CHAPTER 12☕️

2 1 0
                                    

( Zery )

Actually okay naman pala kausap at kasama itong si Andrew. Naririto kami ngayon sa bagong bukas na café na pinapasukan nitong part-time job na malapit lang din sa campus, itong 'UnCafé'. Kung saan una kaming nag-usap kahapon at binigyan ako ng kape na may latte art. Wala pala itong pasok ngayon sa naturang café dahil day off nito.

Engineering din pala ito tulad ni Zeki, magkaiba lang sila ng major.

'Di ko kaagad nakita na may tattoo pala ito. Maliit lang naman iyon ngunit naintriga ako. Gusto ko sanang itanong kung anong meaning niyon ngunit nahihiya naman ako. Baka sabihin sinilip ko talaga at ang manyak ko o baka isipin din nito ang chismosa ko naman para mang-usisa.

Nasa bandang tagiliran kasi nito iyong tattoo, sa kanan sa baba malapit na sa beywang nito. Hindi ko naman sinasadyang makita, lumihis kasi ang t-shirt nito kanina no'ng pinulot nito ang ballpen na nahulog sa lapag kaya aksidente kong nakita ang tattoo nito.

Ba't nagpapaliwanag?

Hindi ako fan ng tattoo ngunit no'ng makita ko ang tattoo nito nagandahan ako, ang angas din kasi.

Lavender ang kulay ng tattoo nito at lavender flower din mismo, hugis pa-half moon tapos may dalawang star na maliit sa tapat.

Namamangha ako sa husay nitong gumuhit. Napakagaan din ng mga kamay nito. Habang tinitingnan ko nga itong gumuhit parang ang dali-dali lang gawin pero no'ng sinubukan ko na hirap na hirap na ako. Tinuturuan din ako nito kung ano at paano ang ilang basic technics sa pagdo-drawing. Basic nga ba? Para kasing ang hirap pa rin.

Puro lang kami tawa ng tawa. Binibiro pa nga kami ng mga katarabaho nito roon na, ako daw ba ang nililigawan ng binata? Nakakahiya naman dahil hindi iyon itinatanggi ng binata. Sasabihin ko sana ang totoo na hindi naman, ngunit pinipigilan ako ni Andrew. Hindi rin naman daw maniniwala ang mga ito. Hayaan ko na lang raw.

"Bakit wala kang boyfriend?", out of the blue na tanong nito.

Mula sa papel na sinusulatan ay napaangat ang tingin ko rito. Seryoso itong nakatingin sa akin at hinihintay ang isasagot ko.

Mabilis kong iniwas ang mga mata rito at itinuloy ang pagsusulat. "Dahil wala lang akong jowa. Bawal ba maging single?", turan ko saka ngumiti at panandalian itong sinulyalan tapos binalik ko rin sa sinusulat ang tingin.

"Ayaw mo or may matagal ng nananatili sa puso mo? Kaya kahit may manligaw walang papasa dahil may matagal ka ng nagugustuhan."

Napahinto ako sa pagsusulat saka nanlalake ang mga matang tinunghayan itong muli. Paano niya nalaman?

"Paano ko nalaman?", nahulaan nitong turan sa akin habang may mumunting ngiti sa labi. "Just random thoughts lang, hula lang, pero mukhang tama ako base sa reactions mo.", napapakamot sa batok na turan nito.

Nilapag ko ang lapis na hawak ko saka pinagsalikop ang dalawang kamay sa ibabaw ng lamesa.

"Halata ba?", pabulong na tanong ko na medyo dumukwang upang marinig nito.

Natawa ito ngunit tawa na hindi nang-iinsulto. "Hula lang, nakita ko rin kasi kung paano ka tumingin sa—."

Naputol ang ano pang sasabihin ni Andrew dahil tinakpan ko agad ang bibig nito. Pinanlakihan ko ito ng bibig. Nakaagaw kami ng atensiyon ng ilang mga customers dahil sa taranta ko na napatayo ako at nakagawa ng ingay ang bangko. Humingi ako ng pasensiya at umupo muli. Inalis ko na ang kamay ko sa bibig nito. Nahiya naman ako dahil doon.

Mahina itong tumatawa at iyon ang nakakaasar doon. Lalo akong nahihiya. Panigurado namumula na ang mukha ko, ramdam ko kasi na nag-iinit ang mukha ko.

"Sorry.", hinging paumanhin nito dahil hindi nito mapigilan tumawa. "Don't worry hindi ko naman sasabihin kung sino. What I mean is 'Kanya' kung paano ka tumingin sa 'kanya'.", ulit nito.

Lalo akong nahiya sa sinabi nito. Tamang hinala kasi! Kakakape ko 'to, kabado yarn?

"Ahh!", iyon lang ang nasabi ko saka umayos muli ng upo.

Paano kung si Zeki halata rin nito at hindi lang sinasabi sa akin? Kung si Andrew nga nahalata paano pa ang mismong binata na sinisinta ko? Kinabahan ako sa isipin na 'yon.

Hindi naman na ito tumatawa ngunit nakangiti pa rin ito na ipinagpapatuloy ang pagguhit.

May dumaan na dalawang babae sa tabi ng table namin. Mukhang mga kinikilig ang dalawa habang nakatingin sa binata. Nilibot ko ang paningin sa paligid. Pansin ko lang na parang famous ang binata sa lugar na iyon. Agaw tingin ito at nililingon ng mga kababaihan roon. Actually may itsura ang binata, gwapo ito at malakas ang karisma. Kaya hindi na rin nakapagtataka na halos mabali ang mga leeg ng mga kababaihan kakalingon rito. Dedma lang naman si Andrew, siguro'y sanay na ito sa ganoon. Naalala ko na may nililigawan ito at napagkamalan pa ako kanina.

"Ka-schoolmate ba natin 'yong nililigawan mo?", na-curious na tanong ko.

Mula sa ginuguhit tinunghayan ako nito saka ngumiti.

"Yeah! Actually liligawan ko pa lang. 'Di ako makaporma.", half smile na turan nito.

"Bakit naman? Natotorpe ka?"

"Hindi naman. Palagi lang siyang maraming kasama, 'di ko siya matiyempuhan na mag-isa."

"Ahh, so nahihiya ka sa mga kasama niya?"

"Uy! Andrew naririto ka pala? I thought it's your off today?"

Mula sa likuran rinig kong turan ng isang pamilyar na boses ng babae. Lumingon ako and I was right. Si Jully kasama si Zeki na nasa likuran. Parang may mga libo libong karayum ang tumutusok sa dibdib ko pagkakita ko sa kanilang dalawa na magkasama ulit.

Sila na kaya ulit?

"Uy! Hi Julz.", tumayo si Andrew para makipag beso rito nang makalapit ang dalaga sa table namin.

Magkakilala pala sila.

Tinapunan lang ako panandalian ng seryosong tingin ni Jully matapos nitong makipag beso kay Andrew saka bumaling muli kay Andrew na nakangiti ulit.

Maldita!

Seryoso naman si Zeki na nakatingin sa akin. Yes, sa akin at hindi ko alam pero may iba sa tingin ni Zeki.

Pinag-iisipan na ba ako nitong nakikipag date kay Andrew?

Walang sabi sabing umupo si Jully sa tabi ko.

Intrimitida!

Nasa pang-apatan kasi kaming table dahil kailangan namin ng malawak na lamesa sa pagdo-drawing.

Sumunod naman si Zeki, umupo ito sa tabi ni Andrew sa kabilang upuan katapat ni Jully. Palihim akong tiningnan ni Andrew na para bang may sinasabi ang mga mata saka binalingan si Jully na tinawag ito. Sinulyapan ko si Zeki. Tahimik lang itong hawak ang cellphone at parang gigil na nagta-type roon habang si Jully ay busy at masayang nakikipag-usap kay Andrew.

Tumunog ang cellphone ko, may nagtext. Kinuha ko naman iyon saka tiningnan kung sino iyon.

Higad?

Gulat akong napatingin kay Zeki. Ito kasi ang nagtext sa akin. Higad ang name nito sa contact ko dahil apakalande kasi. Hindi naman ito tumitingin sa akin at patuloy lang itong nagta-type. Tumunog ng tumunog ang cellphone ko dahil maraming text ang dumating. Gulat kong binuksan ang mga message, lahat galing kay Zeki. Anong trip nito? Maging sila Andrew napatingin tuloy sa akin.

"Sorry.", nahihiyang paumanhin ko rito. Saka binasa isa-isa ang messages.

"Bakit kasama mo ang kupal na yan?"

"Ka-date mo?"

"At bakit?"

"Basahin mo ang text ko huwag mo akong titigan."

Ang kapal ng mukha! 'Di ko naman siya tinititigan. Well.....konte.

"Kahapon mo lang yan nakausap kasama mo na?"

"Bakit 'di ka nagsasabi?"

"Crush mo ba yan?"

"'Di ka pa pinapayagan makipag-date. Isusumbong kita sa kuya mo."

Ilan lang yan sa mga text nito.

Nagtatype na ako ng irereply rito ngunit binura ko rin ng makita ang kamay ni Jully na humawak sa kamay ni Zeki. Mula sa cellphone umangat ang mukha ni Zeki mula sa kamay nito saka sa mukha ng dalaga.

ZEKI CLEMENTEWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu