Chapter 10: Forgiven

50 16 3
                                    

Chapter 10: Forgiven




Elisse's POV




Weeks have passed since the day, Nathan apologize to me. At nung araw din na yun ang unang pasok ko sa Section A.




I must say na mas may puso ang section A, kaysa sa mga unggoy na yun. Pwera nalang dun sa Andrei na yun, anlaki yata ng galit sa mundo. Tapos palagi niya pang inaaway yung kakambal niya na si Adrian.




"Hey! Ma'am Elisse, ang lalim ng iniisip natin ha? Baka naman malangoy mo na yung kailaliman ng bundok niyan, sa sobrang lalim ha" sambit ni Peter na nasa likuran ko pala.




Wait--- what did he just say? Malangoy yung bundok? Pwede ba yun?





"Peter, may tanong ako sayo" I seriously said as I look straight into his eyes.




"Yes, what is it Ma'am Elisse?" He gave me an smirk, before looking at me seriously.




"Pano ba languyin yung bundok? Paturo naman oh, curious lang kasi ako e" napakurap-kurap pa siya ng ilang beses, bago tumawa ng malakas. Eh? Wala namang nakakatawa sa sinabi ko ha.




"Pfft seryoso ka sa tanong mo?" Hanggang ngayon ay napapatawa parin siya, parang tanga lang e.





"Ikaw kaya nagsabi na baka malangoy ko na yung bundok, kaya nga na-curious ako e. Alam mo? Ang labo mong kausap, dyan kana nga" iniwan ko siya dun na nakatulala, bago umalis ay nakita kopa siyang napakamot sa kanyang ulo, may kuto yata.





Oo nga pala, dahil mayroong palayaw sakin yung section B. Kailangan ko din, bigyan ng palayaw yung mga section A, baka magselos sila e.





Unggoy at mokong na yung sa section B, kaya hindi na pwede yung mga yun. Ano kayang maganda? Pano kung dinosaur at itlog nalang itawag ko sakanila? Pero ang panget naman nun.




Hayst, ano kayang magandang palayaw? Ang alam kolang kasi, maganda ako pero hindi palayaw e huhu.




"Ay letseng palaka" napasigaw ako nang may mabangga akong isang lalaki. Nung una ay hindi ko siya nakilala, dahil nakayuko siya.




Pero sa hubog ng katawan niya, kilalang kilala ko na siya. Kapag minamalas ka nga naman, may makakabangga pa akong isang mokong--- ang lider ng mga unggoy. Ang gorilla na nagngangalang Nathan.




"Hay nako! Pumanget na tuloy yung araw ko, kasing panget nang nabangga ko" pagpaparinig ko.




He looked at me emotionless, hayst! Lagi nalang siyang walang reaksyon, simula nung hindi ko siya pinatawad. Masyado yatang natapakan ang ego niya.





"Kung ganon pala, naging maganda yung araw mo dahil sakin? Wala kasi sa bokabularyo ko yung salitang panget e" napakurap-kurap ako ng ilang beses, bago natauhan sa sinabi niya. What did he just say? Ang kapal ng mukha niya.




"Spell feelingero--- N-A-T-H-A-N. Excuse meeee! Masyado yatang makapal yang mukha mo, huh?" Nakitang kong bahagya siyang napangiti. Wow! Once in a blue moon yung pagngiti niya ha.





"Hindi makapal ang mukha ko, let's say na I'm just stating the fact" tinignan niya ako sa aking mga mata, pagkatapos ay nginisian niya ako. Parang sinasabi niya na 'Oh! Ano? Speechless ka sa kagwapuhan ko noh. Walang makakatalo sa Nathan Monteverde lol'





Selcouth University: School of Bad BoysDonde viven las historias. Descúbrelo ahora