Chapter 34

85 4 0
                                    

~Thorn~

Ako lang ba, yung alam kong gising na ako pero hindi ko pa binubuksan ang mga mata ko. Gaya ngayon, gising na ako pero ayaw ko parin buksan ang mata ko. Baka nasa isang bodega ako ngayon dahil ang lamig. Parang nakatali ako sa isang malambot na upoan. Siguro mayaman yung kumidnap saakin. 

Ang linis naman ng bodega niya may air freshener at aircon, sana all.  

Dahil sa curiosidad minulat ko na lang ang mata ko para malaman kung saan nga ako. Nagkamali siguro sila ng kinidnap dahil hindi ako mayaman. Sana naman kung mang-kidnap kayo mag-background check muna sa taong ki-kidnapin. Wag padalos-dalos baka walang income sa huli. 

Pagka-bukas ko ng mga mata ko medyo nabulag ako sa liwanag. Wow, white walls ang bodega. Teka, bodega ba talaga to? Hindi ko masyadong pinahalata na gising na ako para hindi malaman ng mga taong kumidnap sa akin. May upoan sa harapan ko at may bintana naman sa gilid ng upoan ko. Parang bintana ng eroplano. Naramdaman kong may katabi ako sa kaliwa ko at pasimple akong sumulyap sa mukha niya at napalaki ang mata ko nang makita siyang nakatingin rin sa akin. 

"You're awake." Walang emosyon niyang sabi at binalik ang tuon sa may binabasa niyang libro. 

"Bakit ako nandito?.." Tanong ko kay Zeid. Siya kumidnap sa akin? Bakit? Tangina ready na sana ako matakot para sa buhay ko dahil na kidnap ako. Ay, pwede rin naman akong matakot sakanya dahil parte siya sa Mafia diba? Hala baka ibenta niya ang mga organs ko dahil hindi pa siya naka-move on sa pag-iwan ko sakanya. Ang kalungkotan niya ay naging galit kaya niya ako pina-kidnap. 

"Pare, hindi ako healthy. Promise." Sabi ko sakanya.

Kinunotan niya lang ako ng noo niya at hindi na pinansin.

Eh? I'm so confused right now. Hindi niya ba sasabihin sa akin kung bakit ako nandito? They took me here without my permission  so it is my right as a human to ask why I am here right now.

"Pre sagotin mo nga ako. Bakit ako nandito?" Tinapik ko siya sa braso niya para harapin niya ako pero char lang hindi ko siya nahawakan dahil nakagapos pala ang mga kamay ko. Pesteng yawa,  ziplock ginamit tapos may seatbelt pa ako. "Pero tanggalin mo muna to, bago mo ako sagotin." Utos ko sakanya. 

"No." Sagot niya  na hindi man lang humarap sa akin. Aba bastos to ah. Naging bigtime lang pa peymus agad. 

"Bro, for what reason that you are doing this." Nag-english na ako, ako na nag-adjust para maintindihan niya ang tanong ko. Baka nakalimutan niyang mag-intindi ng tagalog kaya hindi niya ako masagot ng maayos. 

"I'm not your Bro." Inikotan ko siya ng mata. Pesteng yawa. Yung Bro lang sa sinabi ko ang naintindihan niya?

"You're not answering my question!" Sigaw ko sakanya dahil na fru-frustrate na ako. It's been 5 years tapos this is the way kaming mag-kita? By kidnapping me? Hindi ata tama to bro. If he still consider us as friends pwede rin naman tawagan niya lang ako o i-text. Hindi ko pa naman na ch-change ang sim card ko. 

"I just want to kidnap you." He shrugged, still not looking at me.

"For what reason?" Gusto talaga english para sagotin niya ako. 

"No reason." Aba bastos. 

"Is this your way of revenge?" I don't think that Zeid is the type of guy to do revenge but that's the only reason I can think of why he is doing this to me.

"Revenge for what? For leaving me?" At last tumingin na siya sa akin. "Revenge. That's so immature to do." He scoffed and looked away. 

"Eh so ano nga ang rason?!" Naubosan na ako ng dugo sa kaka-engrish. Hindi ko kaya mag straight english. Nakakahilo. 

The Prince and The ThornOnde histórias criam vida. Descubra agora