Chapter 40

116 4 4
                                    

~Thorn~

Naka-gown ako papunta sa airport. Di na ako nakabihis dahil sabi ko gusto kong dumeretso pauwi. Binigyan nila ako ng passport at visa. Lakas ba, wala akong ganito. Ginawan nila siguro ako ng fake.

"Miss" Tawag sa akin ng isa sa mga tauhan ni Zeid na humatid sa akin dito sa airport. "sir told me to give you this." binigay niya sa akin ang nawala kong cellphone at may kasamang white envelope. Binuksan ko ito at nakita ang dolyar sa loob.

Wow, thoughful niya naman. Hindi niya nakalimutan na bayaran ako.

"Thanks, um, what's your name?" Tanong ko sakanya.

"Burly, maam. I have to go back, have a safe flight." Tumango ako sakanya at umalis na si Burly. Nice name, bagay sa curly niyang buhok.

Binilhan na nila pala ako ticket. Advance naman nila. Prepared sila na pauwiin ako.

Pinagtitinginan ako ng mga tao sa airport dahil sa suot ko. Kung naka-white siguro ako mapagkamalan na akong runaway bride.

Hindi ako umiyak. Pagod lang yan, pagod na ako. Kakainin ko na lang ang sakit. Atsaka, kung umiyak ako baka masira make up ko. Wala pa naman ako dalang tissue o panyo. Baka-magrundown yung eyeliner ko nag-mukha akong binugbog.

Mga isang oras lang ang  hinintay ko sa airport para sa eroplano ko.

Bastosin ba naman. Ang yaman niyang tao tapos economy ticket pala binigay sa akin? Naka-gown ako jusme tapos sa economy uupo? Mas mahal pa ata tong gown ko sa ticket ko na economy class.

Sabihan ko kaya isa sa mga stewardess dito na pwede i-bigay ko na lang tong damit ko sakanila in exchange for sa upoan sa first class?

Ah wag na, mag-mukha pa akong tanga.

Thankfully, ang katabi ko ay mag-asawa na may dalawang sumisigaw na anak. So peaceful, nakatulog talaga ako sa buong biyahe.

--

As usual, pagkalabas ko ng eroplano, pinagtitinginan ako ng mga tao. Ngayon lang sila nakakita ng haggard na maganda siguro.
May ilang tao na kumukuha ng picture ko mula sa cellphone nila. Famous na ba ako nito?

Hindi ko na lang sila pinansin, since famous ako dapat pang-famous din galawan ko.

Pagkalabas ko ng airport may nakita akong babae na ubod ng ganda at nakikita ko rin ang malaking sungay niya sa ulo.

"Kady, what a unique airport outfit." sarcastic niyang puri sa akin nang nakalapit na ako sakanya. inikotan ko lang siya ng mata.

"Ginagawa mo dito?" Iritang tanong ko.

"My dear fiancè, asked me to pick you up." Fiancè yuck. kasuka.

"Tara na gusto ko nang hubadin to." sabi ko kay Izzy at tumungo kami kung saan siya ng parking.

"So how's your time in America? Did you have a fun time there?" Binigyan ko siya ng nandidireng mukha.

"Not a bit." sagot ko.

"By the way, you're going to be my maid of honor." sabi niya sa akin habang nagmamaneho siya.

"Hard pass." sagot ko agad. Bastosin, nananadya ata siya eh. Asa pupunta ako sa kasal nila. Baka mag-mukhang bitter lang ako doon.

"Kailan ba kasal niyo?" I bitterly asked.

"Next month."

"ANO?!" Gulat kong tanong at napaharap sakanya.

"What?" tinaasan niya ako ng kilay. "It's not like may hinihintay kami para patagalin pa. We're both busy so the sooner the better." Sagot niya sa akin. "Kung pwede nga sana bukas eh." habol pa niya.

The Prince and The ThornWhere stories live. Discover now