"Eh mahuli tayo ni HM? Patay tayo, may pinagawa pa naman siya satin" ismid sabi ni Scarllet.

"Gagawin naman natin yun, eh ano gusto mo? Di nalang bigyan ng pagkakataon ang ating mga sariling mag-enjoy?" taray sabi ni Alexis. May punto din naman siya pero sigurado akong labag iyun sa kalooban ni HM. Maaring pagmahuli kami ay makatanggap kami ng parusa.

"Oo nga noh, Blaire sama tayo" agad akong nilingon ni Scarllet at tinanong iyun. Napataas naman ang kilay ko, kanina lang parang labag iyun sa kanya pero ngayon tuwang-tuwa. Ang rupok nga naman.

Bumuntong hininga nalang ako bago tumango. Wala naman akong magagawa dito kung magpaiwan, mas gustuhin ko pang maparusahan kasama nila kaysa sila lang ang mapaparusahan. Piniling ko ang aking ulo dahil naging negatibo na naman ang pag-iisip ko.

"Kyaaaahhh! Inom na dis" tuwang-tuwa sabi ni Aubrey.

"Wuyy yung mga cake!" sigaw ni Scarllet, para namang natigilan silang lahat at sabay nanglaki ang kanilang mga mata. Nakita kong agad naglaho si Four sa kinatayuan niya at alam kung papunta iyun sa lugar kung saan sila nagluluto.

"Wuyyy mga gago!" untog muli ni Scarllet sa natitira.

"Waaahhhhh!" tili ng mga babae at agad itong kumaripas sa pagtakbo papasok sa silid-kainan, sumunod nadin ang ibang lalaki. Napailing-iling nalang ako dahil sa katangahan nila.

Binalingan ko ng tingin si Scarllet at gayun din ang kanyang ginawa, nagkatinginan kami at sabay umiling-iling. Naglakad kami papasok sa silid kainan para makisali nadin.

Nadatnan naming abala sila sa niluluto nila at amoy na amoy ko din ang malalansang itlog, pati na din ang matatamis na halimuyak. Makalat nadin ang bawat sulok.

Umupo ako ng silya at pinagmasdan lang sila. Si Scarllet naman ay tumulong na din. Napadako ang tingin ko kay Four, abala ito sa niluluto niya at napalunok nalang ako dahil lantad na lantad ang maskulado niyang likod. Parang nanunuyo ang lalamunan ko kaya agad kong inabot ang basong may tubig sa lamesa at ininom. Ngunit hindi matagal-tagal ang mga mata ko sa likod niya habang lumakog, bumaba ang tingin ko at dumako sa malalaman niyang pang-upo. Kahit naka jogging pants ito ay bakat na bakat parin, ano pa kaya sa harap nito. Dahil dun ay nabulunan ako ng tubig kaya agad kong inilayo ang baso at umubo habang pinalo-palo ang dibdib. Para akong mawawalan ng hininga at parang tumaas ang ininom ko't napunta sa ilong ko kaya sumakit ito ng husto, naluluha nadin ang mga mata ko.

"Blaire, ayos ka lang?" agad akong nag-angat ng tingin at ngayon ko lang napagtantong nasa harapan ko na silang lahat, bakas sa mga mukha nila ang pag-alala. Nilibot ko ang paningin at napahinto ako kay Four, nasamid muli ako ng sarili kong laway. Umubo ako dahil parang lahat ng ininom ko nasa dibdib ko lang. May naramdaman naman akong humihimas sa likod ko.

"Nako Blaire, ano bang nangyari sayo?" nag-alalang sambit ni Sophie. Ubo lang ako ng ubo at nang medyo umayos na ang pakiramdam ko ay huminga ako ng malalim saka nag-angat ng tingin.

"Ayos kana ba?" problemadong tanong ni Scarllet. Tumango lang ako habang sumisinghot.

"Hays, dahan-dahan lang kasi sa pag-inom Snow" pangaral ni Aubrey sakin. Gusto ko namang sagutin ito dahil ang may kasalanan si Four naman.

Nahihibang kana ba? Ikaw ang may kasalanan dahil tumingin ka, kaya wag kang manisi para naman akong sinampal sa traydor kong pag-iisip.

Maaring ako nga ang may sala pero bakit kasi nakahubad pa.

"Okay na ako kaya bumalik na kayo sa pinang-gagawa niyo" saad ko sa kanila at bumuntong hininga naman ang mga babae saka tumalikod. Lahat sila bumalik sa pinang gagawa nila at ako naman ay nakaupo parin ngunit iniiwasan ko na talagang mapadako ang aking tingin kay Four.

Lumipas ang ilang minuto't natapos ang niluluto nilang mga cake. Inilapag nilang lahat iyun sa lamesa. Kumuha naman ng gatas si Lucy at gatas iyun ng baka. May mga plato naring nakalatag sa hapag.

"Chaadaahhh! Let's eat!" takam sabi ni Scarllet at lahat sila nag-siupuan na ng silya. Kukuha na sana ako ng cake gawa ni Aubrey nang may lumitaw saking harapan, isang buong chocolate cake. Agad akong napabaling sa kaliwa at nakita kong papa-upong prinsepe na si Four. Alam kong siya ang nag-abot nun at ang cake sa harapan ko ay ang gawa niya. May naramdaman naman akong may paru-parong nagliparan sa tiyan ko at ramdam kong uminit narin ang mga pisngi ko.

Napadako ang tingin ko sa ibang kong kasamahan at nasilayan ko naman ang mga panunukso nilang ngiti.

"Yieee kainin muna yan Blaire" ngising-ngisi saad ni Sophie.

"Yieee, sana ako din" kinilig sabi ni Lucy at kasing bilis sa bulalakaw namang gumalaw si Parker para abutan ng cake ito.

"Ito baby, galing sa puso ko" malambing wika ni Parker at kumindat pa ito. Napaismid naman si Lucy at para itong napipilitang kinuha ang inabot ni Parker. Nagtawanan naman ang iba dahil sa kanila.

"Osha! Magsikain na tayo!" sabat naman ni Aubrey at ganun na nga ang ginawa nila. Hinarap ko ang binigay ni Four at kumuha doon ng isang hiwa.

"Ang sarap!" pareho-parehong komento nila habang ngumunguya.

Sumubo ako ng isang beses at para namang nabuhay ang dugo ko dahil sa sarap nito. Hindi siya masyadong matamis ngunit napakasarap, parang may kung ano siyang nilagay ng hindi ko matukoy. Nagpatuloy ako sa pagkain at sila din. Kumain kami  habang ang paligid ay makalat.

@Missloorh

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Where stories live. Discover now