Special chapter 2

Start from the beginning
                                    


"Kasal ka na?!"


"Oo, last year lang. Medyo stress nga eh. Hahaha! Pero masaya naman kasi mawawala rin ang stress mo kapag nakikita mo 'yung mag-ama mo. Hay ano ba yan! Simulan na natin?"


"Aw. Okay, let's start planning!"


---


"THAT WAS SO TIRING!!!" Nag-inat ako tapos umupo sa sofa.


"Ano nakakapagod doon, eh nagsalita ko lang naman." Sabi ni Daniel habang tinatanggal ang sandals ko.


"Nakaka-stress kaya isipin 'yung mga babayaran!" Hindi ko naman kasi ini-expect na ganun pala kamahal 'yung mga kailangan sa kasal. (-__-")


Umupo siya sa tabi ko, "Bakit ka nai-stress, eh ako naman ang magbabayad."


Tiningnan ko siya, "Alam ko, pero hindi pa rin mawawala sa'kin ang mag-alala sa mga babayaran mo 'no!"


Inakbayan niya ako, "'Wag ka mag-alala, kahit magkano pa 'yan basta maibigay ko lang sa'yo ang dream wedding mo."


"Yaman mo ha."


"Alam ko." Daniel.


"Siguro naging sinakato ka sa Canada 'no?!"


Pinitik niya yung noo ko, "Kung ano ano iniisip mo."


Hinimas ko naman 'yung noo ko, "Nakakaasar ka! Kapag namula 'to sasakalin kita!"


Kinurot niya naman 'yung magkabilang pisngi ko, "Ang brutal talaga."


"Mashakit!"


"Ano? Pakiayos nga ang pagbigkas." Daniel.


Hinampas ko 'yung magkabilang kamay niya para bitawan yung pisngi ko, "Masakit sabi ko!!"


Naging seryoso siya, "May sasabihin ako sa'yo."


"Ano?"


"Ininvite ko kasi si Julia para pumunta sa kasal natin. Okay lang ba sayo?"


"Oo naman! Nasabihan ko na rin naman si Khalil na pumunta silang dalawa sa kasal." Ngumiti ako sa kanya.


Niyakap niya ako, "Meron pa akong ininvite."


"Sino?"


"Si Zharm." Si Zharm? Sino yon...


Lumayo ako sa kanya, "Ayoko!"


"Bakit? Invite lang naman." Daniel.


"Kahit na! Baka mamaya bigla siyang manggulo do--"


Hinalikan niya ako sa labi, "Kasal na siya kaya wala siyang magagawa."


"Ga-ganun ba? Hahahaha!"


"Selosa." Daniel.


"Hindi 'no! Nag-aalala lang ako!" Bumulong ako sa sarili ko, "Baka kasi mamaya maging MU nanaman kayo tapos hihiwalayan ka niya agad."


"Tagal na no'n Kathryn. Bata pa tayo noon, wala pa akong alam sa mga ganun kaya pumayag ako maging MU niya dahil pinagseselos nga yung ex niya. Sinabi ko na sayo 'to ah?" Daniel.


"Sabi ko nga matagal na yon."


---


Nakahiga ako ngayon sa kama ko at nag-iisip. Ano kaya feeling kapag kasal na kami ni Daniel? 'Di ba kailangan mag-ano kami para manganak? Kaya ko ba yon? Sabi nila masakit daw yon eh. Ano ba tong iniisip ko! Okay lang kahit masakit basta si Daniel ang magiging first sa lahat ayos lang. Ayos nga ba? Waaahhh! Kinuha ko ang unan ko at tinakip sa mukha ko at tinanggal din agad dahil hindi ako makahinga. Aaminin ko na nga! Natatakot kasi ako, pero hindi naman 'daw' nakakamatay yon eh. Paano pa kaya ang manganak? Oh my gee lang 'di ba? Ang duwag ko talaga bakit pa ako um-oo kay Dj kung hindi ako ready? Nai-stress ako! Kung tawagan ko kaya sila Julia na dito matulog ngayon sa bahay? Tama papupuntahin ko na lang sila. Ang aga namang wedding jitters 'to. :((


Tinawagan ko sila pero si Yen, Kiray at Julia lang daw makakapunta dahil nasa bahay daw asawa nila kaya kailang nila ng bonding.


"Bakit mo ba kami pinatawag? At gusto mo pa na dito kami matulog." Kiray.


"Eh kas--"


"Natatakot ka 'no?" Yen.


"'Wag ka matakot, Kath! Ano ka ba! Basta isipin mo lang na mahal mo at may trust ka kay Daniel magiging okay na ang lahat. Saka ang saya kaya ng may asawa! Sa'ting magbabarkada ikaw na lang ang hindi kinakasal kaya excited kami sa kasal niyo ni Daniel." Julia.


"Nakapag-ano na ba kayo?"


"Anong ano?" Kiray.


"Ano ka ba naman Kiray! Ang slow mo." Tumabi sa'kin si Julia, "Bakit Kath doon ka ba 

natatakot?" Nag-aalala na sabi niya.


"Eh kasi naman habang lumalapit ang date nung kasal mas lalo akong kinakabahan."


"Normal lang yan sa lahat ng kinakasal 'no!" Yen.


"Magtiwala ka lang sa magiging asawa mo, magiging okay lahat ng iniisip mo dyan sa utak mo." Kiray.


 ====

3 more chapters to go tapos wedding day na. :)

Crazy Little Thing Called LoveWhere stories live. Discover now