CHAPTER 8☕️

2 1 0
                                    

( Zery )

"Ganito kasi ang gawin mo."

Sinundan ko ng tingin ang kamay nito, ngunit nanlake ang aking mga mata ng hawakan nito mismo ang kamay ko habang hawak ko ang lapis at ginabayan ako nitong magsulat sa bond paper. Sa bilis ng pangyayare hindi ako nakasagot sa kanya.

Marahan akong napalunok habang ang mga mata'y nakatingin pa rin sa mga kamay namin na magkahawak. Dama ko ang init ng palad nito mula sa aking balat sa likod ng aking kamay. Dumoble yata ang pagtambol ng aking dibdib. Normal ba na para ko ng nararamdaman sa aking lalamunan ang pagpintig ng puso ko? Parang may bikig doon. Sa sobrang lakas pakiramdam ko lalabas iyon sa aking dibdib. Iyon pa nga lang na magkatabi kami lakas na ng kaba sa dibdib ko, ito pa kayang hawak nito ang kamay ko.

Pisti! Napakahigad talaga ng Zeki na 'to. Hindi ko mapigilan na palihim itong titigan habang seryosong itinuturo sa akin ang tamang stroke ng lettering.

"Nakuha mo ba?", tanong nito saka lumingon sa akin.

Mabilis kong inilihis rito ang aking mga mata at tinunghayan ang bond paper na sinulatan namin, 'namin' ngunit iyong tanong naman nito hindi ko magawang sagutin.

Binitawan nito ang aking kamay. Sayang! Humarap ito sa akin na nakakunot na ang noo.

"Hindi ka nakikinig?", nagsusungit na tanong nito.

Guilty ako kasi hindi talaga ako nakikinig, kasi e...

"Kung sino sino kasi iniisip mo. Mag focus ka nga!", pagalit nitong turan saka ako tinalikuran.

Luh! Bintangero. Hindi ako makapag focus dahil ang landi mong higad ka. Gusto ko sana sabihin.

Napatingin ako sa bond paper, paano na 'to? Hindi ko alam saan uumpisahan. Galit na 'tong higad, baka masapak na ako kapag nagtanong ako at magpaturo ulit.

Napalingon kami pareho sa cellphone ko nang bigla itong tumunog doon sa kama kung saan ito nakapatong, may tumatawag. Dinampot ko iyon at tiningnan kung sino.

"Sino ba yan?", masungit na tanong ni Zeki habang nakahilig ang ulo sa palad na nakatukod sa study table ko.

Nilingon ko ito dahil nagsusungit pa rin. May dalaw ba 'to ngayon? Napa-rolled eyes tuloy ako. Nakakapanibago dahil bihira ito magsungit o magalit. Baka naman kulang sa tulog.

"Si Erick tumatawag."

"Huwag mong sagutin dahil busy tayo."

Ngunit bago pa nito sabihin iyon nasagot ko na ang tawag. Nilagay ko na iyon sa aking kanang tainga.

"Sinagot mo?", kunot na tanong nito.

Ngumiti ako ng alanganin dito at sumenyas na wait lang. Inirapan lang ako ng higad na nagsusungit.

"Hello? Bakit Erick?"

Gulat akong napalingon muli kay Zeki ng nasagi ba nito o ewan iyong mga gamit nito sa pagpe-paint, bumagsak iyon sa sahig. Nakagawa iyon ng malakas na ingay kaya hindi ko rin narinig ang sinabi ni Erick. Nakita ko na dumudugo ang kamay ng binata. Nataranta ako kaya naman naialis ko rin sa tainga ang cellphone.

"Anong nangyare?", patakbo akong lumapit sa kinaroroonan ni Zeki saka lumuhod sa tabi nito. Ibinalik ko sa tainga ang cellphone at nagpaalam sa kabilang linya. "Sandali lang Erick ha, sorry, tawagan na lang kita ulit mamaya.", hindi ko na hinintay ang sagot ni Erick at pinatay ko na ang tawag. Natatarantang hinawakan ko ang kamay ni Zeki na may dugo saka sinuri iyon. Nasa gilid ng kamay nito ang sugat

"Wala lang yan, malayo sa bituka.", baliwalang sagot nito at binawi ang kamay mula sa akin. Himala dahil kanina lamang nagsusungit ito ngunit ngayon may sugat na't lahat chilled lang ito na para bang hindi nasasaktan. Inumpisanahan na nitong ligpitin ang mga gamit.

Tumayo ako sa pagkakaluhod sa tabi nito saka patakbong kinuha ang mga pang first aid ko sa kabinet. Kinuha kong muli ang kamay nito nang makalapit akong muli rito. "Anong wala lang yan? Dumudugo o!", seryoso at nag-aalalang turan ko saka nilinis muna ang mga dugo sa gilid ng sugat nito. Medyo malaki rin ang sugat kaya naman malakas ang pagtagas ng dugo. Napapangiwi ako kapag idinadampi ko ang bulak sa gilid ng sugat nito dahil parang ako ang nasasaktan para rito.

Napatunghay ako sa mukha ng binata ng marinig ko ang mahihinang tawa nito. Kumunot ang noo ko. Hindi ba ito nasasaktan?

"Bakit ka tumatawa?"

"Wala lang, ang cute mo kasi."

Natameme ako at hindi nakasagot sa banat ng higad na 'to. Halos mawala ang mga mata nito dahil sa kakangiti.

"Para kang natatae.", dagdag nito saka tawa ng tawa.

Napasimangot ako sa sinabi nito. Sa gigil ko hindi ko naalala na may sugat ito, nadiinan ko iyon kaya naman todo aray ito. Nakonsensiya naman ako kaya nawala agad ang pagka-badtrip ko sa kanya. Todo sorry naman ako.

"Napakabigat talaga ng kamay mo Zerena ka.", anito na super ngiwi.

"Akala ko ba hindi masakit bakit maiyak iyak ka d'yan?", pagsusungit ko kunwari pero naaawa naman ako.

"Pisilin mo ba naman may kasama pang gigil, hindi yan sasakit?", sagot nito.

Iningusan ko lamang siya at tinuloy na ang paglilinis ng sugat nito. Binalutan ko na ng gasa after linisin. Napansin ko lang napakalambot ng kamay nito, dinaig pa kamay ko. Mas mukha pang kamay ng babae ang kamay nito kaysa sa kamay ko, nakakaloka! Sabagay mayaman naman kasi ang pamilya nito, kaya 'di na nakapagtataka. Baka kahit paglalaba ng sariling brief hindi pa nito nararanasan.

"Ano ba kasing ginagawa mo? Bakit nalaglag yan?", tanong ko sa kanya ng matapos ko ng linisin ang sugat nito.

"Nabadtrip ako!", maiksi nitong sagot. Saka tumitig sa akin.

Hahampasin ko sana ito kaso nadistract ako sa mga seryosong titig nito. Unti-unting nawala ang ngiti ko,  kinakabahan ako kapag ganitong seryoso si Zeki, hindi ako sanay.

"Ba-bakit ka naman mababadtrip?", tanong kong muli.

Talaga Zery? Nagtanong ka pa talaga?

Matagal kaming nagtititigan lamang. Sinusulit ko na kahit na para na akong matutunaw sa mga titig nito. Minsan lang kasi ako sapian ng lakas ng loob dahil palagi akong nahihiya. Nagulat na lang ako ng bigla nitong pisilin ang ilong ko.

"Wala!", anito saka ako tinalikuran, umayos ng upo at nagsimula muling magdrawing.

Ano ganu'n ganu'n na lang yun? Panagutan mo ako higad ka, napakalande talaga. At ako? Ito tulaley, para kasing tanga itong higad na 'to, paasa na pafall pa, pwedeng pasapak. Pisti!

Inirapan ko ito kahit na nakatalikod na ito sa akin.

Tahimik akong naglakad kung nasaan ang cellphone ko. Binuksan ang camera at ilang beses itong kinuhaan ng litrato ng palihim. Matagal ko na iyong ginagawa, kapag hindi ito nakatingin. Buong isang album na nga lahat iyon. Iyong iba nasa kahon ko pa. Iyon ang mga nakakalat sa study table ko kahapon na buti na lang talaga sinapian ako ng kasipagan at niligpit ko iyon dahil kung hindi buking talaga ako sa undying love ko para sa binata. May isang picture ang binata sa akin na pina-frame ko pa. Super genuine ng smile niya doon tapos feeling ko nakikipagtitigan ito doon sa akin, nakaharap kasi ito at talagang nakatingin sa camera habang kinukuhaan ng litrato. Sa picture kasi na iyon sa wakas tumingin din siya sa akin, sa akin lang at hindi sa iba.

ZEKI CLEMENTEWhere stories live. Discover now