Chapter 31

91 4 0
                                    

~Thorn~

Matapos kong isulat ang iniwan kong papel sa counter agad akong kumuha ng jacket at bumaba ng building. May nakaparada nga na van sa labas. Pumasok ako sa loob at nakitang nasa driver seat si kuya Kevin. Isa sa mga tauhan ni tito Ryan. 

"Ano nangyare sa Hacienda, kuya?" Tanong ko nang maisara ko na ang pinto ng van. 

"Mas mabuti na ikaw na lang magsaksi pag-dating natin sa Hacienda." Tahimik na sagot sa akin ni Kuya Kevin. Tumango lang ako at hindi na nag-salita sa buong biyahe. Hindi ako makapakali. Kinakabahan ako kung ano ang nagyayare doon, sana walang malaking problema. 

Nang makaalis si Isabella papuntang America hindi na ako tinawagan ni Tito Ryan. Ito ang unang tawag niya pagkatapos ng halos apat na taon ang nakalipas. Kanina ko pa tinatawagan si Papa pero hindi siya sumasagot. Mas lalo akong kinabahan. Pati si kuya hindi rin ma-contact. Baka tulog? o nandoon din siya sa Hacienda? 

Matapos ang limang oras na biyahe naka-rating kami mga bandang 8:00 am ng umaga. Balak ko sanang dumaan muna sa bahay namin para tingnan kung nandoon si Papa pero pinigilan ako ni Kuya Kevin at dinala sa basement ng Mansion ni Tito. 

"Bakit tayo pupunta sa basement, kuya?" Tanong ko habang sinusundan ang likod ni kuya Kevin. 

"Wag na magtanong andito na tayo." Sagot niya sa akin at binuksan ang malaking metal door ng basement. 

Maliwanag sa loob at may ilang mga tauhan ni Tito ang nakatayo sa gilid. 

"Mabuti at nandito ka na." Salita ni Tito Ryan na nakatayo sa likod ng isang lalaki na nakaupo sa silya. May hawak siyang baril at hinihimas-himas niya ito habang nakatingin sa akin. 

"Alam mo ba kung bakit kita pinatawag dito?" Tanong niya sa akin. Umiling naman ako. Hindi ko alam kung ano ang nangyayare ngayon pero nararamdaman ko na hindi ito maganda. 

"Tatlong taon." Pagsisimula niya. "Tatlong taon ninyo akong niloko. Akala niyo hindi ko malalaman?" Pagalit niyang salita at sinenyasan ang dalawang tauhan niya na iharap sa akin ang taong naka-upo. 

"PAPA!" Agad kong sigaw at napasugod nang makita ko kung sino ang naka-upo. Pinigilan ako ng mga tauhan ni Tito Ryan upang hindi makalapit kay Papa na naka-gapos sa silya at may ilang sugat sa mukha.    

"Bakit niyo to ginagawa!" Sigaw ko kay Tito Ryan na nakangisi sa tabi ni Papa. 

"Niloko niyo ako. Kaya ito ang parusa niyo." Sumenyas siya uli sa tauhan niya at binuksan nila ang isang kabinet. 

"Kuya!" Ang kinuha nila sa kabinet ay si Kuya na nakagapos rin at may mga sugat. Mas matindi ang sugat ni kuya kaysa kay Papa. 

"HIndi ka namin niloko!" mangiyak-ngiyak kong sigaw. Bakit niya to ginagawa sa amin? Pamilya niya kami! Nakakatandang kapatid niya si Papa!

"Ang sabi ko. Bantayan mo ang boyfriend ng anak ko. Wala akong sinabi na akitin mo." Tinutok niya ang baril sa ulo ni Papa at napasigaw ako. 

"Matagal na silang wala!" Bakit obsess na obsess siya kay Zeid? 

"Sumasagot ka? Sige ipuputok ko to sa ulo ng tatay mo." Umiling-iling si Papa sa akin at pumipiglas sa upoan. Si Kuya pilit na sumigaw kahit may takip ang kanyang bibig. 

"Maawa ka tito, wala kaming kasalanan. Wag niyo pong gawin to!" Pagmamakaawa ko at pilit na makawala sa mga tauhan ni tito na nakahawak sa akin. 

"Madali lang akong kausap, Iwanan mo si Moraga at papakawalan ko ang pamilya mo." Hindi ako makasagot agad.

Mahal ko si Zeid. Mahal na mahal ko siya. Ayaw ko siyang pakawalan pero ayaw ko rin mawala ang pamilya ko. 

"Bigyan mo po ako ng oras at gagawin ko." Napatawa si tito at binaba ang baril. "Madali ka rin palang kausap, Kaiden. Kaya ikaw ang paborito kong pamangkin." Sinamaan ko lang siya ng tingin. Pinagsabihan niya ang tauhan niya na pakawalan kami. Agad akong tumakbo papunta kay papa nang bitawan nila ako. 

The Prince and The ThornWhere stories live. Discover now