Chapter 10: Forgiven

Start from the beginning
                                    

"Chee! Lumayas ka nga sa harapan ko, bwisit ka. Sinisira mo yung araw ko" pagkasabi ko nun, ay naglakad na ako agad agad.





Wait--- bat ako yung umalis dun? Pinapalayas ko siya sa harapan ko, pero ako yung nag-walk out? Oh! No, ang tanga ko sa part na yun.





Naglakad na ako nang tuloy-tuloy, hindi siya nililingon. Sana this time, wala na namang manggulo sa paglalakad ko.




Tuwing naglalakad talaga ako dito, kung saan-saan sumusulpot ang mga mokong. Kagaya ngayon, nakita ko sina Kian, Kurt, David at Psalms. In fairness, kumpleto sila.




"Ul*l David! Ang corny nung ganon" rinig kong bulong ni Kian.




"Masyado ka kasing old-fashioned, mas corny yung sinuggest mong idea" sagot naman ni David.




Hanggang ngayon ay hindi parin nila ako nakikita, kasi busy sila sa pakikipagtalo sa isa't isa.





"Simple nalang, para wag masyadong magastos" sabat ni Kurt, habang inip na inip na tumingin sakanila.





"Shut the f*ck up Gonzaga, limang piso lang ambag mo" natatawang sambit ni Psalms.






Biglang napalingon sa gawi ko si Kian, nanlaki pa ang mga mata nito nung una. Parang nakakita ng multong maganda.






"Shh! Wag muna kayong maingay, nandyan siya" bulong ni Kian, na akala mo may kalaban na multo. Yung tipong ayaw niyang may makarinig sakanya, pero sadyang narinig ko.






Tumingin silang lahat sa akin, at ngumiti ng pilit. Eh? Ang weird naman ng mga 'to.





"Hi Ma'am Eliot, kanina kapa nandyan?" Psalms said as he gave me an wide smile, tapos ay inakbayan niya pa ako. Feeling close talaga ang isang 'to. Akala mo naman bati na kami.





"Not really," I said as I walked away.





Bakit ba kasi ang feeling close nung isang yun. Sakanilang lahat, siya lang naman yata yung mabait sa buong section B. Ay Mali! Pati pala si Kian, medyo mabait ng konting-konti. Naging crush ko nga yun nung una e hihi.





"Aish! Bat ba kasi ayaw niya pa tayong patawarin? Ganon ba kalala yung nagawa natin huh?" Rinig kong reklamo ni David, napalingon ako at nakita ko siyang nagkakamot-kamot sa ulo niya. Halatang naiirita na.






Sa pagkakaalam ko si David ang pinakabata sakanilang lahat, bunso kumbaga. Kaya pala nung una naming pagkikita, medyo childish siya.






Nakarating ako sa dorm ko, nang walang nanggugulo sakin. Pagpasok ko ay nakapatay ang ilaw, kaya medyo madilim sa loob. Gabi narin kasi ngayon, pero sa pagkakatanda ko ay hindi ko pinapatay ang ilaw dito kasi naman natatakot ako minsan.






Bubuksan kona sana ang ilaw, nang biglang magvibrate ang phone ko. Kaya kinuha ko muna ito, at nakita ang pangalan ni Mama sa screen.





Mama Erina is calling...





Sinagot ko ito, pero ilang minuto ang lumipas ay walang sumasagot sa kabilang linya. Puro kaluskos lamang ang naririnig ko.





"Hello Ma?" Pagtawag ko rito, ngunit wala paring sumasagot hanggang ngayon.






"Ma--- sumagot ka please, nandyan kaba?" Nakaramdam ako ng kaba, nung hindi parin siya sumasagot. Nakarinig ako, nang parang paghikbi.






Selcouth University: School of Bad BoysWhere stories live. Discover now