsangga ang kanilang mga espada at muling hinarap ang isa't-isa.

Makikita sa mukha ni Moonstar na tila pinag-aaralan niya ang kilos ng kaharap niya at hindi rin nagtagal, unti-unti niya na nga itong nasasabayan. Ang kaninang walang kasimbilis na kilos ni Miss Ki ay ngayong mabagal na sa paningin ng tao sapagkat tila kinuha ni Moonstar ang enerhiya nito at siya ang mas lalong bumilis.

THE MAXMOON SPY (Completed)Where stories live. Discover now