"What's up man?" It's Kuya Luke this time.

Sinamaan ako ng tingin ni Kuya Ryoga atsaka niya ako nilampasan.

"Kausapin mo 'yang kapatid mo." I heard him saying to Kuya Raine bago siya umakyat ng hagdan.

Umupo ako sa sofa at umupo rin sa tapat ko ang dalawa. They are both looking at me as if they are waiting for me to open up.


"What?!" Masungit na tanong ko.

"Nag away ba kayo? It's pretty obvious that you hurt him. Pulang pula ang mga pisngi niya." Kuya Luke said.

"Wala kang pakialam."

"Sinaktan ka ba niya? Masakit ba ang braso mo?" Nag aalalang tanong ni Kuya Raine.

"I'm okay." I said atsaka na ako tumayo.

I don't want to talk to them. Mas lalo lang ako maiinis habang nakikita ko sila. Magsama sama silang magkakaibigan.

"Stay here. Don't go." Kuya Raine said.

"I don't want to be rude, but I don't want to see your faces. Ryoga's face is already a torture to me. Huwag niyo nang dagdagan."

I was about to go when he spoke again.

"Nakausap namin si Red. He knows that you're here."

"W-what?"

I looked back at them. Bakit nila kinausap si Kuya? For what reason?!

"Pupuntahan ka niya rito sa susunod na linggo."

"Bakit sa susunod na linggo pa? Bakit hindi pa ngayon? Itatakas niya ba ako?" Sunod sunod na tanong ko at para akong nabuhayan.

Wait. Does Ryoga know about it?! Kung alam niyang pupuntahan ako rito ni Kuya Red ay baka ilayo niya kami.

"Just meet him next week. Next week pa dahil binibigyang oras niya si Ryoga na makasama ka at ang anak niyo." Kuya Luke said.

"D-does Ryoga know about it?"

"Hindi pa namin sinasabi sakaniya. Bahala na silang magkapatid ang mag usap."

Kuya Raine stood up from the sofa and he looked at me.

"Just wait, Rej. Everything's gonna be okay."

He walked towards me and he suddenly hugged me. My tears automatically flow down on my cheeks at hindi ko alam kung bakit.

"Your family will be okay." He added more.

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at ngumiti. Tumayo na rin si Kuya Luke at mukhang aalis na sila. Ito lang ba ang pinunta nila rito? Para sabihin 'to?

"Mauna na kami. Be strong and take care of yourself. Next week will come and that's few days from now so you have to prepare."


Umalis silang dalawa at naiwan akong nakatulala rito sa sala. Are they finally helping me? Bakit nila kinausap si Kuya Red? Malamang sila rin ang nagsabi sakaniya kung nasaan ako 'di ba? Pero bakit hindi pa ako agad puntahan ni Kuya Red? Bakit pinapatagal niya pa ng isang linggo?

Hindi naman na kailangan ni Ryoga na makasama kami nang matagal. Kung pwede nga lang ay ngayon na sana siya pumunta para makawala na kami rito ni Ivan. Natatakot ako na baka kapag tumagal pa kami rito ay mas lalong mapalapit si Ivan sakaniya. Mas maganda kung ngayon pa lang ay mahiwalay na siya sakaniya para 'dina ako mahirapan na ilayo sila sa isa't isa.

God! What will I do? Siguro mas mabuting ilayo ko nalamang siya nang pa unti unti habang nandirito pa kami. Isang linggo lang naman 'di ba?


His Story To Tell (R-18)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα