CHAPTER 1

25.2K 266 31
                                    

Dedicated to her. Hello dear. :))))))) Sobrang natuwa ako sa effort niyang magmessage sa akin para lang kumbinsihin akong gawin itong Book 2. Tumulong din siyang maghanap ng gagawa ng Book Cover. Kaya SALAMAT dear :* Naka-All Caps na iyan para mafeel mo iyong pasasalamat ko :*

Danilo Padilla / Dan's Photo --------------->

~~~~~~~~~~~~~~~~

=======AFTER 3 YEARS========

DANIEL'S POV

 



"Dad, san tayo pupunta?"tanong ni Dan habang nag-aayos ako ng buhok ko.




"Sa Mommy mo malamang."ako





"E! Kukulitin lang naman tayo ni Mommy doon e. Tatanungin nanaman tayo kung kelan iyong kasal niyo. Bakit di mo kasi Yayain Dad? Para matapos na iyang pagtatampo sayo ni Mommy. Nakakairita na iyang pagdadrama niya sa akin e."pagrereklamo ni Dan habang inaalis iyong head phones niya sa tenga at nagdadabog na umupo sa kama.





"E kasi ikaw ang palpak mo e! Nabuking kaya tayo noong nasa HongKong tayo! Tss. Kaya magtiis ka."sabi ko at nagspray na ng pabango.





"Kasalanan ko bang madulas Dad? Ikaw kasi may nalalaman pang pasurprise-surprise e. Arte mo Dad!"sabi niya sa akin





"Ah ganon?"sagot ko at kinuha iyong isa unan at binato sa kaniya



HINDI KITA IIWAN ----- KATHNIEL (Book 2-3) - FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon