Geleane:
Buong araw akong hindi pinansin ni Rain matapos kong sagutin ang tanong ni Paul kanina sa music room. Hindi ko rin maintindihan kung namamalikta rin ba ako nang makita ko ang pagguhit ng isang sarkastikong ngisi sa kaniyang mga labi nung marinig niya ang sagot ko sa tanong ng kaibigan niya. Umiling-iling pa siya hababg nakatingin sa akin bago lumabas ng silid na iyon.
At ngayong nandito naman kami sa classroom namin ay wala pa rin siyang imik. Hindi ko rin makausap nang maayos si Sedrick dahil busy siya sa pagkalikot ng cellphone niya. I tried to initiate a conversation with him but he keeps on ignoring me. There are instances na kapag nagsimula na akong magsalita ay bigla siyang pipikit at aastang inaantok, may isang beses din na magtatangka akong magtanong sa kaniya regarding a math problem pero agad siyang yumuko sa notebook niya at nagpakabusy and what's worst is that, yayayain ko na sana siyang magsnacks dahil absent ang last instructor namin nang bigla siyang tumayo at inaya ang mga kaibigan niya na kumain. Kaya imbes na pilitin pa siya ay hinayaan ko na lang. I don't really know what his problem with me, I'm sure naman na wala akong ginawang mali para maging distant siya sa akin in just a snap of a finger.
Is it because I openly said to everyone that I love him? I guess not too, I've been honest to everyone about my feelings towards him. Kaya nalilito na talaga ako kung bakit iniignore niya ako. Arghh!
Kaya nang matapos ang lahat ng klase namin para sa araw na iyon ay pabalibag kong inayos ang mga gamit ko. Pagkatapos ay walang sabi-sabing hinila ko na si Sedrick palayo ng classroom namin. At nakapagtatakang hindi man lang siya nagreklamo kahit na napapahigpit na ang kapit ko sa kaniya, dala na rin siguro ng sobrang inis. Dati-rati kasi ay panay na ang reklamo ng lalaking 'to kapag may nanghihila sa kaniya, nakapagtataka talaga.
Pero imbis na punahin siya ay ipinagpatuloy ko na lang ang paglalakad. Nasa kalagitnaan na kami ng field nang bigla akong matigilan sa paglalakad. Agad akong nakaramdam ng takot nang maramdaman ko ang unti-unting pagkabasa ng aking likuran. At ganoon na lamang ang aking gulat nang sa aking paglingon ay sumalubong sa aking mukha ang rumaragasang tubig mula sa hose na hawak ng kung sino man itong nakatayo ilang dipa mula sa aking kinatatayuan.
My eyes almost pop out when drops of water started to lash out from different directions, making me wet. I am flabbergasted with what I saw, students are standing few meter's away from me while holding a garden hose and that's when I notice that Sedrick is nowhere to be found.
At nang akmang maglalakad na ako paalis sa lugar na iyon ay muli ko na namang naramdaman ang pagtama ng tubig sa aking katawan nang muli nilang itutok sa direksyon ko ang garden hose na hawak nila. Kasabay ng muli kong pagkabasa ay ang unti-unting pagkahawi ng mga estudyanteng hindi ko man lang namalayan na kanina pa pala tahimik na nanood sa amin.
I was unable to move the moment I saw him walking towards my direction, wet and droplets of water were cascading on his handsome face. Our eyes were locked on each other habang patuloy pa rin ang pag-agos ng tubig upang basain pa kami lalo.
Parang naging slowmo sa aking paningin ang paglapit ng lalaking mahal ko. And it feels so romantic. Seryoso siyang nakatitig sa akin habang lumalapit sa kinatatayuan ko, ang tubig na nagmumula sa mga garden hose na hawak ng mga kapwa namin estudyante ay parang totoong tubig ulan na mas lalong nagpaparomantiko sa paligid.
Mas lalong lumakas ang pagkabog ng aking puso nang makalapit siya sa aking harapan. Tumigil na rin ang pag-agos ng tubig at unti-unting nagsialisan ang mga estudyante na kanina'y may hawak ng hose. Agad napako ang aking paningin sa kaniya nang magsimulang bumuka ang kaniyang bibig.
"I'm sorry for ignoring you earlier," nahagip ng aking paningin ang pagdilim ng kaniyang mukha na biglang napalitan ng isang napakatamis na ngiti nang muli siyang tumitig sa akin. "it's part of our plan. I want to give you all the best first that you've been dreaming of."
YOU ARE READING
For All The Firsts I've Done With You(Editing Soon)
Teen FictionYou are my first in everything Rain Jackson. And thank you for giving me the best first among my firsts. ---Geleane Cape ****** Falling in love in a very young age is a typical scenario in schools nowadays, and Geleane Cape is not an exception to...
