"Ba't mo sinabihan 'yung katulong na 'wag magluto ng merienda namin, ha? Wala kaming makain ngayong tapos na kaming mag-basketball."

"Bakit sa'yo ba 'yun?" sabi ko sabay irap; tumuon ang paningin ko sa nakapatay naming telebisyon.

Wala si Papa ngayong Sabado. Pumunta siya sa kumpanya ng tiyuhin ko. Kaya siguro may lakas ng loob itong magyabang sa  akin, eh. Naalala ko ngang nagpaalam si Gino sa tatay ko kanina bago ito umalis. Papapuntahin niya raw ang mga kaibigan niya para maglaro sila ng basketball sa bakuran. Siempre, pagkatapos, kakain sila ng merienda.

Hindi umalma si Papa. Siempre! Si Papa.. aangal? Gosh, kulang na nga lang siguro buong bayan na namin tumira rito sa mansyon; kaya, ako na ang nagkusa na pagsabihan ang katulong; na malilintikan siya sa akin pag pinaghandaan niya ng merienda sila Gino.

"Gusto mo bang isumbong kita sa tatay mo, brat?"

Pumalatak siya ng ilang ulit. Bumaling ako sa kaniya upang masulyapan siyang umiiling. Humalukipkip si Gino sanhi para umigting lalo ang matikas niyang dibdib.

"Paano kaya pag sinabi ko 'yan sa tatay mo mamayang hapunan? Siguro bagong sermon na naman," sabi niya at umismid.

Oh, this jérk. I menacingly looked at him. "Hala, sige. Ubusin mo lahat ng pagkain namin; magpakabusog kayo!"

Sa unang beses, narinig ko siyang tumawa. Sa mga nakalipas na araw, wala kaming ibang ginawang dalawa kundi magpalitan ng masasamang titig at ismid, ngunit ngayon.. iba ang nasaksihan ko.

Hindi ko alam ngunit nabahala ako. "Get lost nga, Gino. Wag mo rin akong kausapin. We're not close!"

Hindi naman siya umalis. Sa halip, mas pinili niya pang makipag-usap sa akin.

"May boyfriend ka na ba?"

Natigilan ako saglit. "Ba't ko naman sasabihin sa'yo?"

"Wala pa," sagot niya;

"Wala pa, sigurado. Wala namang magkakagusto sa mga spoiled brat na tulad mo, e. Sakit kayo sa ulo."

The nerve!

"Excuse me, huh? For your information, may mga sumusuyo sa akin," sagot ko sa kaniya, at totoo naman, dahil isa sa mga dahilan kaya marami akong kaaway dahil sikat ako sa escuelahan; dahil ang mga crush ng mga nang-aaway sa akin, madalas sa akin nagpapapansin at 'di sa kanila.

Hindi nga lang yata naniwala si Gino. Umigting ang magkabilang panga niya. Hala?

"Sinong magkakagusto sa spoiled brat na tulad mo?"

"Wag mo nang alamin.. kasi unang-una it's not going to be you," irap ko na naman.

Walang hiya ito pakialamanan ba love life ko? Humanda siya, pag naging kami ni Renzo, sa kaniya ko siya unang pakikilala!

Tumahimik si Gino. Tumitig ako sa mga mata niya. Panandalian, nakita ko ang pagkinang ng mga ito ngunit kaagad ring nawala.

"Wag mong babaguhin ugali mo para walang magkagusto sa'yo," sabi niya sa akin bago dumiretso sa kusina.

Hindi ko alam kung nagiging sarkastik ba siya o concern sa akin, ngunit dahil ayoko sa kaniya kaya mas pinili ko ang una. Muli, sumubsob ako sa unan at impit na tumili. Hindi na nga lang dahil kay Renzo kundi dahil na kay Gino.

I so hate him!

Ava and I went shopping in a nearby mall, late afternoon. Wala naman akong magawa sa bahay. Nabuburyo lang ako sa presensiya ng binatang kasama ko kaya napagdesisyunan kong ayain na lamang ang kaibigan na mamili.

Pumasok kami sa iba't ibang boutiques. Namili ng samu't sariling accessories at iba pang matitipuhan namin tulad ng mga sapatos, make-ups, at skincares na paniguradong itatambak lang din naman namin katagalan. Pagkatapos, pumunta naman kami sa isang foreign barbeque house para magpahinga at kumain na rin.

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTWhere stories live. Discover now