CHAPTER 1☕

9 4 0
                                    

( Zery )

Marami ang nagsasabi mahirap magmahal ng patago and I agreed with that dahil heto ako ngayon nakatunghay lang sa isang tao at patuloy lamang siyang pinagmamasdan habang masayang nakikipag landian este nakikipag usap sa mga babaeng nakapaligid sa kanya. Napabuntong hininga na lamang ako at binawi na ang tingin sa lalakeng napakalande na sinalo na yata ang lahat noong nagpaulan ng kalandian ang langit. Itinuon ko na lamang ang atensyon sa librong binabasa dahil any minute magsisimula na ang next class ko, may exam pa ako tapos inuna ko pa ang pagtitig sa malande na lalake na iyon.

"Zeryna!"

Isang buntong hininga na naman ang pinakawalan ko bago masamang nilingon ang bruha slash mangkukulam na babae na ngayo'y maarteng tumatakbo papalapit sakin. I just rolled my eyes on her. Hindi ko alam kung bakit naging best friend ko ang babaeng 'to. Napakalayo ng mga gusto at hindi namin gusto sa isa't isa. Si Miche mahilig sa mga pasexy at halos wala ng itago sa katawan, samantalang ako kulang na lang dalhin ko na ang kumot para itago ang balat. Mahilig siya sa party at sa mga gatherings, ako naman mas prefer ko ang nasa bahay lang, manunuod lang ng tv or magbabasa ng libro in short boring daw sabi ni Miche. Friendly siya at bubbly kung hindi ako nagkakamali halos lahat ng estudyante dito sa university kilala siya samantalang ako mahiyain at iilan lang ang matatawag na kaibigan. Kaya naman nakakapagtaka na naging mag best friend kami. Hindi naman ako nagsisisi na naging kaibigan ko siya dahil sa totoo lang napakalambing niya at totoo siyang kaibigan, doon ko nga sinang-ayunan ang kasabihang "Don't judge the book by it's cover. Alam niyo yu'n ang sarap iuwi sa bahay at isilid sa sako tapos itatapon sa ilog. Kidding aside masarap siyang maging kaibigan.

"Anong kailangan mo bruha?" bungad ko kaagad sa kanya paglapit niya pa lamang sa akin at ibinalik ko din kaagad ang tingin sa libro na binabasang hindi matapos tapos.

"Grabe naman bru!" anito at sumimangot habang nakanguso. "Wala man lang, I miss you bru and I love you d'yan?"

Gusto ko sanang matawa sa itsura niya dahil hingal na hingal ito habang nakayuko at nakatuon ang dalawang palad sa tuhod pero ang arte pa rin ng posture. Ang cute cute niya talaga pero naalala ko ang tinawag niya sa'kin kani-kanina lamang.

"Zery lang Miche hindi mo kailangan buohin ang pangalan ko, Masakit sa tainga."

"Napakasungit mo talaga kahit kailan, kaya hindi ka nagkaka jowa e."

"Aba't!"

Tumayo ako at hahampasin sana ito kaso nakailag ang bruha. Tawa lang ang naging reaction nito.

"No more buts bru."

"Ano ngang kailangan mo?" masungit na tanong ko sa kanya sabay balik sa upuan ko.

"Ito na nga!" anito na biglang bumalik ang sigla sa boses.

Walang interest na binalingan ko ito at hinintay ang nakakaboring na sasabihin niya. Inihilig ko ang ulo ko sa palad ko, nakatukod naman ang siko sa lamesa. Parang alam ko na kasi ang sasabihin ng bruha na 'to.

"May ipapakilala ako sa'yo bru. Ang gwapo girl at ang yummy." anito na parang nagde daydream pa.

I knew it!

"O, bakit sa'kin mo ipapakilala bakit hindi na lang ikaw ang makipagkilala ng lubos sa lalakeng sinasabi mo? Tutal parang laway na laway ka naman du'n."

"Ang bastos talaga ng bunganga mo bru. Laway na laway talaga?"

"Bakit hindi ba?" sabi ko na tinaasan pa ito ng kilay.

"Medyo leng nemen." maarte at nag alien language na naman ang bruha. Ang lande talaga.

"So, bakit nga?"

ZEKI CLEMENTEWhere stories live. Discover now