Rain:
Napako ang aking tingin sa bagay na nasa kamay ko, akmang bubuksan ko na ito nang mabasa ang mga salitang naka-engrave sa silver na kahon, 'Open this on the first rainfall.' Napipilitang ibinulsa ko na lamang ang box at dali-daling tumayo, I need to talk to her.
Saktong pag-alis ko sa pool ay ang pagdilim ng aking paningin. Akmang sisinghalan ko ang nagtakip ng aking mata nang bigla itong magsalita, "Maglakad ka lang dre, wag masyadong pabebe dahil lalaki ka, di bagay sayo." akmang babatukan ko siya nang muli siyang magsalita, but this time's on his serious tone. "Wag mo na siyang paghintayin pa, kahit sa huling pagkakataon man lang."
Naguguluhan man ay nagpaakay na lang ako kay Paul papunta sa kung saan. Maya-maya lamang ay rinig ko na ang malamyos na alon ng dagat at ang mabining dampi ng ihip ng hangin. Isang malambot na kamay ang dumampi sa aking pisngi patungo sa tali ng telang nakatakip sa aking mga mata.
Kinalas nito ang tali at saktong pagbagsak ng tela sa lupa ay ang pag-angkin niya sa aking mga labi. Nanlalaki pa rin ang aking mga mata hanggang sa humiwalay siya sa akin. "I love you..." akmang magsasalita ako nang pigilan niya ako gamit ang kaniyang mga labi. "but of course, you can't love me back."
Isang ngiti ang sumilay mula sa kaniyang mapupulang mga labi. "Alam mo ba kung kailan ko narealize na hindi mo ako kayang mahalin?" agad akong umiling, hindi ko maintindihan ang mga ginagawa niya simula pa kaninang umaga, scratch that, simula pa pala noong nakaraang gabi nang tawagan ako ng Daddy niya para raw pasayahin ang anak niya kahit isang araw lang. I'm confused. "The day you surprise me in the Academy. Yes, you said that three words to me but I can see the insincerity in your eyes. Alam kong siya pa rin, nasabi ko nga sa sarili ko that time na kaya niya lang ata nasabi ang mga salitang yun dahil ako ang kasama mo, na ako lang yung taong kailangan mo but I was wrong. Kaya mo pala nasabi ang mga salitang yun dahil akala mo niloloko kita, na niloko ka namin. Sinabi ko naman sa'yo diba? sinabi ko naman sa'yo na handa akong maghintay kung kailan mo ako mamahalin. Maybe two months wasn't enough to make you mine dahil hindi ka naman talaga para sa'kin." Kasabay nang mga salitang iyon ay ang pamamasa ng kaniyang mga mata. Akmang aabutin ko ang kaniyang pisngi nang bahagya siyang lumayo sa akin. "I've realized na siguro dumating ka lang sa buhay ko para palayain ako sa mga bagay na kinakatakutan ko. Alam mo ba na ang saya-saya ko noong araw na nabasa tayo ng ulan? It was the first time na naligo ako sa ilalim ng ulan after that day..." nakayukong ikinuwento niya sa akin ang pangyayaring iyon, na siyang lalong nagpaguho sa aking mundo.
"I was fourteen back then nang makita kong nagmamadaling lumabas ng bahay si Daddy dala ang malaking maleta. Matapos niyang ilagay ang gamit niya sa sasakyan ay lumapit siya sa'kin. He kept on saying sorry while tightly hugging me." nagpahid siya ng luha. "I beg him na isama ako sa trip niya but he refused, kaya ang ginawa ko ay hinabol ko ang car niya hanggang sa makarating kami sa highway. Iyak na ako ng iyak nun, but my Dad's car didn't stop hanggang sa pumatak na ang ulan ay hinahabol ko pa rin siya hanggang sa hindi ko namalayan na may paparating na truck, akala ko mamamatay na ako. I juss stood there frozen with my eyes tightly closed. Ngunit ganoon na lang ang gulat ko nang tumulak sa akin kaya't napunta ako sa gilid ng kalasada a-and w-when I o-open my eyes..." narinig ko ang malalaks niyang hagulgul. "I saw my twin brother's body lying on the wet street, soaking with his on blood in the middle of the heavy Rain. Nang lapitan ko siya doon ko nalaman kong saan pupunta si Daddy, he's going to L.A with his bestfriend and their daughter." hindi ako nakapagsalita, nanatiling nakapako sa kaniya ang aking paningin. "They're going there dahil pangarap ng half-sister namin na mag-aral sa ibang bansa, she also wants to be a famous fashion designer..." lumakas ang kabog ng aking puso nang tumitig siya sa'kin. "at finally nakilala ko na siya kahapon."
Muli siyang lumapit sa akin at pinagdikit ang aming mga mukha at tinawid ang natitirang distansya ng aming mga labi. She kissed me, but this time I can feel the love as ger lips moved against mine. She softly carressed my cheeks the moment our lips parted. "Sinasabi ko sa'yo ang lahat nang ito hindi para kaawaan mo ako, I just wanted you to know how thankful I am na dumating ka sa buhay ko. Ikaw ang dahilan kung bakit hindi na ako natatakot na harapin ang bukas at ikaw ang naging daan para tuluyan ko nang palayain ang alaala ng kapatid ko. And of course thank you for making me happy despite the fact that you can't love me back. Thank you for being my first, hindi man ikaw ang tatapos nang lahat sa firsts list ko, ikaw pa rin ang magsisilbing una ko sa lahat." she wipe the tears that's streaming on her porcelain cheeks. "Be happy...stay happy with her. Please make my sister happy, you two deserve each other. Wag niyong hahayaang may katulad ko na naman ang sisira sa inyo. J-just l-love each other. Don't worry about me, I'll be happy without you. Hindi man ngayon pero pangako, sasaya rin ako."
YOU ARE READING
For All The Firsts I've Done With You(Editing Soon)
Teen FictionYou are my first in everything Rain Jackson. And thank you for giving me the best first among my firsts. ---Geleane Cape ****** Falling in love in a very young age is a typical scenario in schools nowadays, and Geleane Cape is not an exception to...
