CHAPTER 13

8.2K 99 22
                                    

Dedicated to @YourForever18. 

#HKISeason3 just use this hashtag in twitter kapag magt-tweet kayo sakin or ng mga hinanaing niyo tungkol sa mga chapters :") BE ACTIVE. May hinahanap akong.... ABANGAN.

~

-DANIEL'S POV-

"Alam mo Hope, hindi na talaga natin kailangan ng Yaya. Kaya naman nating asikasuhin iyong mga sarili natin diba?"inis kong sabi kay Hope habang papunta kami doon sa agency na sinasabi ng halimaw na Daddy ko (daw)

"Wala namang mawawala kahit magkaroon tayo ng Yaya ah. Tsaka sayang naman iyong pera mo kung hindi mo din naman gagamitin sa ikagiginhawa mo."sagot niya habang nakangiti. Akala niya nakakatuwa itong ginagawa niya. Pwe!

Maya-maya lang ay nakarating na din kami dito sa harap ng agency. Bumaba ako ng sasakyan at nagdire-diretso sa may entrance. Nakita ko pang nakabusangot si Hope dahil hindi ko siya pinagbuksan ng pinto. Tss. Badtrip. Wala man lang akong balita kay Kath. Ano na kayang ginagawa niya ngayon?

"Goodmorning Sir, Goodmorning Ma'am."bati nung lalaki sa amin pagkapasok namin sa loob ng agency.

"Uhm. Kami po iyong pinapunta dito ni Mr. Cinco para makilala iyong bago naming Yaya, nandito na po ba siya?"sabi ni Hope

"Ay, opo. Yes Ma''am. Maupo po muna kayo at tatawagin ko lang po siya sa room."sabi ng lalaki at nagmamadaling umakyat papunta doon sa room.

Naupo naman kami ni Hope. Ang dami niyang sinasabi na expectations niya dun sa Yaya pero wala akong pakialam. Iniisip ko si Kath. Kamusta na kaya siya? Nakakain na kaya siya? Sinasaktan kaya siya ni Derrick? Inaalagaanba siya ng maayos? Tss. 

"Sir, Ma'am, ito na po iyong bago niyong Yaya. Si Che."

Napatingin naman kami ni Hope doon sa Yayang itinuro ng lalaki.

dug dug dug

Ha? Bakit gnon? Bakit parang pamilyar sa akin itong mukha ng batang ito. Medyo tisay na babae. Mahaba at tuwid ang buhok at medyo matangkad. Mukhang teenager. Siguro nasa 16-18 yrs old.

"Goodmorning po Ma'am. Goodmorning po Sir."sabi niya sa amin at nakipagshakehads...

dug dug dug

Bakit ganto? Bakit parang may iba sa batang ito?

~


TWEET ME: @TheRisingMAEsen 

I don't need your comments, mas kailangan ko iyong tweets and votes niyo sa akin :") Don't forget the #HKISeason3 bago ako mag-U-UD. :") Mwaaa :*

HINDI KITA IIWAN ----- KATHNIEL (Book 2-3) - FINISHEDWhere stories live. Discover now