CHAPTER 4

8.8K 85 2
                                    

-KATHRYN'S POV-

Maaga akong nagising dahil hindi ko nagustuhan iyong panaginip ko. Ahhh! I can't imagine na mangyayari sa akin iyon..dahil kapag OO, magpapakamatay talaga ako. Yeah. Ikukwento ko na. Pag katapos daw naming ikasal ni Derrick, saka ko daw nalaman na hindi pala kami magkapatid ni Daniel.. Oh no.. I can't.

"Kathryn, you have to go to your Tita Grace para masukatan ka na ng wedding gown. Derrick can't accompany you dahil biglang tumawag ang Dad niya kaya naman kailangan niya munang pumunta sa States. Nagkaroon kasi ng problema sa company nila."sabi ni Dad sa akin.

Nagnod lang ako at bumalik ang tingin ko sa bintana. Magpapasukat ako ng wedding gown? :( Never kong pinangarap ito. Nangako ako sa sarili ko noon na isang beses lang akong ikakasal dahil isang lalaki lang ang nakatatak sa forever ko. Kaso, wala eh. Hindi ako mahal ng tadhana. Palagi niya akong gustong saktan. Siguro kung mapupunit lang iyong puso sa sobrang sakit, confetti na siguro itong sa akin. :(

Pagkatapos kong magbihis at magprepare, bumaba na ako para magpaalam kay Daddy. I feel like I'm idiot kasi nagiging sunod-sunuran kami sa gusto niya. Kung tutuusin pwede naman kaming umalis ni Daniel eh. Pwede kaming umalis ng bansa at magpakalayo-layo. Pero hindi namin iyon ginawa...kasi..kasi...nilayo agad kami bago ko pa man naisip iyon. Nagsisisi akong humiwalay ako sa kaniya noong gabing iyon. Hindi ko akalain na huling beses ko na siyang makikita noon :(

"Karla would join you Kath."sabi ni Daddy at sinamahan nga ako ni Karla, iyong secretary niya. Tahimik lang kami sa byahe habang papunta sa Boutique ni Tita Grace. Tita Grace is a friend of Dad. Family friend daw sabi niya sa akin. Tita Grace is nice naman. Sinabi niya sa kin iyong mga plans niya for my wedding gown. Nakokonsemsiya nga ako kasi physically present ako pero mentally absent kaya di ko masyadong naiintindihan iyong mga sinasabi niya. Naisip ko lang na dapat nga matuwa ako kasi ngayon, ako iyong magsusukat at magpa-plano ng wedding ko. Pero mas nakakatuwa iyong ginawa ni Daniel noon :( Iyong surprise wedding niya sa akin na wala man lang akong ginawang effort at siya lang ang nagplano ng lahat. Siya lang ang gumastos at siya lang ang napagod.. God, why does everything have to be so hard? :(

-

-DANIEL'S POV-

"Daniel, sabi ng nurse mo, hindi ka nanaman daw kumain."rinding-rindi na ako sa boses ng lalaking ito. Bakit ba umaasta siyang tatay ko?! He's not even deserving to be my Dad. He's really not.

"So? Hindi naman ikaw iyong nagugutom diba?"I rudely said to him. Parang biglang nag-iba iyong mukha niya pero nagbago din naman ito agad at narinig ko siyang huminga ng malalim.

"Nag-aalala na ako sayo. Paano kung magkasakit ka dahil sa pagpapalipas mo ng pagkain? Hindi mo man lang ba naisip iyon?"sabi niya

"Magkasakit? Tsss. Mas better pang magkasakit ako at mamatay dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ko man lang naisip? Wow. E ikaw ba? Naisip mo man lang ba kung anong gulo iyong mangyayari nung pjnamigay mo kami ni Kath sa ibang pamilya? Alam mo, kasalanan mo itong lahat! Kung hindi mo kami pinamigay noon, edi sana hindi ganto kagulo ngayon. Edi sana hindi kami nasasaktan ngayon. At edi sana, tinuturing kitang tatay ngayon!"tumayo ako sa kama ko at pumunta sa harap ng pinto.

Binuksan ko ang pinto at nagsalita. "Ngayon, lumabas ka na ng kwarto ko. Ayaw kong marinig mo pa iyong ibang sasabihin ko. At baka di ako makapagpigil, baka mamaya may mababalita nalang sa TV na isang anak na lalaki pinatay ang sariling tatay."sabi ko ng nakatalikod pa rin sa kaniya.

Walang nagsasalita. Tahimik. Ilang segundo na pero hindi pa din siya lumalabas ng kwarto ko. Napasinghap ako. "Lumabas ka na."sabi ko

At tulad ng araw-araw na nangyayari sa amin, umalis nadin siya ng kwarto ko. Bakit Lord? Bakit sa akin ito nangyayari? :(

-

Nakagising ako sa naririnig kong boses sa may gilid ng kama ko. Nanatili akong nakapikit at nakinig sa usapan nila..

"What? Why did you left her? For how long?"boses oyan ni Hope na halatang pigil na pigil na makagawa ng ingay..

"Ano?! 4 months. Ghad Derrick. Mabuti nalang at nandito sa Hospital si Daniel. I'm just afraid na mauwi sa lahat itong pinaghirapan natin. Hindi sila pwedeng magkita ulit." Ha? Ano? Sk Derrick? Anong meron? Mauwi sa lahat ang pinaghirapan nila? Ano iyon?

"Sige. I'll call you later."sabi niya at binaba ang tawag.

Hindi tama ito..may naaamoy akong hindi kanais-nais. Kailangan ko nang lumabas sa Hospital na ito.

-

-Ate Tam

HINDI KITA IIWAN ----- KATHNIEL (Book 2-3) - FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon