Chapter X: The Truth (part 2) -- Jealous?

Start from the beginning
                                    

Nandito lang kame sa sala.. ewan ko. Kinakabahan ako. Nung naramdaman kong may palapit na sa pintuan, inumpisahan na namin ang acting na to. Ang kalokohang pagpapanggap...

*Plak*

Nahulog yung dala ni Nica. Pinilit kong hindi tumingin dahil di ko kakayanin makita siyang nasasaktan.  Baka habulin ko pa siya at yakapin, sabihing hindi iyon totoo. Pero di ko pwedeng gawin yun. Tumakbo agad siya pagkakita niya samin. After nun, umiyak lang ako ng umiyak.. DI ko kaya..

After 1 week, di niya ako pinansin, di siya nagpakita sakin, di niya sinagot mga tawag ko. 

baliw noh? Tinatawagan ko? Psh. Buti na nga lang di niya sinasagot eh. Mas nakakatulong pa sakin na iwasan ko siya. kahit masakit. 

Hanggang sa napagpapsyahan ko ng pumunta muna sa ibang bansa. Para magpahinga.

Magpahinga sa mga sakit na nararamdaman ko. 

Babalikan ko siya. Yan ang pangako ko sa sarili ko. BABALIKAN KO SIYA.

(E N D . . .)

Ngayon, eto, nagbalik na ko. Matagal ko na siyang pinapasundan sa private investigator ng pamilya namin. Hindi ko alam pero may iba akong nararamdaman sa kanya at sa bestfriend niya na si Zhander. Ewan ko. Pero para silang may relasyon. Hindi pwede. Babawiin ko si Nica. akin lang siya. wala ng hihigit pa sa pagmamahal ko sa kanya. 

Napagkasunduan nga pala namin ni Cristine na panindigan yung ginawa namin noon. Dahil ayokong magkaroon siya ng sama ng loob sa tatay niya. Baka magalit siya sa tatay niya kapag nalaman niyang yun ang gumawa o dahilan kung bakit kami nagkawihalay, kung bakit nagawa ko ang gayong mga plano. Kaya di baleng kame na ung magmukhang may sala, wag lang si Mr. Cruz. May respeto pa din ako sa kanya. At ayokong masira ung samahan nila ni Nica. Kaya kong gawin lahat, kaya kong isakripisyo lahat, wag lang magbago ang tingin niya sa tatay nia na alam kong mahal na mahal niya.

B*bo? T*nga? Oo. Ako na yun. Peste lang kase. Ganito ba talaga ang magmahal? 

~~

*Nica's POV*

"Good Morning Class! Now, I'll be grouping you for the preparation for the upcoming Foundation day of our school. So I would like to tell you that you'll be administered by a fourth year student. So let's start grouping you up first."

Blah Blah Blah. Andami pa niyang pinagsasabi -.-" Basta ayun,sana ang mabunot namin is either food booths or any activities basta wag lang marriage booth pati singing booth.. Corny eh. 

(Corny daw? O may naaalala lang?) Pesteng utak to. Pinag-iisip eh. Psh.

( F L A S H B A C K . . .)

Foundation day na. Nasan na kaya si Prince ko. Psh. San san kaya naglusot si Dillan my Prince .. Busy na kasi sila sa project nila sa mga booths eh, Junior na sila -.-" tas ako freshman pa lang. Oh well, nasan na ba talaga un -.-" 

"Good Afternoon schoolmates" alam kong boses niya yun kaya napatingin ako sa stage. "Ahm, I'm Dillan, junior student. And this is for you My princess, i love you." Waaaahhh. Nakatingin lang siya sakin.

~Waaah.. Para sakin yan. Ako lang naman mukang princess dito eh.~

~Di ah. Para sakin kaya yan. Go Bebe Dylan~

~Wohooo. I love you Dylan~

~Ang sweet naman ni kuya~

Peste, iba iba sila ng sinasabi. Basta alam ko, para sakin yan at mahal ko yung kumakanta. 

Should I Sacrifice Our Friendship?Where stories live. Discover now