"Wow! These are my faves, Mom!" Masayang sabi ni Ivan habang inuupo ko siya. Napangiti ako dahil mukhang nagustuhan niya ang hinanda ko.

I have to cook these foods which unfortunately Ryoga's favorite too. Kainis!

"Ang cute ng designs." I turned around only to see Ryoga sitting on the chair now in front of us. What? Is he going to eat here too? Kapal ha!

"These foods aren't for you." Masungit na sabi ko at nilagayan ng pagkain sa plato si Ivan.

"But these are my favorites?"

"We have the same faves po pala?" Tanong ni Ivan sakaniya.

"Yes. Para tuloy tayong mag tatay. Pareho ng paborito!" Nakangiting sabi niya at sinamaan ko siya ng tingin.

"If you want to eat, just eat. Don't talk."


We started eating at sinubuan ko si Ivan. Natutuwa ako sakaniya dahil sobrang dali niyang pakainin plus ang takaw niya pa. Halos maubos niya ang chocolate pancakes!


"Ang takaw mo. Kaya pala ang taba mo no." Ryoga spoke again.

"Mom, am I fat?" Tanong naman sa akin ni Ivan and he sounded insecure.

"Chubby ka anak. Hindi ka mataba. Magkaiba 'yun." Sagot ko.

"Papunta na rin don 'yon." Singit ni Ryoga and I swear gusto ko siyang saksakin ng tinidor! Gagong 'to!

"Ayoko na, Mommy. Baka tumaba po ako."

"Hindi. Okay lang 'yan. Mag diet ka nalang anak."

"So, I'm really fat?" Nagtatampo na sabi niya.

Binitawan niya ang tinidor na hawak niya at pinag cross nito ang mga kamay niya. I even heard Ryoga na nagpipigil ng tawa. Bwisit siya.

"I mean in the future, doon ka mag diet. For now, just enjoy all of this food. Hindi lahat nakakakain nang ganito."

"Okay po."

"Just work out. Let's exercise later. You want that?"

Hindi naman siya singit pero pangay ang singit.

"Yes po!" Masayang sagot ni Ivan.

Sinamaan ko ng tingin si Ryoga at tinaasan niya lamang ako ng kilay habang nakangiti. The hell with this guy! Kailangan talaga maka alis na kami rito ng anak ko sa poder niya. Nabibwisit ako sa presensya niya!



Nang matapos kaming kumain ay hinugasan ko ang mga plato. Halos magmadali na ako sa paghugas dahil kasama ni Ryoga si Ivan. Kinakabahan ako sa kung ano man ang pwedeng sabihin niya sa anak ko. Baka mamaya sabihin niya nalang bigla na siya ang ama nito na ayaw kong mangyari.

Nang matapos ako sa paghuhugas ay tumakbo ako papunta sa labas. I can hear Ryoga and Ivan's voice shouting at each other. Napahinto ako sa malapit sa pool and I saw them playing in the swimming pool. Ivan loves water just like me.

Nagtatampisaw silang dalawa at nagbubugahan ng tubig sa isa't isa. Ivan is laughing and screaming out of joy. He looks happy.


"Mommy! Dito dali!" He shouted nang makita niya ako. Naramdaman ko ang titig ni Ryoga sa akin pero hindi ko siya binalingan ng tingin.

"Come! Let's play with Uncle Ryoga!" He shouted again.

Lumapit na lamang ako sakanila at nginitian ko siya. I jumped in the pool at mabilis akong sinabuyan ng tubig ni Ivan.


"Mommy, here comes the water!" He said at panay pa rin ang saboy nito sa akin. "Uncle, help me! Basain natin siya!"

Ryoga looked at me at napatakip ako sa mukha ko nang sabuyan niya nga ako. Damn it! Nakainom pa yata ako! Tampisaw lang ang pagsasaboy sa akin ni Ivan pero parang isang batsa ang sinaboy niya! Kung wala lang dito ang anak ko, baka nilunod ko na siya!

His Story To Tell (R-18)Where stories live. Discover now