READ FIRST!

24.1K 506 37
                                    

Introduction

Erin Skye Marco, kilala bilang anak ng dalawa sa pinakahinahangaang mga babae sa lugar nila. Ang kagandahan at mga ngiting nakakahumaling na taglay niya’y namana niya mula sa kanyang modelong ina na si Loree Mae Gerez-Marco. Samantalang ang kulay naman ng kanyang buhok, nakakaakit na mga mata, taas, katalinuhan, at talento ay nakuha niya naman mula sa isa pang ina na kilala sa pagiging bihasa nito sa sports, si Rian Marie Marco.

‘Skye’ ang malimit na tawag ng mga taong malalapit sa kanya. Pinalaki siyang bukas ang isipan sa kapwa kasarian ngunit sa kabila nang pagkakaroon ng dalawang babaeng magulang ay ninais pa rin niya ang magkaroon ng simple at tamang relasyon na makapagbibigay sa kanya ng katinuan sa buhay.

Hindi imposible para sa kanya ang makahanap ng lalaking mamahalin ano mang oras niya gustuhin. Dahil bukod sa kilala rin siya sa pagmomodelo katulad ng inang si Loree, ay kilala rin siya sa larong Lawn Tennis. Nakapag-accelerate rin siya ng isang taon dahil sa katalinuhan niya kung kaya sa pagtungtong ng first year college ay naging Dean’s Lister agad siya. Maraming nagkakagusto sa kanya sa paraan ng pakikitungo niya kaya ‘di maikakaila na mas marami siyang kaibigan at supporters kaysa haters. Naturingan siyang Crowd Princess pagtungtong niya sa ikalawang taon niya sa kolehiyo.

Mahal ni Skye ang mga magulang. Nirerespeto niya lahat ng desisyon ng mga ito. Maliban lamang sa isa.

Ipinagkasundo siya ng mga ito sa anak na babae ng kilalang mag-asawang Chef sa lungsod. Arranged marriage kung baga.

Hindi niya kailanman pinangarap ang makapangasawa ng isang babae katulad ng kanyang mga magulang. Ang pangarap niyang makasama sa buhay ay isang lalaking magagawang ipagtanggol siya kaninuman. Isang lalaking kaya siyang bigyan ng kapayapaan ng isip at magandang katayuan sa buhay. Lalaking kaya siyang pasayahin sa araw-araw. Lalaking magagawang ibigin siya sa kabuuan niya hindi lamang dahil sa kayamanan at kagandahan niya. Iyon ang pangarap niya. Lalaki. Hindi babae.

Allison Moon Mezzi, isang half Filipina/Scottish na anak ng Pinay na si Eunice Herdez-Mezzi at nang Scottish Father na si Danu Mezzi. Sa musmos na edad pa lamang ay kilala na siya bilang “Taekkyon-do Ai” o “Taekwondo kid” sa English. Madalas siyang ilabas ng ama sa bansa upang isabak sa mga kompetisyon hanggang sa nakitaan siya ng kakayahan upang iprisinta ang bansa. First year high school pa lang siya nang nakuha niya na ang karangalang 4th Degree Black Belt (Master) Taekwondo title. Maliban diyan ay magaling din siya sa sports. Naging isa siya agad sa mga Varsity Player ng softball girls pagtungtong sa unang taon niya sa kolehiyo. Namana niya ang galing ng inang si Eunice sa paglalaro nito. Naging bihasa rin siya sa swimming at paglalaro ng Table Tennis.

‘Moon’ naman ang tawag sa kanya ng mga taong malalapit sa kanya. And she considers herself as a lipstick lesbian. Meaning, she likes women and all but doesn’t dress like a guy. Nalaman niya lamang sa sarili na ganoon nga siya nang nagkaroon na siya ng pakialam sa mundong ginagalawan. Kapwa tatlong taong gulang lamang sila ni Skye nang ipakilala sila sa isa’t isa ng mga magulang nila. Pagkatapos ng siyam na taong pagkakaibigan nila ay natakhan na siya sa sarili niya nang magsimula siyang makaramdam ng kakaiba para kay Skye. Araw-araw, taon-taon, sa paglaki nila ay mas lalong gumaganda ito. Maganda rin siya, ngunit mas maganda si Skye kung pagpipilian man.

‘Di niya mawari ang nilalaman ng isipan… kung tama bang sabihin sa sarili niyang naiinis siya dahil mas maganda ito sa kanya o mas tamang sabihing nagseselos siya noong mga panahong nagkaroon na ito ng unang crush sa katauhan ng pinsan niyang lalaki noong high school na sila.

Nasagot niya ang katanungan sa isipan noong inimbitahan siya ni Skye sa bahay nila noong 3rd year high school sila upang pagsumbungan ng mga hinanakit sa panloloko rito ng tarantado niyang pinsan. That was Skye’s first heartache. Ang makitang umiiyak ito sa harapan niya ay ang pinakaayaw niya. Ayaw niyang sinasaktan ang mga kaibigan at ang mga taong malalapit sa kaniya.

But from the moment Skye hugged her tight in between her cries… nakalimutan niya ng isang kaibigan lamang ang tingin niya rito.

--

Dedicated to my favorite one, tintininintin888. Thank you always for being so mabait to me! ^_^

CROOK THE STRAIGHT 2 (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें