CHAPTER 6☕

6 2 0
                                    

( Zery )

Naririto ako sa favorite spot namin nila Miche at Zeki sa garden kasama ang sandamakmak na libro na hiniram ko sa library. Muntik pa akong hindi pahiramin ni Suli dahil ang dami kong hiniram, hindi daw pwede ilabas, pero dahil nagmakaawa ako at kinonsensya ang cute na librarian, pumayag din siya.

Nakahiga ako ngayon sa bench habang ang mga paa'y hinayaan na nakatapak pa rin sa damuhan. Inuunanan ang mga libro habang nakapikit na parang boring na boring sa buhay at walang magawa pero sa totoo lang tambak ang mga gagawin ko. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Group research ba namin nila Erick at ng mga kagrupo namin? Assignments? O mga report ko ba? Jusko maloka na talaga ako. Pakiramdam ko tumanda ako ng sampung beses. Ang lulupit talaga ng mga professor namin, sinabay-sabay na feeling multiple din ang utak at katawan ng mga estudyante nila. Tapos dagdagan pa ng problema sa puso. Yung buhok ko feeling ko kumukulot na sa stressed.

"Kailangan ko na yata magpaparlor kay meme devine." usal ko sa sarili habang nakapikit pa rin na tukoy sa baklang may-ari ng parlor katabi ng aming bahay.

Naramdaman ko ang isang hintuturo na dumotdot sa noo ko. Kumunot ang noo ko. Marahan kong iminulat ang mga mata na hindi naman nahirapan imulat dahil hinarangan ng kung sino ang araw na dapat ay sisilaw sa aking mata. Nakita ko ang isang anghel na nakatunghay sa'kin. Ang ulo nami'y magkabaliktad kaya naman kitang kita ko ang mga singit niyang mata na napakaganda sa aking paningin.

"Bakit may pinapagandahan ka na ba, Zerena?"

Natauhan ako bigla at hindi napaghandaan ang mangyayare. Mabilis akong bumangon sa pagkakahiga dahil sa pagkataranta. "Ouch!" magkasabay naming usal ng tumama ang noo ko sa noo niya.

"Grabe ka talaga Zery. May galit ka talaga sa'kin. Siguro may pinapagandahan ka nga. 'Yon bang maputlang lalake na nagyaya sa'yo kahapon?!' asar na sabi nito sa'kin habang marahas na hinihimas ang nasaktang noo nito.

"Pinagsasabi mo d'yan Zeki. Alien ka ba?" nakairap na sagot ko bago pinulot ang mga librong nalaglag kanina dahil sa biglaan kong bangon.

"Ang gwapo ko namang alien."

"Higad na alien kamo." pambabara ko sa kanya. "At hindi ko na kailangan magpaganda, maganda na ako no!" nakanguso kong turan sa binata at inirapan ito.

Tumawa ito nang mas ikinainis ko.

"Sus! Saan banda?" anito na umupo sa kabilang upuan, katapat ng inuupuan ko.

"Ano bang kailangan mo Zeki? Marami pa akong gagawin."

Marami nga, wala naman ako inu-umpisahan. Kasalanan lahat 'to ng malanding 'to. Kainis!

Lumingon ako sa likuran ko na pinanggalingan nito kung nasaan ang entrance, maging sa likuran nito kung saan naman ito nakaupo ngayon.

"Himala nasaan ang Ex mo? Hindi mo yata kabuntot ngayon?"

"Zeki, baby."

"Speaking of the Ex na hindi naman maganda sabi ni Miche." sarkastikong turan ko habang hindi tumitingin sa binata at inabala ang sarili sa pagbuklat ng libro. Baby daw, sus! Baby-tawan ka din ulit nya'n.

"J-jully!"

Tumayo ang binata at atubiling lumapit sa Ex nito.

"Zery, wait lang ha."

"Hmm." labas sa ilong na sagot ko.

Magsama kayo! Kainis.

Matapos umalis ni Zeki saka lang ako lumingon sa pwesto nito kanina. Napahugot ako ng malalim na hininga. "Bakit ba kita nagustuhan?"

Tinunghayan ko ang mga sandamakmak na libro at notes ko. "Ano ng gagawin ko sa inyo?" parang baliw na tanong ko sa mga ito, as if may sasagot sa'kin.

"Zery, tawag ka ni Ms. Paminmin."

ZEKI CLEMENTETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon