CHAPTER 4☕

4 2 0
                                    

( Zery )

"Hoy bruha! Natagpuan din kita."

Nagulat si Miche ng dambahin ko siya habang busy itong nakikipag-usap sa mga kaibigan nito.

"U-uy bru anditey ka pala." anito na halatang hindi pa handang makita ako.

"Nasasaktan na ako sa pag-iwas mo ha. Masyado kang halata."

"Hindi naman bru. Pasensya ka na, busy lang sa.....mga projects." sabi nito na iniwas ang mga mata sa'kin.

"Projects or si Rex---."

Hindi ko na naituloy ang sasabihin pa dahil tinakpan na nito ang bibig ko.

"Alis muna ako guyz. Later na lang ha." paalam nito.

Masama ang tingin sa'kin ng bruha habang hinihila ako palayo sa mga classmates at friends nito. Gusto kong matawa sa reaction n'ya. Ang epic, sobra. Mauutot pa yata ako kakapigil nang tawa dahil ang bruha nakatakip pa rin ang kamay sa bibig ko.

Kapag in love nga naman, nakakabaliw. Parang ako lang kay Zeki, nababaliw na dahil hindi ko siya maalis sa puso't isip ko kahit alam ko naman na hindi n'ya ako magugustuhan. Yayks, ang lalim. Ganito ba talaga kapag naiinlove? Ang corny parang mais.

"Bruha bibig mo. Napaka mo talaga. Kung hindi lang kita best friend hinagis na kita sa bermuda grass matagal na." irap nito sabay salampak sa unang bench na nakita nito dito sa loob ng garden.

"Inaano ba kita?" pagmamaang-maangan ko.

"Inosente? Hilahin ko pilik-mata mo e. Kainis ka."

Natawa na talaga ako sa inaasta ng bruha. Masyadong apektado.

"Bru si Erick o."

"Huh? Nasa'n?" anito na tumayo pa at lumingon lingon.

"Wow! Excited much bru?" sabi ko na tawa ng tawa.

"Kainis naman 'to! Zery naman e." maktol nito at bumalik sa pagkakaupo na parang maiiyak na, sabay kuha ng isang sitsirya na piattos sa bag nito at masama ang loob na nilantakan iyon.

"Hindi na. Joke lang. Ikaw kasi ilang araw mo akong pinagtataguan. Ang dami mo nang utang na kwento sa'kin."

"E kasi naman."

"Kasi ano?" tanong ko at inagaw ang piattos sa kamay nito.

Huminga ito ng malalim at nakayukong pinaglalaruan ng mga paa ang kawawang mga damo.

"Hindi n'ya ako gusto bru, may iba daw siyang nagugustuhan." ngawa nito na hindi na napigilan at umiyak na talaga. Para itong bata na hindi naibigay ang gusto.

"Teka! Umamin ka sa kanya?" gulat na tanong ko sa kanya. Hindi ko mapigilan sumigaw.

Buti walang ibang tao dito kun'di kaming dalawa lang ng bruha na ang lakas ng loob dahil mukhang nag confessed ng 'undying' love nito sa binata.

Tama ang hula ko dahil tumango ang best friend niyang napaka-tapang.

"Iba ka! Idol na kita Miche. Ako nga hindi ko magawang magpa-cute sa higad na---."

Natigilan ako at dahan-dahang tumingin kay Miche na natigilan din at huminto na sa kakangawa. Nakatingin ito sa'kin na para bang papatayin n'ya ako kapag hindi ko tinuloy ang sinasabi ko.

"So, ano 'to Zery? Ano ang hindi mo nagawa sa higad na tinutukoy mo? SINO...ANG...HIGAD...NA...SINASABI...MO?" nanlalaki ang mga mata nito habang binibitawan ang mga salitang para bang ang bibigat dahil puro laktaw laktaw.

Ngumiti lang ako ng alanganin. Bakit ba nagpadala ako sa emosyon ko? Bibig mo talaga Zery.

"'Wag mo akong mangiti-ngitian d'yan Zery, sino ang higad na sinasabi mo? Bakit wala akong alam na nagdadalaga ka na pala at tumitibok pala ang puso mo?" anito na inagaw pabalik ang piattos sabay kain. "May puso ka pala?", anito sa pagitan ng pag nguya.

ZEKI CLEMENTEWhere stories live. Discover now