PROLOGUE ☕

25 6 0
                                    

    

Umagang umaga ang ingay ng cellphone ko. Ang sarap ihagis sa bermuda grass ng kung sino mang tumatawag na iyon sa ganito kaagang oras.

Mabilis na kinapa ko iyon sa ibabaw ng bed side table. Nakakainis itong taong umistorbo sa masarap kong pagtulog. Inilagay ko iyon sa aking kaliwang tainga. "What?" Iretableng tanong ko agad sa kabilang linya. "Ang aga aga mo naman mang istorbo. Siguro hindi ka mahal ng magulang mo, pampam ka." Patuloy ko habang nakapikit pa rin at namamaluktot sa ilalim ng kumot.

Napakunot ang noo ko dahil wala namang sumasagot sa kabilang linya. Kahit hirap at tinatamad pinilit kong iminulat ang aking mga mata at tiningnan ang screen ng aking cellphone. Napalatak na lang ako ng makitang hindi naman pala iyon tawag kung hindi isang text lamang. "Nakakaasar! Bakit ganun ang ringtone, akala ko tawag na." Asar na binuksan ko ang message na natanggap.

Miche: 'Hoy bruha! Bumangon ka na d'yan at may date ka pa.'

Ang sabi sa text message na galing sa panget at bruha din na best friend ko.

Bigla yatang nagising ang diwa ko sa sinabi nito na may date daw siya. "Ano daw? Anong date ang pinagsasasabi nito?" kunot na kunot ang noo ko habang nakailang kusot pa ako ng mga mata, baka nagkaroon lang ng agiw ang paningin ko at kung anu-ano na ang nababasa ko.

Me: 'May sapi ka ba? Anong date ang sinasabi mo, mangkukulam?'

Miche: 'Ikaw na babae ka, ikaw ang may gustong makipag blind date kahapon, halos lumuhod ka na sa harap ko para ihanap lang kita ng kadate ngayon tapos aaryahan mo ako ng amnesia acting skills mo. Tantanan mo ako, mangkukulam ka din.'

Me: 'Anong pinagsasasabi mo d'yan? Hindi ko kailangan ng lalake. At kailan ako lumuhod, aber?' Marahas na bumangon ako sa pagkakahiga at tinanggal ang kumot na nakatakip sa'kin bago ko sinend ang reply ko sa kanya dahil ang buong sistema ko ay ginising ng bruha na ito. "Ang dami naman niyang sinabi, at bakit ang bilis magtype ng bruha?"

Miche: 'Bruhang 'to. Sa sobrang kalasingan mo kagabi hindi mo na maalala ang pinaggagagawa at pinagsasasabi mo sa'kin. Halos marindi ang nananahimik na tutuli ko sa mga sinasabi mo kahapon.'

Me: 'Abat, bruha ka rin. Wala akong pakialam sa tutuli mo.'

Miche: 'Bumangon ka na d'yan dahil tanghali na. Hindi ko na rin pwedeng ikansela ang blind date mo dahil nakakahiya naman doon sa tao. Halos kulitin na natin siya kagabi.'

Me: 'As in? Ginawa ko talaga 'yon?' reply ko naman sa kanya. Ngayon parang gusto kong tumalon na lang sa bintana ng kwarto ko pero ng maisip ko kung gaano kataas iyon ay 'wag na lang pala. "Nakakahiya!" Angal ko pa habang ilang beses din pumadyak padyak na parang batang hindi naibigay ang gusto.

Miche: 'Yes, as in walang labis walang kulang. Kasalanan mo yan bruha ka. Masyado kang nagpakalasing hindi mo naman pala kaya.'

"Kasalanan talaga 'to ng alak, nakakainis." halos magiba ang mga pader ko sa lakas ng sigaw ko.

Bago pa ako makahirit ulit ng higa tumunog muli ang cellphone ko. "Ang bilis naman ng bruha magtext." Binuksan ko agad iyon at napailing.

Miche: 'Wag ka ng humiga ulit bruha ka. Bumangon ka na d'yan.'

Me: 'Okey fayn.'

Ang galing ng bruha nalaman niyang hihiga ulit ako. May lahing mangkukulam siguro talaga 'yon.

Miche: 'Here's the address: SeoulMate Café, 143 - Hindi makalimot street Makati City. 10am ang sinabi kong oras dahil alam ko tanghali ka na nga babangon.'

Babaeng 'yon, kilalang kilala talaga ako. "Astig naman ng address. Lahat siguro ng tao na nakatira doon hindi makalimot, kawawa naman sila.", bitter na turan ko. "Parang ako lang!", humugot ako ng malalim na buntong hininga saka ipinilig ang ulo.

Gusto ko pa sanang matulog na lang buong maghapon dahil linggo ngayon at walang pasok sa office, kaya nga ang lakas ng loob ko mag inom kagabi dahil hindi ko kailangan bumangon ng maaga ngayon tapos bigla wala akong kaalam alam may date pala ako ngayon sa kung sinong poncio pilato na 'yon. "Nakalimutan ko palang itanong kung sino ang makakadate ko." Kinuha kong muli ang cellphone ko para sana itext si Miche pero "'Wag na lang pala. Mamaya na lang siguro."

Tamad na tamad na tumayo ako sa kama at pumunta sa CR para maligo. "Here we go." Itinaas ko pa ang dalawang braso para mag unat. Napabuntong hininga na lang akong lumingon muli sa kama ko, para akong inaakit bumalik sa higaan pero no, hindi pwede.

Makalipas ang ilang oras naririto na ako sa SeoulMate Café slash Restaurant na meeting place namin ng makaka blind date ko.

Me: 'Sigurado ka ba dito? Hindi mo ba ako ginogoyo lang bruha ka?'

Miche: 'Yes, 100% honesto ako my lovable best friend Zeryna.'

"Kaasar talag ang bruha na 'to binuo talaga ang pangalan ko, Zery lang okay na ako, bakit dinagdagan pa niya ng 'na'?"

"Hey! Zery, kamusta na?"

Napatingala ako sa lalakeng nagsalita sa harapan ko na ngayo'y nakatukod ang dalawang braso sa lamesa habang nakatunghay sa'kin. Automatic sumama ang hilatsa ng mukha ko pagkakita sa ultimate na kinaaasaran kong tao sa buong mundo. As in buong mundo.

"Anong ginagawa mo dito Zeki?"

Unfortunately pareho kami ng first ang second letter sa name at halos magkatunog iyon. Asar!

"Nakausap mo na ba si Miche?"

"Anong kinalaman---"

Nahinto ang ano mang sasabihin ko ng tumunog ang cellphone ko. Binasa ko ang text message na iyon na galing kay bes Miche.

Miche: 'Hi bes! Nasa restaurant na daw yung blind date mo. Good luck!'

Me: 'Bakit itong pinsan mo ang nasa harapan ko? Siya ang blind date ko?!'

Miche: 'Yes! Siya ang nirequest mong makadate kagabi. Limot mo?'

Napamulagat ako sa nabasa. Binalingan ko ang pinsan ni Miche na si Zeki na ngayo'y ngiting ngiti na nakaupo na sa kabilang upuan sa harapan ko.

It can't be? Totoo ba?

Deym!

#RomancePH #LoveinSilence

☕☕☕

ZEKI CLEMENTETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon