Chapter 1: Run

290 12 0
                                    


Mika's POV

The Heck! Masama na bang matulog ng maaga at pagkagising wanted na? Shitsu talaga!

Andito ako sa Tokyo International airport, bihis lola si ako. Mahirap ng mabuko noh!

"Calling for flight *** we will leave after 10 minutes"

Tumayo na ako at kinuha ang bagahe ko. Akmang aalis na ako ng...

"YAMETE! (Stop!)"

Anak ng! Pati ba naman dito walang kawala?

"We just wanna informed you that there's a criminal here and no one's allowed to leave!"

After saying that ang daming nagbulungan at nagkagulo na rin.
Tumakbo na ako papuntang entrance kaso ang daming nag tutulakan. Tae naman ako yung matanda dito tas ako yung tinutulak-tulak!

TING💡

May biglang pumasok sa isip ko. Hehehehe!

"I-i cant b-breath" at para mas maganda ang drama, nag panggap akong mahihimatay.

"Oh My Gosh! The old woman collapsed here!"

Success! Well atleast pinapasok na ako sa loob.

"Get rest madam, sorry for the trouble"

"Its ok, thank you"

Haisst! Sa sobrang sikat ko , pati sa airport hina-hunting ako. Mabuti nasa loob na ako.

Bago ang lahat, I want to formally introduce myself, Im Mika Sume Taide at alam ko naman na alam niyo na ang dahilan kung bakit ako hinahabol right?

Magpapakalayo-layo muna ako sandali at aayusin ko ang gulo. I know there's a person behind it.

Yeah its a set-up guys, pero hindi ko alam kung sino sya o sino sila. Pahuhupain ko muna ang issue ko saka ako gagalaw.

After several minutes, dumadami na rin ang tao sa loob ng eroplano, sa wakas makakaalis na rin.

I rest my head sa upuan na parang couch dito. Patulog na sana ako ng...

"I know you" sabay upo sa tabi ko

0_0

Bigla akong napamulat at nilingon kung sino yun.

Lalaki... Gwapo, maputi, matangos ang ilong at makinis. Bigla akong napalunok.

"W-what?"

"You're familiar, you're the one who collapsed earlier. Sorry for interrupting your sleep madam"

Akala ko talaga buko na ako, pano kasi si kuya mukang gangster. Akala ko tuloy isa sya sa mga nang-huhunting sakin.

Lumipad na yung eroplanong sinasakyan namin at sana sa paglapag ng eroplanong'to sa pinas, maging maayos ang lahat.

~~~
(At NAIA)

Sa wakas nakalapag na rin, nakaka-miss din ang klima dito.

Palakad na sana ako ng mapansin ko si kuya na katabi ko kanina sa eroplano, may something sa bandang likod ng leeg niya sa baba. Isang marka na rosas? Kulay itim. I don't know but parang pamilyar sakin ang markang yun.

Napataas din ako ng kilay nung makita kong may sumalubong sa kanya na mga kalalakihan at nag man-hug pa ah!

Hindi ko na sila nakita pa dahil umalis na sila. ako lang ba talaga o parang may aura from him. Tss~ pagod lang siguro ito.

Umalis na rin ako at pumara ng taxi. Sa ngayon, mag aapartment muna ako kasi mas mahal pag condo.

(Apartment)

Kadadating ko lang kanina at katatapos ko lang ngayon kumain. Nag-shower na rin ako and ready na for sleep.

Sa totoo lang, ngayon lang talaga ako napagod sa tanang buhay ko. Mahirap ang tumakas at mag-panggap. Sa japan kasi, sulit ang pagod ko dahil marami akong natutulungan pero ngayon nagbago na ang lahat.

Tumayo ako at humarap sa salamin, kilala na nila ako at kailangan maitago ko ito.

Kailangan kong mag-iba ng anyo. Kailangan kong maging inosente, maging mababa at kalimutan ang lahat-lahat sa pag katao ko.

Kumuha ako ng gunting at sinimulan ko ng gupitin ang mahaba kong buhok. Kumuha rin ako ng contact lens para mapalitan ang kulay ng mga mata ko. Hinanda ko na rin ang salamin sa mata dahil simula ngayon, hindi na ako si Mika Sume Taide.

Ako na si Misume Saite, isang inosente, mababang uri at mahina.

WANTED: The Return Of The Kage (On-going)Where stories live. Discover now