Nanigas ang panga ko. 

Paano niya naatim sabihin iyon sa sarili niyang anak? Pauuwiin niya ako nang mag-isa? Pauuwin niya ako na anak niya, na anak ng isang alkaldeng tulad niya? Ganoon na lang ba ang muhi niya sa akin na 'di man lang inisip ang kapakanan ko?

Tumitig ako sa kinauupuan ni Papa. Umasa ako na babaling siya sa akin para humingi ng pasensiya sa nasabi. Ngunit wala. Lumabo ng unti-unti ang paningin ko habang nakatitig pa rin sa likuran ng upuan niya.

The words were too much. I cannot believe he said that. I cannot believe he did that. He shamed me infront of someone, infront of our driver. I bit my lip and fought the swelling pain in my chest. The hammering of my heart was mad and full of fury.

I'm really starting to hate you, Papa.

Hindi na ako umimik kahit nang makarating kami sa nasabing presinto. Hindi na rin naman ako kinausap pa ni Papa. Sa kabuuan ng viaje kanina tahimik lamang kaming tatlo. Pagkarating sa lugar, bumuntot ako sa kaniya papasok ng bilangguan.

Nang pumasok si Papa, nagbigay ng pagpupugay ang lahat ng pulis na nasa loob. Walang inaksayang sandali ang tatay ko at ma-awtoridad na tinawag ang pinakamataas na ranggo sa istasyon. Lumapit sa amin ang isang lalaki na umbok ang tiyan sa suot nitong asul na uniporme.

"SPO1 Reyes po, mayor. At your service," sabi nito bago muling sumaludo.

Nasa tabi lamang ako ni Papa kaya narinig ko ang lahat ng kanilang pinag-usapan. Paminsan-minsan, napapansin ko ang pagiging tensyonado ng matabang pulis. Hindi ko alam kung natatakot siya dahil kausap niya ang kagalang-galang na alkalde nitong bayan o dahil sadyang napakaseryoso ng tono ngayon ni Papa.

Iba yata talaga pag tungkol sa ampon niya ang usapan.

Umikot ang mga mata ko nang marinig kalaunan ang puno't dulo kung ba't nandito ngayon si Gino. Una, hubad-baro raw kasing nagmamaneho. Pangalawa, humaharurot raw sa takbo. Pangatlo, wala raw itong maipakitang lisensiya nang masikat ng naka-patrol na pulis. Sa halip na sumunod, pilit raw nitong dinadahilan na tawagan nila si Papa.

Gusto kong mainis na naman dahil sa kalokohan ng binatang iyon. Nang dahil sa kalokohan niya, kailangan pa tuloy magpunta rito ni Papa dis-oras na ng gabi. Idagdag mo pang weekend ngayon. Wala dapat siyang iniintinding bagay-bagay. Hindi man lang inisip ni Gino na ang dami nang intindihin ng tatay ko para sa bayan.. tapos nakisawsaw pa talaga siya.

"Humihingi po kami ng paumanhin kung naabala namin kayo ngayong gabi, mayor. Nakailang banggit po kasi siya sa'yo kanina," sabi ng matabang opisyal.

"Wala kayong dapat ipagpaumanhin sa akin, officer. You're doing your job. Dapat nga ako ang nagpapasalamat dahil sa pinapakita niyong dedikasyon sa tungkulin."

Hindi man lang kinondena ni Papa si Gino. Gosh, ba't ba 'di ako nagulat?

Hindi ako nagpatangay sa inis ng damdamin. Sa halip, hinanap ng mga mata ko ang kinauupuan ng binata. Nakaupo siya sa isa sa mga silyang nakahilera sa tapat ng police desk. Hindi ko alam kung kanina niya pa ako tinitingnan. Basta, nahuli ko na lang ang sariling nakikipagtitigan sa mga mala-uling niyang mata.

Hindi ko talaga alam kung ba't ayaw maniwala sa akin ni Papa.. pero 'di na bale dahil ikaw na rin naman ang gumagawa ng mga ikapapahamak mo.

"Gino." boses ni Papa.

Bumaling si Gino sa kaniya sanhi upang maputol ang titigan namin. Nasa ganoong posisyon si Gino nang mapansin ko ang pagiging prominente ng panga niya tuwing nakatingin sa gilid.

Sumenyas si Papa. "Hali ka, hijo. Gusto ko lang maliwanagan sa mga narinig ko."

Tumayo siya para lapitan si Papa, ako. Tumigil siya sa tapat ng tatay ko at 'di ko maintindihan kung ba't sumulyap pa siya panandalian sa direksyon ko.

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTWhere stories live. Discover now