Chapter 32: Investigate

32 6 6
                                    

Misume's POV

Maingay ang bus at magulo pero sa bahaging likod nito ay ang tahimik at tila paghinga lang namin ang maririnig kung saan kami nakaupo.

Dumating kami sa Campsite ng kulang pero hindi man lang sila nag-atubing magtanong. Ano pa bang aasahan ko? Syempre wala silang alam sa nangyari at kung meron man, wala pa rin silang pakielam.

Pumikit ako at inalala ang lahat ng nangyari kagabi lang, halos wala akong tulog dahil sa pag-iisip. Yung kahapon na masaya na napalitan ng lungkot at hinagpis.

Eto ba ang paraan nila kung paano maglaro? Hinding hindi makakatakas saking alaala ang pigurang iyun, ang pigurang nagbanta saking buhay, ang babaeng nakapulang balabal.

Nang mahulog sa bangin si Queen ay hindi ko mapagilan ang emosyong namumuo sa loob ko at sinulyapan ang direksyon kung saan nanggaling ang panang tumama sa kanya. Nakita ko ang aninong nakakubli sa likod ng mga matatayog na puno. Kahit gaano pa sya kagaling magtago ay hinding hindi pa rin ito makakatas sa paningin ko, sya na may hawak ng palaso at tumapos sa buhay ng kaibigan ko.

"Uminom ka muna." Alok ng pinsan kong si Zein

"Alam kong mahirap para sayo pero kailangan mong kumain kahit unti." 

"Wala akong gana"

"Kahit sumubo ka lang ng limang kutsara, wag mong sabihing susunod ka kay Queen at yan ang paraan mo upang magpakamatay?"

Binatukan ko nga ang letse, malawak ang pag iisip

"Tumahimik ka nga!"

"Ayaw ni Queen yan." Pumikit na lang ako kaysa makipagtalo pa sa kanya

"Ako na maghatid kay Misume mamaya" Chesy

"Sige pupunta rin kami sa hospital para ipagamot ang sugat ni Jen, dadalawin na rin namin si Hani mamaya" Hannah

~~~
"Talagang nagparamdam na sila mukang nasundan tayo at humanap lang ng tyempo para makaatake. Sad to say, Queen..." Kuya

"She's gone, sinakripisyo nya ang buhay niya para sakin. I know"

"Wag mo sanang isipin na kasalanan mo iyun, alam kong hindi lang sya ang nag-iisa kaya mas doblehin niyo pa ang pag-iingat."

"Sa ngayon tayo ang prey at sila ang predator, We need to prepare ourselves." Zein

Sigh~ I'm sorry Queen if I didn't able to protect you.

Chesy's POV

Pagkatapos kong maihatid si Misume ay sumunod ako sa hospital kung nasaa sila Jen at Hani. Iniwan ko na sya roon tutal nandoon na rin naman ang kuya at pinsan niyang si Zein.

"Kamusta si Jen?"

"Tinatahi na ang sugat niya" Hannah

"Where's Hani?"

"Tara punta muna tayo sa kwarto niya."

Pagpasok namin sa pinto nakita namin ang nag iiyakang sila Hani, Angeline at Rainne. Alam na agad nila ang nangyari? Lumingon ako sa kanan ko ng makita si Erine na mugto ang mata.

"Anong nangyari?" I ask, kakaiba kasi ang kinikilos nila.

"It's all my fault" Erine

Nilapitan ko sya at tinabihan. Hinimas himas ko ang kanyang likuran para patahanin sya.

"What happened?"

"I-i am, i'm a k-killer"

"W-what?"

"Erine it's not your fault" Dark

"Siguro kung hindi niya ako niligtas, edi sana buhay pa sya ngayon."

WANTED: The Return Of The Kage (On-going)Where stories live. Discover now