Chapter 4

13.1K 382 51
                                    

Star's POV

*GOR (Grand Oral Recitation) in our Soc Sc 121A: Life and Works of Dr. Jose Rizal.

"Hello Ms. Herdez. Kumusta?" Abot tengang mga ngiting tanong sa akin ni Mr. Pochi, ang baklang Soc Sc Instructor namin.

Yes! You heard este read it right! He's gay. At... mahal niya ako. Mahal na mahal niya ako to the point na parang ako na lang ang palaging nakikita niya rito!

Hello, sir? 37 po kaming mga students mo rito! Ba't ako na lang parating tinatawag mo? Huhu T_T

"O-okay naman po, sir." Kinakabahan kong sagot sa kanya ngunit di ako nagpahalata.

"Mabuti naman. Madali lang naman ang mga inihandang tanong ko eh. Nasa kabanata isa hanggang tatlo pa lang naman tayo di'ba? At nakapag-review ka naman na kasama ang pinakakinamumuhian kong babae rito di'ba?" Aniya na ang tinutukoy na kinakamuhian nito ay si Skye.

Yes, he hates Skye dahil sa sobrang kagandahang taglay nito. Idagdag pa ang katalinuhan at ang mahinhing mga galaw nito. He hates her nga kasi insecure kamo! Haha, but well, flat 1 pa rin naman ang mga grado ni Skye sa kanya. Siya pa rin ang top student. He hates her sa mga aspect lang na 'yon pero hindi kasama roon ang pagbibigay ng grado niya.

"P-paano niyo po nalamang nag review kaming magkasama ni Skye kahapon?"

"May naka-tag na photo kasi sa facebook mo. Abala kayo sa pag-aaral ni Skye. Stolen ata eh kaya di niyo siguro napansin. At siyempre friends tayo roon kaya nakita ko."

Nasapo ko ang noo ko nang nagkaroon na ako ng hint kung sino ang may gawa 'non. MOON!!!

"Di mo pa siguro nakita, ano? Alam mo ba kung anong caption ang nilagay ng uploader doon?" Dagdag tanong niya pa.

Mabilis na napatingin ako kay Skye. Siya man din ay halatang kinakabahan.

"A-ano po yun, sir?"

"The Masterbating Queen Star is having a review together with the Goddess Skye."

Oh syet! Lagot ka sa akin mamaya Moon!!! Ughhh!

Ayan na, nagsisimula nang magtawanan mga ka blockmates namin! Huhuhu nakakahiya! Naintindihan kaya nila 'yong MASTERBATING na 'yon? Uwaaahhh!! Ang sarap mag suicide!

"When are you going to start asking questions in anent to your own subject, sir?" Biglang tumahimik ang buong silid sa biglang pagtatanong ni Skye. She emphasized IN ANENT TO YOUR OWN SUBJECT.

She's my heroine! She saved me from shame!

"Okay. I'm sorry class." Mr. Pochi apologized. "Okay then, simulan na natin ang Grand Oral Recitation."

OMG! This is it!

Skye's POV

"Let's go for the easy questions. Bawat isa sa inyo ay kailangang sumagot ng tatlong mga katanungan. Kapag nasagot niyo ang 3 questions nang tama, exempted na kayo sa midterm exam sa subject na 'to. Give me 3 correct answers I'll give you flat 1. Two correct answers you'll get 1.5. Give me one correct answer, you'll be graded 2. Give me no effort of answering the questions, I'll give you 3. Nakuha niyo ba?"

"Yes sir!" We all said in chorus.

"Okay, Ms. Marco? Maaari bang pumunta ka rito sa harapan?"

CROOK THE STRAIGHT 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now