CHAPTER 5

8.6K 84 5
                                    

-HOPE'S POV-

Sh*t! Sh*t! Sh*t! Bakit ngayon pa kailangang magkaroon ng problema sa kompanya nina Derrick? And it will take 4 months bago siya makabalik. Hindi man lang ba niya naisip na pwedeng magkita si Kath at DJ? Oh well. Hindi naman sila siguro magkikita.

"Anong ginagawa mo dito?"para akong nasabuyan ng ice. Bigla akong nanigas at hindi makagalaw. Unti-unti akong lumingon sa pwesto ng kama ni Daniel at nakita ko siyang nakatingin sa akin. Sh*t. Narinig niya kaya iyong usapan namin ni Derrick?

"Ka-kanina ka pa gising?"nauutal kong tanong. Ramdam ko iyong kaba ko. Hindi niya pwedeng marinig iyong usapan namin ni Derrick dahil masisira lahat ng pinaghirapan namin. Hindi pwede!

"Hindi naman. Sinong kausap mo sa phone?"tanong niya sa akin at binigyan ako ng matalim na tingin.

"H-ha? Si Daddy iyon. Kinakamusta ka. Narinig mo ba pag-uusap namin?"sabi ko at pinipilit ang sariling maging kalmado. Wag kang magpapahalata Hope. Sa panahon ngayon, iyong mga nagpapahalata, madaling matalo. Dapat magaling kang umarte.

"Hindi naman. Bakit? May dapat ba akong marinig?"tanong niya.

Bakit makakahulugan ang mga tanong niya? Napalunok ako ng laway at saka tumingin sa side table niya. "Uy. Dinalhan pala kita ng mga prutas."pag-iiba ko ng topic at lumapit sa kaniya. Tumingin lang siya sa akin. Katahimikan. Iyan iyong bumalot sa amin. Sobrang tahimik. Kaya nga halos mapatalon ako noong bigla siyang nagsalita...

"May gagawin ka ba ngayon?"parang bumilis iyong tibok ng puso ko. Hindi dahil sa kaba, kundi dahil sa sinabi niya. Yayayain niya ba ako? Yayain niya ba akong lumabas kasama siya? At dahil hindi ako nakasagot agad, ngumiti siya at hinawakan ako sa kamay at saka sinabing: "Tinanong lang kita kung may gagawin ka ba ngayon tapos nagblush ka na agad? Ganyan ka ba kainlove sa akin?" Kinikilig ako. At hindi ko alam kung bakit. Ahhhh! Natauhan na ba siya? Narealize na ba niya na ako iyong para sa kaniya? Na ako tlaga iyong mahal niya? Omygeee :">

HINDI KITA IIWAN ----- KATHNIEL (Book 2-3) - FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon