CHAPTER 32

10.7K 92 4
                                    

-AUDREY's POV-

"Bumaba ka na at sundin mo lahat ng inutos namin sayo. Siguraduhin mong makukumbinsi mo sya Audrey. I don't want you to disappoint me. Are we clear?" parang gusto kong mamatay sa mga oras na ito. So ito na ba? Ito na ba iyong kinatatakutan kong araw?

Ito na ba iyong araw na ako mismo ang dahil kung bakit mapapahamak at masisira ang pamilya ng lalaking mahal ko? Gusto kong umatras. Gusto kong tumakas at magpakalayo-layo. Pero nangingibabaw ang takot ko. Takot na takot ako. Takot ako sa pwedeng mangyari sa gagawin ko.

"Labas na!"sigaw ni Mama Hope. Siya ang tumayo kong mama simula pa noon.

"O-okay po.."sabi ko na parang nagpapanic. Nanginginig ang katawan ko. Parang gusto kong magcollapse anytime.

Naglakad na ako papasok sa bar na pinasukan ni Dan. Kitang-kita ko kung gaano siya nasaktan sa ginawa ni Rosaline. Oo, alam ko. Narinig ko lahat kanina. Pero mas nangingibabaw ang takot sa dibdib ko. Kaya ko ba talaga ito? Kaya ko ba talagang gawin ito?!

"Iyong matapang na alak po Kuya."rinig kong sabi ni Dan

Nandito ako sa isang sulok. Nagmamasid. Naghihintay. Nag-aabang ng tamang pagkakataon. Nag-aabang ng tamang tiyempo pata magawa ko na ito.

Sa loob ng 2 oras alam kong lasing na lasing na sya. Nakita kong halos pilitin na nya iyong lalaki na bigyan pa sya ulit ng alak. Kaya naman lumapit ako sa kanya.

"Dan.."sabi ko. Tumingin lang sya sa akin at saka humingi ulit ng alak dun sa lalaki

"Dan! Tama na. Lasing ka na oh."pagpigil ko sa kanya.

"Sino ka ba?! *hik* Wag mo nga akong pakialaman! *hik* Hindi kota kilala!"

Lasing na nga talaga siya. Hindi na nga nya ako makilala sa sobrang kalasingan nya eh.

"Dan tama na.."ulit ko sa kanya

"Ano ba?! *hik* Wag mo nga *hik* akong pigilan! *hik*" sabi nya habang tinutungga iyong alak na bigay ng lalaki

"Dan alam kong masakit iyang nararamdaman mo pero maawa ka naman sa alak! Eh halos pinurga mo na ata iyang tiyan mo ng alak."sigaw ko sa kanya

"Hindi mo alam *hik* kung anong nararamdaman ko! *hik* Wala ka sa sitwasyon ko *hik* kya wag mong sabihing alam mo ang nararamdaman ko."sabi nya

Parang biglang kumulo iyong dugo ko. Hindi ko daw alam ang nararamdaman nya?!

"Wala man ako sa sitwasyon mo ngayon, alam ko ang pakiramdam. Alam mo kung pano? Dahil naranasan ko na iyan sayo! Diba iyan din naman iyong ginawa mo sa akin dati?! Ginawa mo lang akong rebound ni Rosaline. Kaya wag na wag mo akong sumbatan na di ko alam ang pakiramdam dahil mas masakit pa iyong ginawa mo sa akin noon!"

Hindi na ako nakapagpigil pa. Pati tuloy ako nadala na. Hindi ko tuloy napigilang sabihin ang sakit na nararamdaman ko towards him. Kasabay noon ang pagkatumba niya sa upuan. Inalalayan ko siya at itinayo..

"Patawarin mo ako Dan. Pero kailangan ko talagang gawin ito. Mahal na mahal kita.."sabi ko at saka lumabas ng bar kasama siya at sumakay sa kotse ni Mama Hope.

-

-Ate Tam

HINDI KITA IIWAN ----- KATHNIEL (Book 2-3) - FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon