Mayor Jon Fuego.

"Never." I repeated with a bitter smile on my lips.

Papa would always ask my day every dinner. I find school so boring to talk about since it's almost identical every single day. We attend classes, we listen, we go home. But, since it's our only decent time to have a father-child moment together, excitement always gets the best of me.

Hindi nga lang sa hapunang ito nang makauwi ako galing escuela—dahil tanda pa rin ni Papa ang ginawa kong pag-alis kanina.

"Huling beses mo nang gagawin sa akin ang ginawa mo kaninang agahan, Rhiannon. You walking out during breakfast is very much direspectful. Hindi ka namin pinalaki ng nanay mo maging bastos. Do I make myself clear?"

"Yes, Papa." sagot ko bago itiim ang labi.

Papa stared at me with his charcoal-black eyes full of disappointment. I felt my heart gripped. Bumuga siya ng hangin at umiling. Pagkatapos, bumaling naman siya sa isa.

"Ikaw, Gino. Kumusta naman ang araw mo?"

Namulupot yata ang ugat ko sa puso. Tumingin ako kay Papa, na ngayo'y nakamasid sa kaniyang ampon; at nakita ko kung paano niya tingnan si Gino na salungat ng tingin niya sa akin kanina. Walang tsasko, walang sama ng loob.

Bakit siya ang kinumusta ni Papa?

"Naglaro ako sa may basketball court malapit dito," sabi ni kalbo habang ngumunguya ng hapunan.

Napangiwi ako. Hindi ba tinuro ng magulang niyang pangit ang magsalita habang kumakain?

Suerte niya dahil hindi ito inintindi ni Papa. "Nakarating sa aking may mga kaibigan ka na raw?"

"Oo, 'yung mga nakalaro ko. Papapuntahin ko nga sana rito sa inyo kaso nahiya sila sa'yo, manong."

Narinig ko na naman ang tawag niya. Siguro kung 'di pa nagdala ng panibagong pitsel ng orange juice ang katulong namin patuloy pa rin akong nakatingin ng masama sa kaniya. Hindi talaga mapagsabihan!

"Mabuti naman at nagkaroon ka agad ng mga bagong kaibigan. Papuntahin mo sila sa susunod, Gino. Your friends are always welcome in this house," Papa said, running greatly in his veins was his 'maka-masa' genes.

No! I screamed in my head. Of course, I wouldn't dare share my thoughts with them. Tahimik lamang akong uminom ng juice habang nag-uusap silang dalawa.

"Sige, tapos papakainin ko rin sila pag pinapunta ko sila rito," mungkahi naman ni kalbo.

Napatigil ako sa pag-inom. The nerve! 

"Oo naman, Gino. Walang problema," sagot ni Papa na may tonong tila hindi talaga problema sa kaniya ang magpapasok ng kung sinu-sino sa mansyon.

The familiar feeling of anger last breakfast resurfaced in me, building up, slowly. Gumapang na parang ahas; kumalat na parang lason. The hate intensified after Gino glanced towards my direction. At parang nanghahamon pa nang mapansin ako, umarko na naman ang isang sulok ng labi niya.

Bumaling siya sa ama ko. "Salamat ha.. manong."

Just like that, with only his insulting smirk to fuel my anger, I bursted like earlier during breakfast.

"It's mayor nga not manong!"

"Rhiannon," suway ni Papa.

Wala na sa isip ko kung ano ang maaari sa aking sabihin ni Papa. I really hate this jérk. Tumingin ako ng matalim sa ampon niya at sa sobrang inis ni 'di ako kumukurap. I can't accept the fact my father called me disrepectful; tapos ang kasama nami'y walang habas siyang 'di ginagalang!

"Pakialam mo kung ayoko siyang tawaging ganu'n, ha?"

"Hindi ko hihininghi ang opinyon mo. You should address my father according to his position. Wala ka bang manners?"

"Wala kang magagawa kung ayoko, spoiled brat." sagot niya.

I laughed mockingly. "Oh, no, rebel. Wag mo kong subukan. I dare you try."

Ngumisi siya at pumalibot ang panganib at pagbanta sa mga maiitim niyang mata. Panigurado, kung ibang tao lang ang pamalasan niya ng tingin ngayon, kanina pa ngangatog ang tuhod sa takot.

Sorry pero malas niya—dahil 'di ako natatakot sa kaniya. I am Rhiannon Engres Fuego. Our family reigns this town. Siya ang dapat na matakot sa akin!

"Rhiannon. Stop." timping tawag-atensyon ni Papa.

Bumaling naman ako sa kaniya. "Pa, we need to correct him. Hindi tama ang asal niya. Hahayaan mo na lang bang ganiyan ang trato niya sa'yo?"

"Wala akong nakikitang problema sa kaniya, anak. Naiintindihan ko kung ba't siya ganiyan. Gino is just being himself."

Oh, Papa. "You're going to let him call you improperly? Papa, you are the mayor!"

"Of course! If that is making comfortable, then so be it." Si Papa at ang pambihira niyang debosyon sa mga nasasakupan niya.. nakakasakit na ng ulo minsan!

"Hindi squatter's area ang bahay natin. Walang masama sa pagiging sarili pero kailangang inaayon sa lugar," sabi ko.

"Kaya nga, Rhiannon; kaya nga mas kailangan natin siyang intindihin. We need to adjust."

I laughed in disbelief. Gosh, I can't believe what I am hearing from him! "At tayo pa talaga ang kailangang mag-adjust para sa kaniya? Oh, gosh. Unfair naman!"

Papa's forehead creased. "Don't get me started on that, Rhiannon Engres. You call that unfair? Ikaw nga, kahit ayokong maging ganiyan ka, ipinilit mo pa rin ang gusto mo. Alam mo kung ano ang nais ko para sa'yo. Ba't may narinig ka ba sa akin kahit ipinalalandakan mo iyang.. iyang kaartehan mo? Wala, 'di ba? Hindi ko na lang pinilit kasi hiniling sa akin iyon ng nanay mo bago niya tayo iwan!"

Dumagundong ang boses ni Papa sa kabuuan nitong silid-kainan na parang isang malakas na kidlat. Nagulat sa narinig.. nahuli ko na lamang ang sariling natahimik.

Sa mga nakalipas na taon, sa mga nagdaang panahon, gusto kong magkausap at magkaayos kami ni Papa. Wala na si Mama. Dalawa na lang kaming natitira sa pamilya. Hindi pa ba ito rason para 'di kami magkabati?

I want to understand him.. as much as I want him to understand me. Hindi ako lalaki, Papa. I may be a boy physically but my heart goes rebellious about it. Hindi ako lalaki..

Nakaramdam ako ng panlalamig; para bang binuhusan ako ng malamig na tubig sa likod. I guess, I was right. Hindi talaga ako tanggap ni Papa, na 'di niya talaga kayang sikmurahin ang anak niyang ganito. And that was the very reason he opted to adopt someone like Gino.

Tumitig ako sa sariling hapunan. Paunti-unti, lumalabo ang aking mga mata. Bakit ang sakit?

"Wala kang karapatang ipagdamot sa ibang tao ang bagay na ipinagkait mo rin. Remember that well, Rhiannon."

Hindi na kami nagpansinan mag-ama sa kahabaan ng hapunan. Si Gino at si Gino na lamang ang tanging kinakausap ni Papa. Napakakaswal nilang pakinggan na para bang walang alitan kanina ang naganap.

"Alam mo bang may court dito sa bahay?" sabi ni Papa.

"Talaga?" sagot naman ni Gino.

"Oo, Gino. Sa bakuran. Minsan, ayain mo mga kaibigan mong maglaro roon para di na kayo lumayo."

Hindi ko pa nararanasan ang ganitong pakiramdam. Napaka-foreign. Nagagalit ako, na nalulungkot, na naiiyak. Wala akong magawa kundi ang magpanggap—magpanggap na kumakain ng tahimik, magpanggap na kumakain ng walang naririnig.

"Sino ang gumagamit nu'n?" tanong ng rebelde.

"Wala, ikaw," rinig kong sagot ni Papa;

"Pinasadya ko pa iyon.. pinagawa ko talaga para sa lalaki kong anak."

I bit my lip and this time, I didn't dare deny the moment my heart ached.

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang