Chapter 7:

76 19 42
                                        

Rain's POV:  

"What are you doing here?" nakayukong tanong niya at ramdam na ramdam ko ang lamig sa boses niya. 

Ngayon ko pa lang siya nasundan dito sa bahay nila matapos niyang magpaalam na uuwi na kanina Kahit di pa kami tapos kumain.Kinausap pa kasi ako Ng mga kaibigan niya and they ask me to talk to her for an unknown reason. At yun ang aalamin ko.

"I want to talk to you." 

"Wala tayong dapat pag-usapan kaya umuwi ka na and one more thing is I'm so pagod right now." walang ganang sabi nya at ng akmang papasok na siya sa loob ng bahay nila ng hilahin ko siya at sapilitang ipinasok sa kotse ko.

Pagkaupo ko pa lamang sa driver seat ng kotse ay agad niya akong pinaghahampas sa braso,sa ulo at sa kung saan pang parte ng katawan ko na abot niya.Panay din ang sigaw niya sakin habang patuloy akong hinahampas. Damn it really hurts and I'm sure I'll have bruises after this. 

"Ano bang problema mo huh?at bakit kailangan mo pa akong ipasok dito." galit na sigaw niya. 

"Calm down, I just want us to talk okay."

"Ano bang hindi mo maintindihan sa sinabi ko huh?wala nga tayong dapat pag-usapan diba?bobo ka ba?" sigaw niya ulit "Open this damn door,you moron!" nanggigigil niyang utos sakin which I obviously didn't obliged.

'and ohh The great Geleane Cape is cussing huh' (smirks).'

"No.At kung gusto mong makalabas dito agad,you better shut up and talk to me." 

"Wala tayong dapat pag-usapan, so open that damn door so I can go out of this car and you asshole..."sarkastiko siyang tumitig sakin at  dinuro pa ako " can go to hell." at nang mapagtanto niyang wala talaga akong planong buksan ang pinto ay nagsimula na naman siyang mag-ingay. 

'Urghh,nakakainis na 'tong babaeng to.Ang ingay!"

"Can you please shut up,Geleane!" pigil na pigil kong ipakita sa kanya ang inis ko.

"Kung gusto mong manahimik ako edi palabasin mo na ako rito." 

"Okay..." bored kong sagot na agad naputol ng bigla siyang magsalita.

"Really? then op---"

"--but let's talk first." I cut her off. "So ano bang problema mo sakin?satin?tell me Geleane para alam ko kung bakit ka nagkakaganyan." 

"Wala nga diba!ilang ulit ko bang dapat sabihin na wala,huh?" madiin niyang sabi sa pagalit na paraan. 

"Wala?ih bakit biglang nagbago ang mood mo kanina matapos kung sabihin na hindi tayo pwede?di ka rin pumayag na ihatid kita and why are you so defensive huh?" nakangisi kong tanong  "Cat got your tongue?" dagdag ko pa ng di siya nakasagot agad. 

Hmm,now I know na may problema talaga kami.Halatang nag-iisip na naman Ng palusot tong babaeng 'to.


"K-kasi ayaw k-kong m--makaistorbo sayo." utal niyang sagot at halatang tensiyonado ang boses.

"Bakit ka nagsinungaling na may pupuntahan kayo ng parents mo?I asked tita and she told me na wala naman pala kayong lakad ngayon.Iniiwasan mo ba ako?"pakiramdam ko ako na ang pinakabobong nilalang sa buong mundo sa mga oras na'to dahil halata na nga na iniiwasan ako,tinanong ko pa,tsk.      

"P-pagod a--ko kaya umuwi ako agad.I used my parents name as an excuse para di na kayo magtanong pa.Tama yun nga!" paliwanag niya sakin na parang mas kinukumbinsi pa ang sarili niya na yun nga ang tamang sagot sa tanong ko sa kanya "At bakit naman kita iiwasan?" nakayuko niyang tanong sakin kaya mas lalo akong nainis.

For All The Firsts I've Done With You(Editing Soon)Where stories live. Discover now